Chapter 46: Revenge nanaman?

192 13 23
                                    

Flashback

Mahimbing ang tulog nila, pero ako hindi! Oo hindi, sino ba naman ang hindi makakatulog sa bahay na hindi ka naman sanay na tulugan? Siguro marami din naman akong katulad na gan'to pero kasi, nakakanibago diba? Iba yung itsura ng paligid tapos iba rin yung kama, pati unan! Dito hello kitty unan doon sa kwarto ko, Winnie The Pooh!!

Habang nagiisip ako nang malalim, kung paano ba makatulog. Eh hindi ko maiwasang mapatingin sa mukha ng katabi ko. Malay mo aswang pala siya pag-gabii!! Ahhhh. Nakakatakot naman 'yunnnn! -3- o kaya naman hindi ko nanamalayan na hindi na pala si Ate Anastacia ang katabi ko kundi yung aswanggg waaaaaaaa! Huuuuu.

Grabe, pero naman...hehe, ang ganda maging aswang ni ate anastacia no!

"Betty.." Napatingin ako sa katabi ko'ng si Ate Anastacia, pero mahimbing naman ang tulog niya. Waaa, ito na nga ba ang sinasabi ko eh! Kakaisip ng kababalaghan ayan kung ano-ano naririnig!! Naku, wala lang 'yan Betty, imahinasyon mo lang talaga 'yan! Nakuu sinasabi ko sayo-aaahhh. Natatakot na ako ah?

Kinakabahan ako..kasi naman baka totoo nga talagang may aswang or multo dito tapos akalain mo nga naman, kilala pa ako! Taray siguro may kakilala siyang kamag-anak ko na namatay. Huuu, pero bakit lalake ang boses? Hindi kayaa..ah wala! Haisstzcxx.

"Betty, I love you. Mahal na Mahal kita dati pa." Bigla nalang ako napatakip ng kumot at nagtago sa loob nito. Uwaaaa ito na nga ba sinasabi ko eh! Inlove sa'kin yung multo!! Bakit ako pa? Eh ang dami-dami namang pwede diyan! Ang daming magaganda tapos ako pa talaga?! Waaaaa. Huuuuu, natatakot na talaga ako. Mamaya talaga sundan pa ako nun kahit saannnn!

Pinagsisihan ko'ng nakitulog pa ako sa bahay na 'to yun tuloy nakahanap ako ng suitor tapos-Multo paaaaa! Grabe na ituuuuu. Bigla ko nalang nayakap si Ate Anastacia at sumiksik sakanya. Wala na akong pakielam kung magmukha naman akong makapal atleast sa pagyakap ko'ng 'to mawala takot ko.

Feeling ko kasi, pagwala akong mayakap. Magisa lang ako!! At ayun ang ayaw ko'ng maramdaman ngayon!

"Waaa. Huhu, Multo umalis ka na. Matutulog na ako, promise." Bulong ko. Napapikit nalang ako, at sinusubukan ko'ng burahin lahat ng mga imahinasyon ko tungkol sa mga multo na yan! Pero kahit anong gawin ko, naiisip ko pa din!

Yun bang nagflaflash yung mga dolls dun sa Maria Teresa Leonora tapos yung babae dun sa The Grudge, tapos Insidious! Waaaaa. Mamatay na talaga akoo, huhu!

"Betty, Kung alam mo lang talaga." Ayan nanaman 'yung multo-pero teka..bakit kaboses niya si Carlo? Omygoodness, Hindi kaya-waaaa. Sinapian niya si Carlo?! Ginaya niya?! Waaa. Napakapowerful ng mga multo ah.

Huhuhu! Lagot na talaga, yung multo may tinatagong pagnanasa sa'kin! Ito na nga ba sinasabi ko eh! Kahit pawis na pawis na ako dito sa loob kahit malamig naman talaga, wala pa rin akong paki kung maligo man ako dito ng pawis!

"Betty, Sana kasi ako nalang.."waaaaaa! Ayoko sayo, multo ka! Hindi kita ipagpapalit kay Luke 'no! Iyon gwapo, ikaw hindi. Wag kang feeling, huhuhu. Pero-natatakot na talaga ako.

Kung mahal ako ng multo dapat hindi n'ya ako tinatakot nang ganito,diba? Kawalanghiyan talaga! Napaka-selfish ng multo na 'to, tapos sinapian pa si Carlo!

Umalis ako sa pagkakataklob at tumingin-tingin sa paligid, fight your fears! Oo, gusto ko sana harapin yung multo maguusap kami na hindi n'ya ako dapat guluhin kung mahal n'ya ako!!

"M-multo, l-lumabas k-ka." Nauutal-utal pa ako, kasi naman kahit gan'to. Natatakot pa din ako, Baka mamaya lumabas talaga mismo sa mukha ko diba? Alam niyo sa mga horror? Ganun.

The Campus Epic Girl [SOON TO BE FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon