Chapter 3

192 9 0
                                    

Ynjelle's POV

'Lex! Makinig ka muna sa'kin please!' mangiyak ngiyak na sabi ko

'Hindi! Lahat nalang ng meron ako kinuha mo na!' sabi nya na kitang kita ang galit sa kanyang magandang mukha

'Hindi yan totoo Lex, magkaibigan tayo kaya---' pagpapaliwanag ko na bigla nyang pinutol

'Kaibigan ba talaga?! Kaibigan ba talaga ang turin mo sa'kin o ginagamit mo lang ako?!' galit na sabi nya sa akin

'Hindi yan totoo, kaibigan ang turin ko sayo' sabi ko habang humihikbi

'hindi sinasabi mo lang yan kasi ayaw mong masaktan ako kaya para matigil na yang kasinungalingan mo aalis na lang ako' sabi nya at naglakad na patalikod ng may isang bus ang paparating

"Alexia! Wag!!!!" Sigaw ko at napabalikwas ng bangon. Hingal na hingal ako. Napapanaginipan ko nanaman sya.

'Alexandra, patawarin mo ako'

Tinignan ko yung alarm clock na nasa table ko.
1:55 am

Ang aga pa pala at naalala kong di pala ako nakakain kagabi. Agad akong bumangon at bumaba para pumunta sa kusina.

Pagkababa ko, agad kong binuksan ang refrigerator at naghanap ng pwedeng makain o inumin, agad ko namang nakita ang milk na nasa refrigerator kaya yun yung kinuha ko.

Pagkatapos kong ibuhos ang milk sa baso agad ko itong ininom. Si parin nawawala yung kaba at sakit sa dibdib ko, yung mga mata namamaga na sa kakaiyak. Para akong tanga na umiiyak dito. Akala ko tapos na yung bangungot na yun pero hindi pa pala. Gusto ko nang magpahinga. Ayoko na. Pagod na pagod na ako. Pagod na akong magtiis at magpumilit na wag isipin at kalimutan yung bagay na yun pero kahit anong gawin ko ginugulo pa rin ako. Ayoko naman na habang buhay dadalhin ko yung kasalanang yun pero alam ko namang imposible. Imposibleng makalimutan ko yun. Imposibleng hindi ko yun maalala kahit isang araw manlang.

Pagka-ubos ko sa gatas agad na akong naglakad paakyat sa kwarto ko. Tinignan ko ulit yung oras, 2:20 am na. Humiga na ako sa kama at humingi ulit ng tawad sa kanya. Mga ilang saglit pa'y nakatulog na ako.

~ 6:25 in the morning ~

Sabay sabay kaming kumain ng parents ko. Tahimik lang kami ngayon habang kumakain ng bigla itong basagin ni mommy.

"How are you jelle?" Tanong sa'kin ni mommy

"I'm fine mom" Sabi ko sa kanya na ikinakunot ng noo nya. "Why mom?" Tanong ko sa kanya.

"I heard you last night, is there something bothering you?" Sabi ni mommy na ikinagulat ko.

"A-ah n-nothing m-mom" sagot ko na mas lalong ikinakunot ng noo nya.

"You cannot fool me Ynjelle Claire Arkansas so stop lying baby." Sabi sa'kin ni mommy

"I-i'm not lying" sabi ko na mababakas ang kaba sa bawat salitang binibitawan ko.

Seducing that JERKWhere stories live. Discover now