Chapter 12

467 13 16
                                    

CHAPTER 12

BETTY'S POV

Bukas mata..kurap kurap..tingin tingin

Nasan ako? Hala baka...dito nila ako pinagpyestahan? Naku wag naman sana.

Napahawak nalang ako sa kumot ko, hanggang ngayon ay natatakot parin ako. Baka kung anong mangyari sakin.

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto..napatingin naman ako, kung sino iyon.

At mas lalo akong nagulat sa mukhang nakita ko..

Anong ginagawa nito dito??

"Hoy! Anong ginagawa mo dito? At bakit rin pala ako nandito ?" Pagtatanong ko sakanya.

"MERRY CHRISTMAAAASSS!" Ayy. Putspa! Iba sinagot.

Ayyy....Oo nga noh. December 25 na pala. >\\<

"Merry christmas din. " sagot ko. sabay ngiti sakaniya,

nga pala si Romeo yun. Classmate ko.

Kaya nga nagulat ako nung nakita ko siya eh.

Bakit kaya yan nandito?

"Nandito ka..dahil niligtas ka namin, bahay to nila Rainier, kagabi kasi nakita ka namin eh..may masamang balak ata sayo yung mga gangster na yun, kaya ayun nakipag-rambulan kami sa mga mokong na yun. Tingnan mo nga oh *sabay turo sa pasa niya* yan ang napala ko. Kaya magpasalamat ka nalang saamin ha?"

Sabi niya, kaya tumango nalang ako sakanya., nakita ko rin namang marami rin pala siyang pasa..kaya medyo nakonsensya ako,, dahil napahamak pa sila.

"Ahh. Romeo, thank you pala." At tumango naman siya.

"Ano kaba! Ok lang yun! O kain ka muna, yan yung handa namin nung noche buena." Sabay bigay sakin yung pansit at juice.

Umagang umaga..magjujuice? Hay di bale na nga, grasya din to ano?

Nagsimula na akong kumain at itong si romeo ay nakatingin parin sakin habang kumakain ako, yung totoo baka matunaw ako niyan.

"Hoy! Bakit ka nakatingin diyan??"

"Bakit ikaw ba tinitingnan ko? Ha? Baka yung pagkain?" Geez. Medyo pahiya men. -_-

"Ahh. Ganun ba." At tumuloy na akong kumain eh pakielam ko ba..kung medyo pahiya ako dun.gutom ako eh.

Bigla namang bumukas yung pinto at nagsipasukan sina..

Rainier, Tophe,Aron,Sanch,Rovick,Erl at si.....Chester.

Napayuko nalang ako, dahil hiyang hiya ako sakanila, nakita ko rin yung mga pasa nila. Mukhang napuruhan ata.

"Okay ka na ba?" Tanong sakin ni sanch, kilala ko talga yung boses niya, kahit hindi ako nakatingin. Lam nyo na kung bakit.

Tumango nalang ako at inubos yung pagkain.

"Sure ka betty?" Tanong namn ni Erl.

"Oo nga..." Sagot ko.

"Wag ka mag-alala napa-pulis na namin yung mga yun noh." Sabi naman ni Rainier.

Ngumiti nalang ako sakanila..dahil may nagawa rin pala silang tama. Kahit mga basagulero yung mga yun.

"Betty...are you sure..alam mo namang crush kita, gusto ko hindi ka napapahamak." Tse! Ayan nanamn siya! Leshe. Kilala nyo naman kung sino ung nagsalita dba? Walang iba kundi si Aron Taba. >~<

"Pwede ba manahimik ka nalang aron yucccckk!" At umiwas ako ng tingin sa kanya. Leshe talaga -_-

"Uy betty..wag mo namang ganyanin si aron..iiyak yan." Sabi ni rovick.

The Campus Epic Girl [SOON TO BE FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon