Chapter 19

35 2 0
                                    

Ynjelle's POV

Dalawang buwan na ang nakalipas di parin ako pinapansin ni Sheena at mas lalong lumala pa yung galit nya simula nung kumalat yun balitang nililigawan na ako ni Zaus at ni...Jack.

Hindi ko naman alam na nililigawan ako. Di naman sila humingi ng permiso pero kasi lagi na silang gumagawa ng move. Nagpapakita na sila ng motibo kaya kumalat yung balita na yon. Tinanong ko silang dalawa kung para saan ba tala yung ginagawa nila and guess what? Tama nga yung rumors.

Ayaw ko ng ganito. Alam kong may masasaktan nanaman ako. Ayaw kong maulit yung dati. Unti unti ko ng tinatanggap yung nangyari pero ngayon eto nanaman.

"Huy Crystal!" tawag sakin ni Reyston sabay kaltok

"Aray ko naman! Close tayo?!" inis na sabi ko

"Ouch you just broke mah hart" sabi nito sabay hawak sa puso at umaarteng nasasaktan "Kinalimutan mo na ba pinagsamahan natin? Hello? Crystal, ako to. Si Jack to oh yung Bestfriend mo" sabi nya habang may pakaway kaway pa tss

"Bestfriend? Noon yun tss" 

"ouch you broke my core again. Pero di nga, seryosong usapan. Bat ang lalim ng iniisip mo? Sobrang lalim Crystal grabe nga oh di ko masisid" 

"Bakit ba ang chismoso mo?"

"Concern lang ako"

"Tss natatakot kasi ako"

"Natatakot san?"

"Sa pwedeng mangyari dahil sa inyo. Baka mangyari--"

"mangyari nanaman yung nangyari noon? Oh come on Crystal wala kang kasalanan dun. Wag mong sisihin sarili mo atsaka please wag mong ikulong yung sarili mo sa nakaraan. Isipin mo rin sarili mo lalong lalo na yung... kaligayahan mo"

Natahimik ako. Tama sya, masyado kong kinukulong yung sarili ko sa nakaraan.

"Labas tayo maya after class?" aya nya

"G lang" napagdesisyunan namin na magkita pagkatapos ng klase.

Lumilipad ang isip ko. Hindi ako makapag focus sa klase. Naalala ko yung sinabi ni Jack, siguro tama na na magkulong ako sa nakaraan. Tumatakbo ang oras, dapat ako din. Kung hahayaan kong makulong ako sa nakaraan ay mapag-iiwanan ako.

Napansin ko ang orasan at malapit nang matapos ang last subject namin. Mabuti nalang at hindi nagparecit and teacher namin.

Pagkatapos magpaalam ng teacher namin at naramdaman kong papalapit na sa akin si Zaus kaya nagmadali akong ayusin ang gamit ko at lumabas. Pagkalabas ko naman ay naroon na si Jack na prenteng nakatayo. Parang modelo kung umakyo amp 'di naman bagay. Napairap nalang ako sa kanya at naunang maglakad.

"Huy Crystal saglit!" Sigaw niya habang hinahabol ako. "Hindi mo manlang ako hintay." Sabi niya habang naka pout.

"Tigilan mo nga yan! Hindi ka cute. Nakakabwisit tignan." Sabi ko sabay irap sa kanya.

"Aray! Nakakailan ka na ngayong araw ha!" Pagmamaktol niya sa gilid. "San ba tayo punta?" Tanong niya.

Seducing that JERKWhere stories live. Discover now