Chapter 45: Another Heartbreak

237 15 17
                                    

Dapat hindi ko naitutuloy yung last part kaso nagbago ang isip ko haha!

Tandaan niyo po ha? May kasalanan saakin si @Girlintoyou! Hahaha! XD

-------------

[ P R E S E N T ]

Betty Mae's Point of View

*Canteen*

"Hoy tulaley ka nanaman diyan!" At ayun nabatukan nanaman ako ng magaling ko'ng bestfriend. Oo, Nagkita na kami nung BirthdaySurprise ko dun, yung mismong araw na yun! Nagulat nga ako eh! Ano yun nagteleport siya ganun? Kaya ayun.

Ayun talaga, hindi ko na alam sasabihin ko. Nakalimutan ko na.

"Si Luke nanaman ba iniisip mo?" Agad naman akong napatingin sakanya, tsk. Ganun na nga, tamang-tama! Tumpak huuuuu.

"Paano mo nalaman??"

"Malamang, siya naman lagi mo'ng iniisip eh." Oo nga tama siya, siya nga lagi ko iniisip! Kasi naman kasi si Luke eh!! Nakakainis! PINAPAKILIG NANAMAN NIYA AKOOOOO.

Kasi simula nung matapos ang birthday party na surprise talaga! Huhu, Naiyak ako super kasi hindi ko ineexpect na gagawin niya yun! OA na kung OA ganun talaga!

Tsaka mas lalo pa ako natouch nung lumabas si Trixie doon sa isang pintuan nung birthday ko akala ko mag-iintermission number pero huu. Humagulgol ako kasi-magkasama nga talaga kami! Dito na siya mag-aaral ulit, silang dalawa ni Miggy!! Yey!

Kaya ayun kasama ko nanaman siya, at ayun ubos na din nanaman ang pera ko kahit mayaman naman siya, kasi lagi naman niya akong pinipilit na ilibre ko daw siya, tinatamad kasi kumuha ng pera.

Mukha na nga akong kengkoy, ginawa pa akong banko, ano?

"So, What's the plan?"

"Anong plan ka diyan?"

"Your Luke.."

Ano nga bang plano ko dun?! Tsk. Wala naman siguro, bahala na yung mga kaklase ko na itulak ako sakanya para masaya. Hehe, para kunwari pakipot! Para maganda! Mas tatak sakin, kesa naman maghabol ako sakanya no!

"Betty, May dala ka ba para mamaya?" Bumalik naman ako sa katinuan. Teka ano bang dadalhin?! Hala, lagot ako kay Sirrr! x__x

"Hala! Nakalimutan ko eh! Nawala sa isip kooo!"

Nabatukan nanaman ako, "Ayan! Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh! Pwede kasi kahit minsan bigayan mo ng oras ang sarili mo, wag puro si Luke!"

At ayun nga, nasermonan nanaman ako! Masyado na ba ako kay Luke?! Tsk. Wala, basta kinikilig pa rin ako.

Kachat ko lang naman siya kahapon, pinipilit niya akong lumabas na daw kami minsan dahil boring daw sa bahay nila. Wala daw siyang magawa! Pero sabi ko ayoko, lamniyo na pakipot pa kahit gustong gusto naman.

"Taray, Ang daming chix ni Luke." Napatingin naman ako sakanya, nachill-chill lang habang nakatitig kung nasasaan si Luke-kasama si.

"Bagay talaga sila ni Kylie."

Wala sa oras, naitapon ko yung kutsara at saktong tumama sa pagmumukha ng isang hindi pamilyar na babaeng, may pink clip sa buhok naka salamin ng pink at pati yung bag niya pink.

"Ayyy sorry," napatayo agad ako sa kinauupan ko, at pinunasan ang pink niyang suot! Naku, baka magalit siya.

"Stop it."

Waaaaah. Galit na yan!! pinagpatuloy ko lang ang pagpupunas nang may biglang naghila sa buhok ko papatayo. Habang yung mga tao sa paligid ko, nakatingin lang.

The Campus Epic Girl [SOON TO BE FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon