Chapter 52: New Friend

119 10 9
                                    

Waaa! Malapit na tayong matapos, huhuhu. Yey! Hahahaha! Support niyo ako sa aking bagong story: The Wrong Number - thank you, read niyo po! ^^

Also read the kabaliktaran story of CAMPUS EPIC GIRL which is Class MX: The Game Called Death! Bida po dun ay si ang "new friend" ni Betty ayoko kayong ispoil dito eh!

--

Betty's Point of View

Labis akong pinagusapan sa buong eskwelahan kaya napagdesisyunan ko'ng hindi muna pumasok ng ilang araw dahil sa nangyari. Nabalitaan nina Mama ang nangyari at inulan ako ng tanong galing sakanila pero minabuti ko'ng huwag na lang iyon sagutin.

Si Luke naman ay patuloy na dumadalaw sa dorm ko at dinadalhan ako ng pagkain pero hindi ko siya pinapapasok, mas lalo lang gugulo ang buhay ko kung may pagkatiwalaan ako'ng tao. Nakasalmpak ako sa aking kama..nag-iisip.

Gusto ko sisihin ang Diyos sa nangyayari sa'kin pero wala namang katuturan kung magagalit ako sakanya at isigaw kung bakit nangyayari ito eh hindi naman matatanggal lahat ng sakit na nakabaon dito sa puso ko.

Nawawala na ako sa sarili ko, hindi ko na nga rin ata kilala eh. Hindi na ako yung babaeng sobrang saya magkuwento na araw-araw kinikilig kay Luke Riel Galvez. Mas mabuti sigurong naging crush ko nalang iyon kasi mas tahimik ang buhay ko, di magulo happy-happy lang! Diba?

Pero hindi pala ganun yung buhay eh, kailangan mo ring makaexperience ng sakit, kailangan mo ring lumaban para sa sarili mo, kailangan mo'ng higitan lahat ng kaya mo'ng gawin. Siguro dahil puro saya nalang ng ang buhay ko, naisip ng Diyos na bigyan din ako ng problema.

Pero nanlulumo ako sa nangyayari, pinapatay ako sa kaloob-looban ko. Puro masasakit na salita lang ang natanggap ko mula sa bestfriend ko'ng ngayon ay galit na galit sa'kin simula nung nilabanan ko si Ashley.

Dumistansya na din sina Gaudette, Kylie, Elicia, Maureen, Frances sa'kin dahil sa nangyari. Gusto ko man sila kausapin pero hindi ko magawa, binibigyan siguro nila ako ng oras para makapagisip lalo. Naiintindihan ko naman, kailangan ko lang talaga ng kaibigan ngayon.

May kumatok sa pintuan, siguro ay kailangan ko na talagang harapin ang mga tao ngayon. Agad ko naman siyang pinagbuksan, at laking gulat ko nang isang magandang pamilyar na babae ang tumambad sa harapan ko ngayon, nakaitim na pantalon at damit samahan mo pa ng sumbrerong terno sa suot niya.

Saan ko nga ba ito naki-"let me in." Dirediretso siyang pumasok sa dorm ko at naupo sa pinakamalapit na sofa'ng nakita niya. Tinggal niya ang kanyang sobrero at sapatos. "Sino-"

"I'm Lalaine Penelope Feriol. Sanch's Sister." Tama ito, yung babaeng kasama ni Sanch nung gumagawa kami para sa exhibit at may nilapag siyang box sa upuan ni Carlo. Hindi ko inaakalang may kapatid pala siya. "I'm his sister, from another mother." Napa-ohh nalang ako dahil hindi ko alam ang isasagot sa sinabi niya.

"I'm here to be a friend, dahil alam ko kung ga'no kasakit ang kalagayan mo ngayon. I pity you. Kaya narito ako ngayon para tulungan ka. Siguro ay di ka masyado pamilyar sa'kin dahil nasa ibang dimensyion ako ng school pero sikat ka na kaya kilala na kita!" Masigla niyang sabi. Napailing nalang ako sa sinabi niya tsaka umupo at nagfacebook sa cellphone ko.

Di ko gusto atang nandito siya. Haayy. "Alam mo may mga kaibigan ako, madami-dami din sila pero isa lang nasa puso ko si Erika! Kaso wala siya ngayon kasama ang boyfriend n'yang si Mathew katropa nina Gene yung kaklase mo ata nung first year pero ngayon nalipat siya sa section namin dahil sa lumipat siya dahil kay Erika, nakakakilig no? Tapos ayun new student lang ako kaya nandun ako napunta sa section nila. Gusto ko sana sainyo dahil, mga rich at maiitsura ang nandun!"

The Campus Epic Girl [SOON TO BE FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon