"From dead last on the list to standing on 15th place, ano happy na kayo mom and dad na I didn't disappoint you both this time?" Tanong ko pero walang react si dad, sa loob ng almost three months pagkatapos maging kami ni Yael, my performance in the department has been good, hindi ko alam na jowa lang pala ang kailangan ko para lang umayos ayos ako, maybe because I am hopeless romantic and depressed and these days I saw an improvement to my condition, I have depression pero simula nung naging kami ni Yael nakakita ako ng improvement mula sa depression ko, all my life I never seek help or medical help for my depression dahil takot akong iinvalidate ng pamilya ko ang kondisyon ko baka lang sabihin nila sakin na nagiinarte ako dahil kilalang kilala ko ang ugali ng mga to.
"Well congrats, alam mo bang halos tatlong taon akong naghintay para dito Zoe? Sana naman kahit sa top 10 makapasok ang department nyo dyan, pero mukhang hangang 15th place lang ang kaya, but still congrats, I hope you do more better next time, nauungusan parin kayo ng finance department, at gusto kong maungusan mo sila next time, dahil ayokong napapahiya at kung hindi mo lang sana dala dala ang apelyido ko." Wika ni daddy, parang gusto ko magmura, parang lang naman, all the times na pinaghirapan ko to go to 15th place is worthless if they want more.
"Well atleast I did it in merely 3 months than 3 years, right?" I asked. "Alam mo napapansin ko lang, simula nung dumating yung bago mong secretary na si Yael Mateo Sebastian umayos ayos ka, wag mong sabihin sakin na sya pa ang nagbuhat para sayo?" Tanong ni mommy at nanlaki ang mga mata ko pero I tried my best to not make it obvious.
"He helped me a lot mom, alam mo tinatanong ko parin ang sarili ko kung bakit ngayon lang dumating si Yael, he helped me to carry those dumbell employees of mine, thanks to him." Sambit ko.
"Gusto ko yang si Yael ha, bakit ngayon ka lang nakahanap ng maayos ayos na empleyado katulad ni Yael? You wasted all those years hiring stupid employees." Saad ni mommy.
"He's kind of rare mom, he graduated in UP with latin honors, he deserves a raise." Saad ko. "Magkano ang sinesweldo mo kay Yael? I want you to take a good care of him and don't do anything stupid, ayokong mawala si Yael sa department nyo since yung mga dating tinerminate mo lumipat sa finance department, pati yung dati mong assistant na si Naomi." Agad na nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni daddy.
"What? Kailan pa sya lumipat don? Ano yon she will be going against me because I terminated her long ago? Is it my fault that she's stupid? She don't even act her age, tanda na non may anak na nga eh." Inis na sabi ko.
"Maybe, or baka bingyan lang talaga ng finance ng chance si Serrano." Sagot ni mommy. "Hay nako, I really love giving my used toys to the less fortunate, right mommy?"
"Tumigil ka nga dyan, alam mo ba na tinetrain na nila yung mga tinerminate mong employees para ungusan ka? Finance ang karibal mo sa lahat ng department, now they stand 9th place on the list, baka nga pinagchichismisan ka na ng mga dati mong empleyado eh para pabagsakin kayo lalo, mag ingat ka sa mga pinag gagagawa mo Zoe, matanda ka na." Sambit ni dad, finance department really do everything para ungusan ako, even if swallowing my trash whole.
"Ano ba kasi ang problema ng finance sainyo at bakit parang gustong gusto nila kayo pabagsakin?" Tanong ni mommy, can't believe na wala parin syang idea kung bakit galit na galit samin ang finance.
"Nag simula yon nung naging manager na ko ng hr, yung dating manager kasi ng hr before me ay kaalitan na ng finance tapos sakin pinasa, eh nung oras na yun kakampi nila ang customer service pero dahil sa sama ng ugali nila inayawan sila kaya samin kumampi kaya mas lalong nagalit samin lalo na ako, tapos nagkaron ng competition for recognition eh nanalo kami ng ilang awards na gustong gusto ng mga taga finance eh ayon kinainggitan kami, lalo na iniisip nila na may favoritisim daw kayo dahil anak nyo ko, diba napaka immature? Eh palagi ko nga sinasabi sa mga empleyado ko to set aside personal feelings and life dahil nasa trabaho kami, pagsabihan mo yung manager nun ha kundi sasabunutan ko yon."
BINABASA MO ANG
Parallel Hearts
RomantikCity of Romance Series #1 "Their love, a brilliant star that briefly illuminated their separate skies." Zoe Victoria Leona's life was one of opulent privilege, a world bathed in luxury but yet unfortunate. Yet, everything changed when she collided w...
