Chapter 23

29 3 0
                                    

Magaling naman na ako kaya nakalabas na ako sa hospital. Agad naman kaming dumiretso sa presinto kung saan naroon ang mga suspek.

Kailangan kong sabihin sa kanila kung sila ba yung may gawa sa akin nito bago nila parusahan.

Pagpasok namin sa isang silid ay bumungad sa akin si Daddy at isang police. Isa-isa na ring pinapasok yung mga suspect nila.

"Anak, sila ba?" Tanong ni Daddy at pilit pinapakalma ang sarili. Nasa gilid ko naman si Mommy at hinahagod ang mga balikat ko.

Inisa isa ko ng tingin ang mga lalakeng nasa harapan ko at pilit inaalala ang itsura nila.

"Dad, sila po ang bumugbog sa'kin." Nanlaki ang mga mata ng mga lalakeng nasa harapan ko at halatang takot na takot.

"Maawa na po kayo sa amin. Napag utusan lang po kami." Pagmamakaawa ng isa.

"Pakiusap, wag nyo po kaming sasaktan." Dagdag pa ng isa.

Si Daddy na daw ang bahala doon dahil gusto nyang magpahinga muna ako. Paglabas ko ay nakaabang na sa amin si Zaus.

"Tita, ipagpapaalam ko lang po saglit ang anak nyo. May pupuntahan lang po kami." Nagulat ako sa sinabi ni Zaus.

Sya? Nagpapaalam ilabas ako?

"Kailangan nya munang magpahinga eh." Malumanay na sabi ni Mommy.

"Saglit lamang po." Pagpupumilit nya at wala na ngang nagawa si Mommy at pumayag na lamang. Agad nya naman akong hinila palabas.

"Teka lang naman! Mahina pa ako oh! Kung makahila ka naman." Pilit kong tinatanggal yung hawak nya sa akin.

Pagkarating namin sa harapan ng kotse nya ay binuksan nya ang passenger seat at itinapon ako paloob sabay bagsak na isinara ang pinto kahit hindi pa maayos ang pagkakaupo ko.

"ANO BANG PROBLEMA MO?!" sigaw ko pagkapasok na pagkapasok nya ngunit hindi sya kumibo.

"Ano ba?! Ayoko nang sumama sayo at magpapahinga nalang ako!" Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse ngunit mahigpit nyang hinawakan ang kamay ko upang pigilan.

"Ano bang nangyayari sayo?! May problema ka ba?!" Naiinis na sigaw ko.

"Oo! Ikaw ang problema! Bakit kasi hindi ka nag iingat?! Bakit mag isa ka lang pumunta doon?! Pano kung natuluyan ka?!" Pulang pula na sya sa inis.

"Wow! Bakit parang kasalanan ko pa?! Ginusto ko ba ang nangyari sa akin?!"

"Hindi mo ginusto pero dapat umiiwas ka sa mga ganon! Dapat nagdadala ka ng kasama!"

"So sinong gusto mong isama ko? Si Jack?!" Sarcastic na tanong ko. Galit na galit itong lumingon sa akin.

"Bakit parang pinipili mo sya kesa sa akin? Walang panama sa akin yun. Ni hindi nga umabot sa kalingkingan ko yung galing at lalong lalo na sa looks ko." Seryosong sabi nya.

Tangina? Pano nagustuhan to ni Sheena? Una palang alam ko na na ganto ang ugali nya. Hindi ko alam anong nagpapayag sa akin na bumalik ulit sa ganitong buhay.

Hindi ko na napigilan at kinuha ko na ang pagkakataong yun upang lumabas sa kotse nya.

Hinabol ako ni Zaus at pilit pinapabalik sa kotse.

"Yan! Sige! Pag 'di ka bumalik dito wala ka nang babalikan. Ikaw rin yung talo. Ako na 'to oh." Tumawa sya na parang baliw.

Tumakbo na ako palayo sa kanya kahit nanghihina parin ako. Umiikot na ang paligid ko at parang matutumba na ako buti nalang ay may umalalay sa akin.

Si Jack.

"Saan ka ba galing?" Naiinis na tanong nya.

"Kung sesermonan mo rin ako at sasabihing kasalanan ko kung bakit ako nagkakaganito ay mas mabutin pang umuwi ka nalang at iwan ako dito."

Binuhat nya ako at dinala sa kotse nya. Hindi ko na talaga kaya at biglang dumilim na ang paligid.

Seducing that JERKWhere stories live. Discover now