Chapter 6

150 9 0
                                    

Ynjelle's POV

Nababagot na ako dito sa bahay. Hinihintay ko yung reply ni Sheena ngunit lumupas na ang isang oras di parin ito nagre-reply. Balak ko pa sana syang kulitin tungkol dun. Hayst. Lumipas ang dalawang oras wala parin akong magawa, wala kasi sila mommy at daddy nagkaroon ng SURPRISE business meeting, wala rin dito si mama Annie-yaya ko-pinabakasyon kasi namin sya ng dalawang linggo para naman maka-bonding nya yung pamilya nya at makapag-pahinga naman sya. Bukod sa kanya may katulong,driver,hardinero at iba pa kaming trabahante dito sa bahay pero wala akong makausap ni Isa sa kanila kasi lahat sila tutok sa kani-kanilang trabaho.

Hindi ko na natiis ang kabagutan at kinuha ko ang cellphone ko at nagsimulang mag type.

To: Bes Sheena❤, Alexis Hong, Rhea Lvs❤, +22 others

Hindi sya manhid... Hindi ka lang talaga nya mahal.
Hayst. Sige asa pa! Uso yan ngayon kaya makisabay kana. Haha😂

Eow guys!
Bored, outing tayo?
GM.

Sent√

Yan ang sabi ko sa text at naghihintay ng mga sagot nila. Mga dalawang minuto lang ang lumipas at may nag reply na at may sumunod pa at sumunod hanggang sa nagtuloy-tuloy na, nung huminto na ito sa pagtunog isa-isa ko itong tinignan.

From: Jayvie Diaz

Sure. San ba?

10:03 am

Nagreply naman agad ako.

To: Jayvie Diaz

I don't know pa eh, pero don't worry I'll text you pag may desisyon na. Magpapa-suggest na rin ako sa iba. 😊

Sent√

From: Rhumzelle Del Rosario

Game. Ano gusto mo? Water or Land? O baka naman sa langit?😉
Hahahhah. Just kidding sis.😂

10:05 am

Tss. Ganyan talaga yan kaloko si Rhum kaya sanay na ako. Nireplyan ko naman sya.

To: Rhumzelle Del Rosario

Hahaha. Ulul! Bigwasan kita dyan eh. Hahaha. Amf, kahit saan basta kami'y liligaya😉😂

Sent√

Biro ko naman sa kanya

From: Bes Sheena❤

Ouch! Nataman ako dun, charot! Haha. Sorry bes di ako makakasama sa lakad na yan, masyado kasi akong busy now eh. Geh bye, ingat. Enjoyyyy😘💕

10:07 am

May problema tong babaeng to eh. Eh, wala naman syang pagkakabusyhan kasi wala dito yung parents nya. Magkasama yung parents ko at parents nya. Paano sya naging busy? Ang alam ko kasi pag wala yung parents nya, gala yung inaatupag nya ni wala pa nga syang absent sa gala namin for how many years, ngayon lang talaga.

To: Bes Sheena❤

I think you have a problem so I think you need to rest muna and pass the outing now. Pero promise me pag ok kana kwentuhan mo ako ha? Geh bye💕

Sent√

At nagpatuloy na ako sa pagbasa-reply sa mga texts. Sa huli napag-desisyonan naming pumunta sa isang resort na pag-aari ng pamilya nila Alexis, di naman sya kalayuan kaya pumayag kaming lahat. Lahat ng gastos ay sa akin except sa resort kasi libre na kami dun. Sa aking talaga lahat ng gastos kasi AKO DAW ANG NAGYAYA. Taena yan. Huhu.

Pero ok na yun. Mage-enjoy nalang ako para hindi ako mabored lalo na ngayong wala si Sheena nakakalungkot lang.

Third Person's POV

Labis na kalungkutan ang nararamdaman ni Sheena ngayon dahil kasi sa nangyari pati friendship nila nasira. Nagsisisi sya kung bakit nya pa minahal ang lalaking di mapapasakanya at alam nyang pag nalaman nito ang nararamdaman nya maaaring may magbago o may masira.

Zaus's POV

Pagkatapos yung sabihin ni Eena agad akong pumunta sa isang convenient store at bumili ng beer in can at chips. Pagkatapos kong bumili bumalik na ako sa kotse ko at pinaharurot ito ng takbo patungo sa lugar na alam kong makakapag-gaan ng loob ko.

Pagkarating na pagkarating ko sa lugar na ito, bumaba agad ako at kinuha yung mga pinamili ko. Pumunta ako sa may hood ng kotse ko at doon umupo. Andito ako ngayon sa tuktok kung saan kitang kita ang buong syudad.

Dito ako madalas pumunta pag may problema ako. Nakakarelax lang dito. Binuksan ko yung mga pinamili ko at nagsimula nang inumin yung beer in can na binili ko.

"Sis? Sana andito ka, pero ok nang wala ka dito kasi alam ko namang babatukan mo lang ako at bubulyawan pag nakita mo akong uminom eh, haha. Joke lang" sabi ko habang tumingin sa buong syudad. " Sis, miss na miss na kita. Ang daya mo kasi eh, wala tuloy akong makausap at mahingan ng advice. Pero wag kang mag-alala ilalabas ko parin lahat ng problema ko ngayon dito." Sambit ko ulit saka kumain ng chips. "Totoo ba yung sabi nya sis? Manhid ba talaga ako? Di ko kasi talaga alam. Ayokong masira yung samahan naming dalawa, masyadong mahalaga yun sa akin pero paano ko yun bubuoin ulit kung di ko naman alam kung saan magsimula? Mahirap sis, mahirap masyado. Pag mawala sya, mawawalan na ako ng isa pang taong makakaintindi sa akin. Mawawalan ako ng isa pang taong mahalaga sa akin. Manhid nga lang ba talaga ako o tanga na rin? Kasi feeling ko tanga rin ako, tanga kasi di ko man lang masuklian yung pagmamahal nya. Masama ba yung ganun sis? Yung hindi mo masuklian yung pagmamahal nya?"

Sabi ko at nagpatuloy na lang sa pag-inom. Di ko maiwasang alalahanin lahat ng alaala namin ni Eena. Masyado akong kampante na mag-stay sya sa buhay ko forever, na nagste-stay kaming magkaibigan hanggang sa magka-pamilya kami. Pero parang biglang nagbago eh.

Shit! Ganun ba talaga ako kamanhid? Na pati bestfriend ko hindi ko alam na mahal na pala ako higit pa sa kaibigan? All this time na nagkwe-kwento ako sa kanya tungkol sa aking lovelife nasasaktan ko na pala sya. Ayokong saktan ang bestfriend ko. Ayokong nakikita ko syang nasasaktan. Nangako ako sa kanya na hinding hindi na sya masasaktan pero ako mismo ang nanakit sa kanya. Maaaring may magbago sa samahan naming dalawa or worse masira na talaga yung samahan namin. Hindi! Hindi pwede. Hindi ko hahayaan na mangyari yun kaya bukas na bukas kakausapin ko sya para magkalinawan kaming dalawa.

Seducing that JERKWhere stories live. Discover now