Chapter 58

115 8 0
                                    

Sorry sobrang tagal ng update, millenium years after? Dami nang nagdaan at storyang natapos pero ako hindi pa rin? Oo na sige na, ako na ang tamad sa sangkatauhan! Pagpasensyahan n'yo kasi valid naman ang rason ko afterall!

The long wait is over!! I'm sorry!

--

Nagkatitigan kaming tatlo at hindi namin alam kung sino ang unang magsasalita. Teka sino ba 'tong babaeng 'to? Tumingin ako kay Luke at mukhang hindi niya rin alam ang sasabihin. "Ate, Waitress ka ba dito? Kung oo, wag ka gumawa ng eksena hehe." Ako nalang ang naging spokeperson sa aming tatlo dahil mukhang puno ng laway ang mga bibig nila.

Nakafocus lang ang tingin niya kay Luke at di man lang tumingin sa gawi namin. "Tsk. Hindi ako Waitress dito! Mukha ba akong waitress ha?!" Tumingin nga siya pero isang sigaw naman ang natanggap namin. Napatingin tuloy yung mga tao, "Ate, hindi naman kami bingi para sigawan mo kami okay?" Sagot naman ni Ashley. Salamat naman nagsalita din siya.

Sinamaan niya kami ng tingin pero bago niya uli ibuka ang bibig niya ay pinasadahan ko na siya. "Kung hindi ka waitress dito, edi ikaw may-ari. Sorry ate, pero customer is always right kay shupi na!" Tinaasan niya ako ng kilay atsaka ako nilapitan.

"Sino ka ba para sabihan akong umalis dito, ha?" Mataray niyang tanong. Napatingin tuloy samin ULI yung ibang customer. Buong ngiti akong sumagot. "Ako yung customer, kaya lagi akong tama. Umalis ka na Ate!"

"Tanong ko, sino bang may mas karapatan yung customer na nakikiupo sa lugar na 'to o yung may-ari na pagmamay-ari ang lahat ng nandito sa loob ng store?" Aba! Sumusobra na siya a!

Tumayo ako sa upuan ko at hinarap ang pagmumukha niya. Sayang ang ganda pa naman niya, kaso panget ng ugali eh. Wala din. "Tanong ko din, paano mo maipapaganda at maipupundar ang negosyo mo kung wala ka namang customer? Diba?"

Hinila ako ni Ashley paupo, "Betty! Ano bang ginagawa mo at ikinagagalit ng butsi mo! Purkit damay si Luke, tatarayan mo din! Aba possesive much! You're not Betty! God!" Ang OA naman ni Ashley. Anong hindi Betty ka diyan, trademark ko ang pagiging negra tapos magtataka pa siya kung ako si Betty. Juskobels.

"Fyi, I'm a customer too. But you got a point girl, you're nothing with Luke kasi kung ihahalintulad sa sitwasyon ang pinaguusapan natin. Luke is the store, I'm the owner and you are the customer or what you call outsiders." Matatampal ko na sana siya nang biglang nagsalita si Luke. Sarap putulan ng dila e! Eskandalosa!

"What do you need?" Mautoridad na saad ni Luke. "I need you, Luke! Ikaw! Ikaw ang kailangan ko!" Nagkatinginan kami ni Ashley. Ano daw? Si Luke? HINDI PWEDE.

Kumunot ang noo ni Luke at hinila si girl papaalis ng store pero nagpumigil siya at lumuhod pa talaga sa harapan ni Luke. Pabebe!

"No. Luke, Our child needs you!" Umiiyak na siya sa harapan nito. Habang ito si Luke ay nagulantang sa inamin ni girl. Wait---ano daw!?!!? CHILD?!? As in BATA!??! BABY? ANO--HA!

Naghalohalo ang reaksyon ng mga tao dito sa Krispy Kreme. Buti nalang ay hindi gaano madami ang tao dito.

"Hindi ba siya si yung gwapong lalake dun sa isang mall scandal? Don't tell me may bago nanaman?" Napantig ang tenga ko sa mga reaksyon ng tao sa loob! Huhu, baka makilala nila ako! Yumuko ako ng onti at itinago ang mukha. Mahirap na.

"What the f^ck are you saying, Liyanne!?" Nagpaulit-ulit ang pangalan niya sa utak ko at napaisip kung saan ko nga ba narinig ang pangalang iyon. Hanggang nagtama ang paningin namin ni Ashley, "siya yung nasa pustuhan nilang magandang babae! Oh God! What if, she's really saying the truth?! That's a news!" Ibinalik ko ang atensyon ko sa pakikinig .

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 04, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Campus Epic Girl [SOON TO BE FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon