Zaus's POV
Pagkagising na pagkagising ko sa umaga agad agad akong nanghilamos at nagsipilyo. Pagkatapos kong magsipilyo bumaba na ako para mag breakfast.
"Oh? Ba't ang aga mo ijo? May lakad ka ba?" Tanong ni mommy sa akin. Ngayon ko lang napansin na andun na pala sila sa hapag at naghahanda.
"Kailangan ko po kasing puntahan si Eena, kakausapin ko po sya" sagot ko Kay mommy
"Bakit may problema ba anak?" Tanong ulit ni mommy
"Parang po" nakayukong sagot ko
"Baka may kalokohan ka nanamang ginawa.?" Patanong na sabi ni daddy sa akin
"W-wala naman po... yata" nahihiyang sagot ko
"Zaus, wag mong hayaang dumating ang araw na pati mahahalagang tao sa buhay mo ay mawala, oo mahal ka nila pero wag kang pakampante dahil di lahat ng bagay sa mundo nagi-stay" mahinahong sabi ni daddy
Si daddy ba talaga yan? Parang humuhugot ah, haha. Pero sa totoo lang natamaan ako di ko lang alam sa anong dahilan.
"Opo Dad, I'll talk to Eena later" sabi ko sa kanya
"Good" sagot nya at di na muling nagsalita. Naging tahimik ang pag kain namin hanggang sa natapos ito, agad naman akong nag-ayos at lumabas na ng bahay.
Malapit lang dito yung bahay nila Eena, walking distance sa'min. Lumipat sila ng bahay dito one month after naming magkakilala. Pinilit nya ang parents nya na lumipat sila at pumayag naman ang mga ito bilang pambawi sa mga pagkukulang nila.
Andito na ako sa labas ng gate nila Eena at nag doorbell ako, agad naman itong binuksan ng guard nila. Oo, guard. Mayaman kasi sila Eena, mas mayaman pa nga yun sa'min kaya yung parents nya tutok na tutok sa business nila.
"Good morning Sir Zaus" bati ng guard nila sa'kin.
"Good morning rin manong Lando" bati ko pabalik. "Andyan po ba si Eena?" Tanong ko sa kanya
"Opo, andun po sa loob" sabi nya at tuluyan na akong pinapasok.
Pagpasok ko sa loob nakita ako ng mga katulong nila at binati, nakita ko si Manang Laura at tinanong ko sya.
"Manang, asan po si Eena?"
"Ay naku hijo, mabuti naman at pumunta ka rito. Andun sya taas at hindi pa bumababa" sagot sa akin ni manang
"Ganun ho ba? O sige ho pupuntahan ko ho sya sa taas" sabi ko sa kanya
"O sige sige hijo" sagot nya at umalis na patungo sa kusina
Agad naman akong umakyat patungo sa kwarto ni Eena. Walang malisya sa'min sa pagpunta ko ng kwarto nya, nasanay na kaming ganito simula bata pa.
"Good morning" bati ko pagkabukas ko nang pintuan.
Sheena's POV
YOU ARE READING
Seducing that JERK
Teen FictionIsang babaeng may tinatagong lihim at sa lihim na ito'y maraming alaala ang nakabaon, at sa misyong binigay sa kanya ng kayang bestfriend na konektado sa nakaraan nga ba ito mabubunyag? Alamin natin.