Chapter 21

29 2 0
                                    

Ynjelle's POV

Habang nagrerecover ako sa hospital ay iniimbestigahan nila ang nangyari sa akin sa school. Mabuti na lamang at may CCTV sa library. Hindi ako nakita ng ibang estudyante dahil nasa dulo ako at natatakpan ang pwesto ko ng isang Bookshelves.

Laging dumadalaw sa aking sina Zaus at Jack at kahit dito ay parang may competition silang sinasalihan. Parang nagpapadamihan sila ng pagkaing dinadala araw-araw kaya sobrang dami ng mga pagkain ang nandito.

Noong isang araw ay nagkita ulit sina Mommy at Jack at gulat na gulat si Mommy. Nagtampo din ito sa akin dahil hindi ko manlang daw sinabi na nagkita na pala kami ni Jack. Wow ha? Parang nawawalang anak ang peg?

"Manliligaw mo ba ang mga yan anak?" Natatawang nakatingin si mama sa dalawa na nagtatalo kung sinong magtutulak ng wheelchair ko mamaya. Sinabihan ko kasi si Mommy na gusto kong lumabas para magpahangin at narinig ito ng dalawa.

"Opo daw Mom eh." Sabi ko sabay kamot sa ulo. Kahiya!

Natawa si Mommy sa naging reaction ko "Okay lang yan anak. Ganyan talaga yung mga lalake lalo na pag nanliligaw." Sabi ni Mommy.

Ang ending si Mommy parin ang pinatulak ko sa wheelchair habang ang dalawa naman ay parang bodyguard na nasa likod at sunod nang sunod sa amin.

I felt the cold breeze touches my skin. Nakita ko na may mangilan-ngilan ding mga pasyente ang andito. May tumawag sa cellphone ni Mom kaya nagpaalam muna siyang umalis saglit para sagutin ito. Ang dalawa naman ay inutusan ni mommy kanina na naghanda ng pagkain na malugod naman nilang sinunod. Binilim ni Mommy na dito muna ako sa pwesto namin at wag akong aalis.

Habang nakatitig ako sa kawalan ay may narinig akong isang iyak. Hinanap ko kung saan ito nanggaling tulak tulak ang gulong ng wheelchair hanggang sa nakaabot ako sa likod ng hospital. Nakita ko ang isang batang babae na umiiyak sa isang bench. Nilapitan ko ito.

"Hi? Pwedeng tumabi?" Pag agaw ko sa kanyang atensyon. Napalingon ito sa akin. Ang bilugan niyang nga mata ay magang-maga at ang matataba niyang mga pisngi ay basang-basa. Base sa kanyang itsura ay nasa edad 5 pa lamang ito.

"Opo." Sabi nito habang tatango-tango.

"Pwede bang itanong ni Ate kung bakit umiiyak ka?" Malambing na tanong ko sa kanya. Muli nanaman itong humagulgol.

"Sabi po kasi ni Mama hindi daw nila ako love. Sana daw po patay na ako." Umiiyak na sabi niya. "Gusto ko din po punta sa heaven kasi andoon po si Didi." Sabu niya habang nakaturo sa mga kalangitan. "Pag namatay po ba ako makakasama ko po ba si Didi sa heaven? Good girl po ako kasi sabi ni Didi ang mga good people lang ang makakaakyat sa heaven. Palagi din po akong nagp-pray." Pagpatuloy niya. Tinignan ko siya nang mabuti at napansing pasyente din pala siya dito.

"Hindi ka pa pwedeng pumunta sa heaven okay? Bata pa ikaw. Marami ka pang pwedeng gawin. Ayaw mo ba magkaroon ng maraming toys?"

"Gusto po."

"Kaya wag ka munang pumunta sa heaven."

"Sabi po ni lola ay magiging angel na daw po ako bukas. Umiiyak po siya kanina." Pagk-kwento niya. "Ayaw ko pa pong maging angel. Gusto ko pa pong makasama sila Gigi at si Lili." Sabi niya sabay ng mabilis na pag iling. Hinawakan ko Ang mga kamay niya at hinaplos ang mukha.

"Hindi ka pa magiging angel okay?" Pagsisiguro ko sa kanya.

"Promise po?" Kumikinang Ang kanyang mga mata habang nagtatanong.

"Promise." Sabi ko sabay ngiti.

"Lea!"rinig kong tawag ng isang babae sa malayo.

"Andyan na si Mama." Sabi ng bata at may takot sa boses.

"Ikaw bata ka! Ang kulit kulit mo talaga!" Nagmartsa ang babae papalapit sa pwesto namin at kinurot ang singit ng bata. Gusto kong pumagitna kaso nasa wheelchair ako dahil nanghihina parin ako.

"Ma'am, wag niyo naman pong saktan yung bata." Pagmamakaawa ko.

"Wag kang makialam!" Sigaw ng nanay at umalis habang kinukurot parin ang bata. Naawa ako sa bata pero wala akong magawa kaya bumalik ako sa pwesto kung saan ako iniwan ni Mommy at nakita ko na siyang nakatayo doon at parang may masamang nangyari.

"Mom? What happened?" Tanong ko sa kanya. Napalingon ito sa akin at parang nabunutan ng tinik.

"Jusko! Ikaw talaga! Akala ko ano nang nangyari sayo." Bakas ang pag-aalala sa boses ni Mommy.

Pumasok na kami sa loob at sinabing pumunta muna kami sa Pedia at may itatanong lang ako. Noong nasa reception na kami ay tinanong ko yung tungkol sa batang nakausap ko kanina.

"Ay Ma'am siya po yung batang naka schedule for Euthanasia bukas." Malungkot na sabi ng nurse.

Nagulat ako sa sinabi niya. Yung bata? Mercy killing? Ang bata niya pa para dun.

"Ano bang sakit niya?" Tanong ko.

"Stage 3 cancer po." Sagot ng nurse.

Stage 3? Magagamot pa naman ng chemotherapy yun diba?

"Ayaw na daw po ng nanay niya na maghirap siya at ayaw daw ng nanay niya dumagdag pa yung gastusin. Ngayon lang po nila dinala sa hospital yung bata kung kailan stage 3 na." Dagdag pa ng nurse. Parang nahulog ang puso ko. Bigla akong nanlumo sa mga narinig ko.

Ang bata niya pa para maranasan ang ganon. Bakit ayaw ng nanay niya na ipagamot siya?

Naiiyak ako sa mga narinig ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Hello short update lang! Debut ko na bukas super busyyy. I started writing this story when I was 13 and now I'm turning 18. Ang bilis ng panahon sana ganun din kabilis sa pagm-move on chariz!

Seducing that JERKWhere stories live. Discover now