Chapter 56: Invitation

75 9 4
                                    

That sabaw update. x

--

Betty's Point of View

Nakalabas na ako ng ospital at ilang araw na ding nakakulong dito sa loob ng kwarto ko, Inilabot ko ang paningin sa mga nakadikit na litrato sa ding-ding. Puno ito ng mga lumang litrato namin ni-Verlyn. Sa mga litratong ito mapagaalaman mo talagang close kami, pati sa sapatos at damit na parehong-pareho.

Tumingin ako sa may bintana at doon nakita si Verlyn na kakapasok pa lang sa loob ng kotse, itinaas niya ang kanyang tingin kaya nagtama ang mga mata namin. Ang sama ng tingin niya sakin, para bang gusto niya na akong mamatay. Pero binigyan ko lang siya ng mapait na ngiti bago ako umalis sa pagkakadungaw sa bintana.

Simula nung nalaman ko ang sakit ko ay hindi ko na nagawang maging masaya, oo sabihin nating nakilala niyo ako bilang masayahing tao pero ngayon? Hindi ko na alam kung ano ang iaacto ko.

Bawat galaw ko pakiramdam ko ay may limitasyon, hindi ko kasi aaklaing magkakasakit talaga ako ng ganun kalubha. Inaalagaan ko naman ang sarili ko pero bakit ganun?

Nakaguhit na ba sa mga palad ko ang magkasakit habang ang mga tao sa paligid mo ay patuloy na nagiging malala? "Ma'am Andrea, Kain na po kayo sa baba." Kahit medyo ilang akong tawagin ako sa tunay ko'ng pangalan ay tumango ako kay Manang Edna, atsaka sumunod sa baba kung nasaan nandoon sina Tita---i mean, Mommy kasama si Daddy.

Hindi man ako komportable ay sinusubukan ko'ng maging anak sakanila dahil noong ikinuwento sakin ni Mama ang lahat ay para bang naliwanagan ako, ayokong mainis kay Mama pero mahal ko pa din siya.

Samantalang ako, hindi ko aakalain ang babaeng nakilala ko sa Park na nangungulila sa anak niya ay ang tunay na nanay ko. Buti nalang ay hindi masyadong mainit ang ulo sa akin ni Verlyn ngayon.

"Betty, you should be comfortable to be called as Andrea. Okay?" Tumango ako kay Mommy, habang si Daddy ay kitangkita ko ang tuwa sa mga mata niya. Ayokong sirain iyon. "Wag kang magpapakapagod, okay? Kumain ka lagi ng healthy." Sinimulan ko ang pagkain ng almusal hanggang sa natapos sina Mommy at Daddy. At nagpaalam na aalis na sila.

"Yung mga binilin ko sa'yo, Drea ha?" Hinalikan ni Daddy ang noo ko tsaka sumakay sa kotse. Tiningnan ko ang mga mukha nila kung gaano sila kasaya, hindi ko inaasahan 'yon. Ayoko silang i-disappoint.

Papasok na ako sa loob nang may naramdaman akong presensya sa likod ko, "Betty." Kilala ko ang boses na 'yon, galing kay Ashley. "Anong kailangan mo? Kung wala pwede ka ng umalis, sisirain ko lang ang buhay mo." Dirediretso akong naglakad papunta sa loob pero sumunod siya at hinigit ang braso ko.

"I don't want to. This isn't your fault, it's Luke. I know what you've been through, and what you have been now. I'm so sorry for that. Really, But please give your chance to be atleast happy in one night. I'll guide you. Gusto ko'ng bumawi sa'yo." Hindi ko alam kung tama ba na siya ang bumawi o ako. Nakokonsensya ako.

Humarap ako sakanya, "May Leukemia ako, Ashley narinig mo? Nagsinungaling sa akin ang Nanay ko, alam mo? Sinaktan ako ng mga espesyal na tao sa buhay ko, ramdam mo? Hindi, kasi hindi ikaw ako! At walang katuturan kung ipagpapatuloy ko ang pagiging masaya kung lahat lahat naman ata ng problema binuhos na sakin. Hindi ko kaya."

Hinawakan niya ang mga mata ko, habang ako ay patuloy na nagiging emosyonal. "Life isn't about giving up, it's about surviving. You can't get through with that hardships, if you're stucked in that reality. Come on, live your life to the fullest. Those couldn't let you down. Remember, you are Betty Mae Garcia the happiest being on earth. The essential of Campus' Blissful Treaty."

Ngitian niya ako, bakit ba ganito siya sa akin? "You should be atleast happy, for me? Please? Sabi ng isang tagline sa isang shirt, Never Give Up. Kaya wag mo'ng ikulong ang sarili mo sa hawla. The world is so beautiful, you should explore more cause this time you'll find the answers why are you trapped in that horizon. That hardships is nothing compared to you. You're beautiful and amazing."

"Hindi 'yun ganoon kadali, Ashley. Alam mo yun." Gusto ko siyang alisin sa daanan ko pero di ko magawa, ang likot niya. Madami siyang sinasabi.

"Yes, hindi madali but if you atlest try papasalamatan mo din ako kung bakit ka naging masaya. Try it." Napailing nalang ako. Bakit hindi ba niya maintindihan?

"Madali lang yan sabihin kasi hindi ikaw ang nasa posisyon ko! Ashley, intindihin mo naman. Kailangan ko'ng mag-isip at sa totoo lang hindi ko kayang maging masaya! Hinding-hindi!" Sumabog na ako sa emosyon ko kaya napaupo ako sa upuan at kinontrol ang sarili ko.

"Hindi lang ikaw ang may problema sa mundo, dinanas ko din 'yan. Ang problema kasi sa mga tao pinangungunahan na natin agad ang mangyayari, walang kang tiwala sa sarili mo. That's why people fail, that's why people get hurt. Because you always thought, you are going to fail. You always thought, you will get hurt without even trying. Curse that beliefs, it makes us more weak. That's why i really hate it.

Keep in your mind that some things are worth risking for. Kung ayaw mo talaga sumama, then text me if you really made up your mind well that's a good start."

Tumayo siya sa kinauupuan niya at sinusubukan ko'ng iproseso lahat ng mga sinabi niya sa akin. Papayag ba ako o ano? Tinitigan ko siya at unti-unti na siyang naglakad papalayo, tumigil siya sa paglakad nung napansin niyang napatayo na rin ako sa kinauupuan ko.

"What?" Tanong niya sakin, kailangan ko ba gawin 'to o ano? Natatakot kasi ako eh. Magkikitakita nanaman kami ng mga kaklase ko pati si Luke, aish. "Pumapayag na ako." Ngitian niya ako at lumakad pabalik sa akin.

"Thank you. I'll text you." Inabot niya sa'kin ang invitationg itim at gold. Tsaka ako niyakap, "You're going be the most beautiful girl there. I swear to God."

* *

Ikinuwento ko na kay Mommy at Daddy ang imbitasyon ni Ashley at buti pumayag sila, minsan lang daw kasi mangyari sa buhay ko 'yon bakit hindi ako pumunta tsaka hindi naman daw siguro ako mapapaano dun. Pagakyat ko sa kwarto ko pagkatapos ng hapunan ay nagkasalubong kami ni Verlyn, "Wow, Sis prom. Cool, pwede ba akong pumunta?" Nagkibitbalikat ako tsaka siya nilampasan.

Wala akong ganang makipagusap sa'yo, please lang. "Well, then see you there." Umiling na lamang ako. Pagkapasok ko sa kwarto ko ay hindi ko maiwasang isipin ang kalagayan ni Mama ngayon. Ano kayang ginagawa nila?

Nakakamiss din pala. Gusto ko silang bisitahin, gawin ang lagi naming ginagawa pero parang hindi na namin magagawa 'yon dahil magulo-magulo ang mundo. Siguro tama si Ashley kailangan ko sigurong maging masaya kahit sandali lang.

Tumunog ang cellphone ko sa isang tabi at nakita ko ang bagong text message na ipinadala ni Ashley sa akin.

From: Ashley.

Let's go shopping tomorrow then i'll make you pretty. Pupunta ako diyan, bukas ng umaga be ready. Okay? :D goodnight! xx

Inexit ko na ang message ni Ashley nang may nagtext uli sa cellphone ko.

From: LG❤️

I heard pupunta ka sa prom? That's pretty cool! See you there, be my date okay? Pleaseeeeeeee. Let's talk tomorrow, hahahaha. Sige na Betty payag ka na parang wala tayong pinagsamahan o! Bukas a! :p

Pagkakatiwalaan pa din kita Luke, unless umamin ka sakin. Bakit ba ang lakas ng tama ko sa'yo? Nakakainis. Sana mali, sana mali sila. Para tayo nalang, tayo ang para sa isa't isa. Kinikilig pa rin ako sayo. Mahal kita, Luke. Sobra.

Wag mo ko saktan.

Napatingin ako sa invitation.

This is it


Junior - Senior's Promenade
6:00 pm
Grand Central

The Campus Epic Girl [SOON TO BE FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon