Chapter 47: Hidden Past

160 12 8
                                    

"May nagugustuhan na ba ang anak ko?" sasagot na sana ako nang napaisip ako bigla sa tanong ni Tita-anu raw? May nagugustuhan na si Betty. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba o ano pero sa tingin ko walang masama sa 'like' diba?

"Ahh o-oo naman tita, hindi naman maiiwasan iyon." Medyo nahihiya ko'ng sagot, uhm siguro dahil hindi din ako komportable na pagtanungan sa mga ganoong tanong? Aish.

"Ba't niyo nga po pala natanong?"

"A-ah wala! Gusto mo dito ka na kumain?" Sagot ni Tita na para bang iniiwasan ang tanong ko, para bang may tinatago. Hinayaan ko nalang 'yun, at tsaka sinagot si tita na huwag na lang dahil may dinner kami ewan may bisita daw kami medyo madami-dami.

"Ah hija may sasabihin lang ako sa'yo, gusto ko lang ipaalam."

"Ano po 'yon?" Napaayosa ako at inihanda ang sarili ko sa pakikinig sa sasabihin niya.

"Balak na naming umalis sa lugar na 'to, baka sa susunod na araw." Hindi ako nakagalaw sa sinabi ni tita, "ano po?!"

Sino bang hindi magugulat eh, gagraduate na kami ng highschool tapos lilipat pa sila ng bahay? Hindi ba pwedeng patapusin muna ni Tita sa Betty, paano yan wala na akong partners in crime pagnangyari 'yon!

"Hindi na ligtas ang anak ko, ayokong nasasaktan siya lagi dahil sa mga bagay na 'to, hija. Ina ako at sana naiintidihan mo." Napatikom nalang ako at hindi ko na alam ang sasabihin ko,

"Pero-last year nanaman po 'to, pwede naman po nating hilingin sa principal's office itong serious matter na ito eh." Sagot ko, i have my reasons first ayokong umalis siya dahil bestfriend ko siya second, papahirapan lang din nila ang mga sarili nila.

"Hija.."

**

Betty's Mom POV

16 na taon akong nakulong sa isang serye ng buhay ko, simula nung kinukupkop ko itong batang 'to wala naman akong inisip kundi siya lang naman eh, siya.

Dahan-dahan ko'ng hinawakan at hinaplos ang buhok ni Betty, tanda ko pa nung unang araw ko maging kasambahay sa Pamilya De Ocampo, lahat ay nagkakatuwaan nung nalaman nilang masusundan na ang panganay na anak nilang si Verlyn, ang hindi nila alam buntis din ako nun.

Bagong kasambahay nila ako nun, ang dati ko'ng laging inaalagaan ay si Verlyn dahil medyo delikado ang pagbubuntis ni ma'am ayesa nun, kaya kailangang doble ingat. Lalong lalo na't napakabibo ni Verlyn nung bata pa s'ya mahirap i-handle kung saan-saan pumunpunta.

Nalaman din naman nila na ako din ay buntis sa bunso ko pero mas pinili ko pa ding alagaan ang bata hanggang sa manganak din ako, sayang din naman kasi ang bayad sakin dito, eh ito naman talaga ang pinunta ko dito.

dumating ang araw ang kapanganakan ni Ma'am Ayesa, na sa hindi inaasahang pagkakataon kapanganakan ko rin. Itong araw din na ito ay gumimbal sakin nung nalaman ko'ng namatayan ako ng anak, hindi na daw huminga ang bata nung pagkapanganak ko sakanya kaya minabuti na naming ipalibing na agad kahit medyo masakit ang nangyari.

tumungtong sa ikaapat na kaarawan nandun ako lagi sa tabi nila inaalayan sila napalapit ang loob ko sa dalawang bata dahil ang nanay at tatay nila ay busy sa business nila.

Lagi nga silang pinagkukumpara ng mga tao eh, Laging ang tuon ng pansin ay si Verlyn, kitang kita mo kasi sa pagkabata kung gaano kaganda ang batang 'to. Makinis at Maganda ang mukha, Samantalang si Betty, ay normal lang naman daw ang mukha hindi tulad ni Verlyn na nakakakit.

Syempre nadodown yung bata sa tuwing mangyayari 'yun, kahit sa school tinatanong kung ampon ba si Betty oh ano, pinaglahi kung saan habang ang kapatid naman niya ay tampulan ng magagandang salita galing sa mga guro at mga kaklase nito.

The Campus Epic Girl [SOON TO BE FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon