A/N: Sabaw update por ebribadey, mianhe.
--
Betty
"Anak mo o anak ko?" Sinantabi muna nina Gaudette ang mga sarili nila at inabot sakin ang isang sobre. Itatanong ko sana kung kanino galing pero agad na silang umalis, wala man lang huling pasabi.
Sinampal ni Tita Ayesa si Mama na ikinagulat ko naman, teka ano bang nangyayari dito? Sabi ko na nga ba eh! Eto ang napapala ng telenovela, masyado silang nacacarried away!
"Ayesa, patawarin mo ako. Hindi ko naman talaga gustong kunin sayo-" bago matuloy ay sinampal uli ni Tita Ayesa si Mama. Teka ano bang? Wala akong matandaan na ganitong koreanovela o kaya naman telenovela!
Si Xander at Agnes lang naman ang pinapanuod ko eh, sa natatandaan ko wala namang ganoong scene dun. So siguro mali ako, "Kukunin ko na kung ano ang akin!" Gusto ko'ng pumalakpak sa sobrang tuwa dahil ang galing umacting ni Tita Ayesa.
Ngiti-ngiti ko silang pinanuod at inaantay ang susunod na mangyayari, "Ayesa, inalagaan ko naman ang anak mo, tsaka utang na loob wag natin pagusapan ito dito. Wag kang gumawa ng eskandalo!" Napaluhod si Mama sa harapan ni Tita Ayesa na ikinagulat ko.
Hindi ko inaakalang magiging ganito kagaling na artista si Mama, gusto ko'ng matawa pero baka masira ang scene nila kaya wag nalang. "Hayaan mo'ng marinig niya, tutal katotohanan naman ang maririnig niya. Na niloko mo siya!"
"Mahal ko ang anak ko, alam mo yan. Simula noong bata siya inalagaan ko siya. Sige na, hayaan mo akong ipaliwanag ang lahat nang nangyari nung mga nakaraang taon." Patuloy na tumulo ang luha sa mata ni Mama.
Woo! Ang galing ng mama ko! Nakakaiyak. Natotouch ako sa scene nila, para bang may instantdrama ang aking napaunod. "Wala akong pakielam, kailangan ko ang anak ko! Akin lang siya! Akin lang ang anak ko!" Alam ko na kung anong drama ito, The Legal Wife kaso anak ang pinagaagawan nila, kaya parang ganun din.
"Wag mo siya sa akin kunin." Unti-unting nabasag ang kanyang boses at mugtong mugto na ang kanyang mata sa pag-iyak. Napatigil si Tita Aryesa, "Hindi mo alam kung anong dinanas ko nung nawala siya sa piling namin, Linda. Ang sakit sakit mawalan ng anak. Hindi mo alam kung nakakain ba siya, sinong kasama niya. Anong ginagawa niya, maayos ba buhay niya. May sakit ba siya.
Wala kang alam! Wala! Wala!" Pumapalakpak ako dahil naiiyak na talaga ako sa mga pinagsasabi ni Tita Aryesa, nakng kala mo true-to-life eh tagos na tagos.
Napatingin sila sa akin, "Bakit po? ituloy niyo lang! Ang galing ninyo!!!" Ngitian ko sila nang malapad pero napawi iyon nang tuluyang nagseryoso ang mga mukha nila. Teka, may nasabi ba akong mali? "Ano pong meron, may nasabi po ba akong di kanais-nais?"
"Totoo iyon, Anak." Hindi--joke lang 'to. Diba? "Wag niyo nga ako lokohin!" Lumapit sa akin si Mama at hinaplos ang mukha ko, "Anak, totoo yun. Walang lokohang nangyayari dito." Hindi ko alam ang sasabihin o irereact ko basta ang alam ko ay di nagproproseso lahat ng ito sa utak ko.
"Wag kayong lumapit sakin!"
* * *
Nag-iisa ako ngayon sa kwarto ko, nag-iisip ng mga posibilidad sa lahat ng mga nangyari. Bakit? Wala namang akong ginawang masama pero bakit lahat na ata ng problema sa mundo ko, dala-dala ko na. Pagdating sa mga tao sa paligid ko, mga kaibigan pati pamilya. Sa totoo lang, quotang quota na ako.
Binuksan ko ang sobreng binigay sa akin ni Gaudette, baka dito mahanap ko naman ang kasiyahang hinahangad ko. Pero sa tingin, Mukhang nagkakamali ata ako.
Betty, una sa lahat alam ko'ng malaki ang galit mo sakin. Oo pwede mo akong murahin, patayin sa isip mo, sabihin ng kung ano-ano, ipagkalat kung gaano kasama ang ugali ko na napakainggitera at plastik ko. Deserve ko naman yon eh. Deserve ko lahat ng kustilyong itutusok mo sakin, gaano man kasakit pero iyon ang katotohanan. Salamat sa pagiging mabuting kaibigan sakin, simula sa pagpapatuloy mo sakin sa bahay ninyo. Di mo alam kung gaano ako kathankful na may kaibigan akong katulad mo.
Kaso, naiingit lang ako sayo kung gaano kaspecial ang treatment sayo ni Luke kung paano ka niya tingnan. Kung paano ka niya ipagtanggol. Aaminin ko sa'yo, nainis talaga ako nun kasi bakit ganoon yung lalaking pareho nating pinangarap, pinagagawan. Nasa sa iyo na ang atensyon, ikaw ang gusto. Sa sobrang inggit ko, ibinulgar ko sa lahat na kayo ang nasa video.
Gusto ko ipamukha sa lahat ang ginawang desisyon na baka paglumabas iyon ay lalayo ka na kay Luke, para may pag-asa maging kami. Naniniwala kasi talaga ako sa fairytales, sa true love, sa meant to be. Pero mukhang nagkamali ata ako sa paniniwala ko, maling mali.
I'm so sorry. Alam ko'ng hindi mo ako mapapatawad ngayon pero sana sa pagdating ng panahon mapatawad mo ako. Andami ko palang hindi nagawang tama sa iyo 'no. Nakokonsensya na ako..ayoko masyadong magdrama kaya hanggang dito nalang. Gusto ko sabihin saiyo ang ilan sa mga iyon, pagnagkita tayo.
Love, Kylie.
"Betty, pwede ba kitang tabihan saglit?" Napatingin ako sa babaeng nagsalita -- si Lalaine. Ngitian ko siya tsaka tumango, "ayos ka lang ba?"
Mukha ba akong ayos? "Hindi mo na kailangang itanong 'yan, obvious naman eh." Umupo siya sa may tabihan ko atsaka ako yinakap nang mahigpit. Nagpatuloy ang luha sa mga mata ko at hindi ko na napigilan ang sarili ko'ng umiyak. Hinawakan niya ako nang mahigpit at bumulong, "May leukemia ka Betty, aren't you aware?"
"ANO?" Halatang nagulat siya sa reaksyon ko, kahit ako din nagulat sa sinabi niya. Anong--anong Leukemia diba--diba? Malalang sakit iyon? Naniwala naman sila agad!
"Tigilan mo nga ako Lalaine," Umiling siya. Sinampal ko ang sarili ko baka panaginip lang ito, oo panaginip lang 'to! "I'm sorry akala ko alam mo na---"
Feeling ko mababaliw na ako.
BINABASA MO ANG
The Campus Epic Girl [SOON TO BE FINISHED]
Rastgele{ im almost done } BABALA: jeje days ko po ito ginawa kaya pagpasensyahan niyo na ang pagkakagawa ng mga naunang chapters at medyo cliché. Paumanhin po, ito ang kauna-unahang istorya ko kaya sana'y maintindihan niyo at supportahan ako. PERFECTIONSIT...