"Mam alam nyo bang naiissue na kayo dito ng ibang tao? Nakita kasi nila kayo na sumasayaw non sa dance floor nung party ng company, alam nyo na ba to mam? Kayo na kasi ni Yael ang usap usapan ngayon eh." Wika ni Brenda.
"What? Naiissue na kami ng ibang tao dito? Jusko napaka immature naman kung ganon, hindi nalang atupagin yung trabaho nila kaysa pagchismisan kami ni Yael, of course we're close because he's my assistant at sa lahat ng oras sya ang kasama ko kaya natural lang na maging close kami ng ganon, pati nga yung ibang managers din ganun sa assistant nila eh pero bakit kami lang yung naissue?" Inis na tanong ko.
"Eh mam matagal na kasi kayong napapaghalataan eh, tapos palagi pa kayong magkasama parang di na kayo naghihiwalay kaya hindi imposibleng maissue talaga kayo, ibang level na daw kasi yung closeness nyo eh, kaya kung ako sainyo mam mag ingat nalang kayo sa kinikilos nyo, mahirap na kasi kung maissue kayong mag jowa eh bawal na bawal pa naman ang office romance dito baka tanggalin pa kayo sa trabaho." Sagot ni Brenda.
"My dad cannot fire me in this position pero si Yael oo, pero thank you Brenda for informing me, kapag may iba pang balita paki sabi nalang sakin, thank you." Pagpapasalamat ko at umalis na si Brenda sa opisina ko at napasandal nalang ako sa swivel chair ko, grabe mga tao dito immature para isipin nila yon, this is a workplace and everyone should be professional, kung ako lang may control sa companyang to patatanggalin ko lahat ng chismosa, eh kung ipatanggal ko naman lahat ng chismosa edi wala nang natirang empleyado sa kompanyang ito.
Matapos ang ilang oras na puro kumpol kumpol na trabaho, I decided to go to a cafe alone since day off nanaman ni Yael at miss na miss ko nanaman sya. Habang naglalakad ako papalabas ng building bigla kong nakita si Nicholas na papasok sa loob at agad agad akong tumalikod at tinakpan ang mukha ko pero nagulat ako dahil tinawag nya ko sa pangalan ko, nakilala nya ko?
"Zoe you're here!" Sambit nya at lumapit sakin, no choice na nakita na nya ko kaya humarap ako sakanya ng may pekeng ngiti.
"Hi Nicholas anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. "I'm here kasi may meeting mamaya regarding sa partnership ng companya, aattend ka ba mamaya?" Tanong ni Nicholas.
"Oo mamayang hapon pa naman yon eh, eh bakit andito ka na agad?" Tanong ko. "Syempre para makita ka, bakit san ka pala papunta?" Tanong ni Nicholas.
"Kakain sana ako sa labas kaso wag na, babalik nalang ako sa offic-"
"No sasamahan na kita mukhang hindi ka pa kasi kumakain eh hindi pa rin ako kumakain, libre na kita." Pag aya nya.
"No thanks Nicholas, sanay na kong kumakain nang mag isa, at isa pa hindi mo ko kailangang samahan, and on a second thought, I have a lot of things to finish on my office kaya babalik na ko okay?" Sambit ko at akmang tatalikod ulit pero hinablot ako pabalik ni Nicholas na syang kinagulat ko.
"Ililibre nalang kita ng lunch mo baka gutom ka na pagod ka pa, wag mo nang ideny yan Zoe nakakapagod magtrabaho, halika na wag ka nang mahiya." Pag aya nya.
"Nicholas pwede ba sinabing marami nga akong gagawin sa opisina at hindi ko kailangan ng libre mo because kaya kong magbayad para sa sarili ko okay? Please let go of me."
"No, I'm not gonna let go of you hangga't hindi ka pumapayag na sumama sakin kumain, may alam akong magandang kainan dito at gusto kitang dalhin don pambawi lang sana sa inasal ko nung sa party, and hindi man lang ako nakapag sorry sayo, kaya halika na wag ka nang mahiya, magiging asawa mo rin ako soon." Wika ni Nicholas na syang dahilan ng kinagalit ko.
"Stop acting like my boyfriend Nicholas, at imposibleng maging asawa mo ko because sa ayaw mo't sa hindi, hinding hindi ako papayag na mangyari yon, I have my own rules at nasa tamang edad na ko para magdesisyon sa sarili ko, kaya tigilan mo na ko Nicholas." Asik kong sabi at napatawa naman sya don.
BINABASA MO ANG
Parallel Hearts
RomanceCity of Romance Series #1 "Their love, a brilliant star that briefly illuminated their separate skies." Zoe Victoria Leona's life was one of opulent privilege, a world bathed in luxury but yet unfortunate. Yet, everything changed when she collided w...
