Chapter 22

32 3 0
                                    

AN: Please wag pong kalimutan na Fiction lang ito.

Pagkatapos naming kumain ay pinagpahinga muna nila ako sa kwarto. Sinabihan ko si Mommy na dalhin ako sa bata mamaya kaya nagpadala siya ng kakilala niyang nurse sa ward ng bata para mabantayan habang wala pa kami.

Tumawag na rin kanina ang mga nag imbestiga sa CCTV at kasama na nila ang mga ito. Iinbestigahan na nila ang mga may gawa sa akin nito.

Maya-maya pa ay may nurse na pumasok sa room namin at parang natataranta.

"Ma'am, may babae pong pumunta sa bata at nagwawala. Gusto niya pong kunin yung bata." Sabi ng nurse.

Napatingin ako kay Mommy "Mo-"

"Anak, kailangan mong magpahi-"

"Mom, please." Pagmamakaawa ko. She sighed in defeat. Alam kong labas dapat ako dito pero naattach na ako sa bata pagkakita ko pa lamang sa kanya.

Pumunta kami sa ward ng bata habang naka wheelchair ako.

"Bitawan nyo ako! Anak ko yan!" Rinig kong sigaw ng isang babae. Pagkalapit namin sa kinaroroonan nila ay may nakita akong isang babae na pinipigilan ng mga nurse. "Lea, anak!" Sigaw nya ulit habang umiiyak.

"Ma'am, huminahon po muna tayo." Pagpapakalma sa kanya ng isang nurse. Pinaupo sya nito sa isang bench kung saan sya humagulgol ng iyak. Nilapitan namin ito at ang mga nurse naman ay agad pumunta sa bata para dalhin ito dito.

"Excuse me po?" Pagkuha ko sa atensyon ng Ginang. Lumingon ito sa akin habang hinahabol ang kanyang hininga. Umalis naman si Mommy para kumuha ng tubig. "Kaano-ano nyo po si Lea?" Tanong ko pagkatapos nyang inumin ang tubig.

"Anak ko sya." May diin nyang sagot

"Hindi nya po nanay yung babaeng kasama nya ngayon?" Takang tanong ko.

"Hindi, kaibigan ko sya at kabet sya ng asawa ko." Galit na sagot nya. Nagulat ako sa nalaman ko. Kaya pala ganon sya makaasta kay Lea. Maya-maya pa ay lumabas na ang mga nurse kasama si Lea na naka wheelchair.

"Nurse, akin na yan! Anak ko yan!" Rinig kong sigaw ng babae na nakita ko kanina.

"Mama!" Sigaw ni Lea nang makita nya ang Ginang.

"Anak!" Agad na nilapitan ng Ginang ang bata. "Kumusta ka anak? Anong masakit?" Umiiyak na tanong ng Ginang.

"Okay lang po ako, Ma!" Masiglang sagot ni Lea.

"Anong gusto ng baby ko hmm?" Malambing na tanong ng Ginang habang lumuluha. Pinunasan ito ni Lea gamit ang maliliit nyang mga kamay.

"Mama don't cry. Gusto ko po ng maraming Toys!" Masayang sabi ng bata habang pumapalakpak.

"Sige anak bibigyan ka ni Mama ng maraming toys ha?"

"Pero pupunta na raw po ako sa heaven, Mama." Kung kanina ay masigla si Lea ngayon ay wala na itong gana at halatang nalukungkot.

Mabilis na umiling ang Ginang habang humihikbi "Hindi anak. Hindi papayag si Mama. Hindi pa malala ang sakit mo. Kaya pa nating agapan. Hindi ka nila pwedeng paratangan ng Euthanasia." Sabi ng Ginang sabay lingon sa mga Doctor at nurse na nasa likod. Paano nyo nagagawa ito?! Hindi ba't pinaparatang lang Ang euthanasia kapag malala na ang sakit at wala nang lunas?! Stage 3 palang ang anak ko! May posibilidad pang gumaling sya!" Sigaw ng Ginang.

"P-pasensya na po kayo, Ma'am. Sabi po kasi sa amin ay hindi na raw po kaya ni baby yung sakit at nakakaawa na raw po kaya nagrequest ng Euthanasia si Ma'am." Nakayukong sabi g Doctor.

"Hindi nyo inaayos ang trabaho nyo! Dapat ang mga parents ang kumakausap sa inyo tungkol dyan!"

"Si ma'am daw po ang nanay sabi nya sa amin." Sagot ng nurse sabay turo sa babae.

"Ako Ang nanay nyan! Bakit hindi kayo nagbabackground check bago gawin ang mga ganyang bagay?! Idedemanda ko kayo!"

"Ma'am, wag po." Pagmamakaawa ng Doctor ngunit hindi ito pinansin ng Ginang.

"At ikaw!" Baling ng Ginang sa babae. "Ang kapal ng mukha mong gawin lahat ng ito sa anak ko! Para ano? Para masaya na kayong magsama ng asawa ko?! Pati bata pinapatulan mo! Yung perang pinapadala ko sa anak ko, sayo lang napupunta walang hiya ka! Binubugbog mo pa ang anak ko! Magkita-kita tayong lahat sa korte!" Sigaw ng ginang sa kanilang lahat bago naglakad habang tulak tulak ang anak palabas.

Sinundan ito namin ni Mommy at pinakalma.

"Hello Ate!" Masayang bati sa akin ng bata. "Mommy si Ate, kaibigan ko po." Sabi nya sa Ginang.

"Maraming salamat sa inyo ha? Hinding hindi ko isusuko ang anak ko at ipaglalaban ko ang karapatan nya. May kalalagyan sila." Mahinahong sabi ng Ginang.

Ililipat nya na ng Hospital si Lea at nagbigayan kami ng contact sa isa't isa bago umalis para mabisita ko parin si Lea.

Bumalik na kami sa room ko at hinintay nalang ang balita sa imbestigasyon.

Tumawag si Daddy kay Mommy at sinabing nasa kamay na nila ang mga may gawa sa akin nito...

Seducing that JERKWhere stories live. Discover now