Chapter 2

219 11 0
                                    

Zaus's POV

Maaga akong nagising dahil sa... ewan... napagtripan ko lang, haha.
Ang daming nangyari kahapon at halos mapagod ako dahil sa mga ginawa ko. Alam nyo naman siguro kung anong ginawa ko kahapon diba? Kung hindi nyo alam uso backread mga tol! Haha. Hay naku! Ang ganda talaga nang gising ko mana sa'kin kaso ako gwapo pero yung gising ko maganda, yun lang ang pinagkaiba namin.

"Good morning ladies" bati ko kila mommy at manang

"Oh, good morning ijo" bati naman ni manang

"Good morning son" sagot ni mommy sabay halik sa akin sa pisngi

"Mom, di na ako batang maliit kaya please stop kissing me on my cheeks" sabi ko sabay pout. Sasagot pa sana si mommy nang biglang sumabat si manang na kakagaling lang sa kusina.

"Kumain kana ijo at baka mahuli ka pa sa klase" sabi ni manang

"Sige po" sagot ko at nag-simula nang kumain. Pagkatapos kong kumain umakyat ako sa kwarto at dumeretso sa banyo para mag-sipilyo at para makapag-ayos na. Pagkatapos kong gawin lahat nang dapat kong gawin bumaba na ako't nagpaalam sa kanila.

Sumakay nako sa kotse ko't nagsimula nang mag maneho papunta sa school.

Pagkarating ko dun agad ko namang pinark ang kotse ko sa sarili kong parking lot. Yes, may sarili akong parking lot dito sa school, binayaran namin ito nang malaki para lang magkaroon ako ng sariling parking lot.

Pagkababa ko agad naman akong sinalubong ng mga maiingay na babae.Pero sanay na ako, ganyan talaga basta gwapo. Kaya kung gwapo ka kailangan mo nang masanay.


"Hi darling" sabi ng babaeng nasa harapan ko habang yung hintuturo nya'y naglalakbay sa dibdib ko.

"Hello darling" sabi ko. Maganda kasi sya kaya pinansin ko. Haha.

"Do you want me to come with you?"   Tanong nya. She's seducing me.

"Oh, sure" sabi ko. Umaga pa lang may lalandiin nanaman ako.
Tinignan ko yung wrist watch ko at tinignan ang oras, it's 6:30 in the morning, mamayang 9:30 am iiyak tong babaeng to.

For me, girls are just toys.

Sabay kaming naglakad papasok sa campus. Lahat ng tao'y nakatingin sa amin. Hinila ko tong babaeng kasama ko at hinalikan sa harap ng maraming tao. Lahat sila'y nagulat hanggang sa nakita ko yung babaeng kaklase ko, Ynjelle yata yung pangalan nya. Tinignan nya lang kami sandali at naglakad na paalis.

Sa lahat ng babae dito sa campus sya lang yung babaeng ganyan umarte sa akin. Lahat sila nakukuha ko pero sya hindi. Lahat sila nagtitilian pero sya magsasalpak lang ng earphones sa tenga at gagawa ng sariling Mundo.

"Did you like my kiss darling?" Sabi ng babaeng kasama ko pagkatapos naming maghalikan.

"Of course" sabi ko at nag-iwan ng kiss mark sa leeg nya na mahinang  ikinatawa nya.

Papasok na sana ako sa room namin ng nasa harap na kami nito nang bigla syang nagsalita.

"Di mo ba ako ihahatid?"   Tanong nito na may pagtataka sa mukha

"No, I'm sorry" sagot ko sa tanong nya

"Ok" sabi nya na bakas sa mukha nya ang disappointment.

Seducing that JERKWhere stories live. Discover now