Ynjelle's POV
Ayokong pumasok ngayon tinatamad talaga ako pero Wala akong magawa. Tumingin ako sa relo ko and guess what? Late ako ng 15 minutes. Shocks! Ang tanga ko malalagot talaga ako nito.
Pagdating ko sa school kumaripas na ako ng takbo papunta sa room for sure nagk-klase na sila. Ngina! Ba't ba kasi ako na late?!
After 12345678910 years nakarating din ako sa room pero nagtaka ako kung bakit walang teacher, lahat ng classmates ko nagkakagulo at ang ingay masyado. I sighed in relief. Mabuti na rin to hindi ako late. Dumiretso na ako sa upuan ko.
"Uy jelle! Ba't late ka?" Tanong ng isang kaklase ko
"Tss. Tinamad kasi akong pumasok. San" sagot ko
"Woahhh? Si Ynjelle tatamarin pumasok? Bago yun ah! Hahahaha" sabi nya habang patawa-tawa
"Tse! Ba't nga pala walang teacher ngayon?" Tanong ko habang nililibot ang tingin sa room
"May meeting sila ngayon pero don't worry alam kong kating kati kanang magklase kaya maghintay ka lang after 10 minutes magk-klase na tayo" sabi nya. Shocks! Ayoko talagang pumasok! Tinatamad ako huhu! Umayos ka nga Ynjelle malalagot ka sa mommy mo! Huhu
"Ah sige Ynjelle, balik na ako sa upuan ko" paalam nya
"Sige" sagot ko pabalik. Nilagay ko nalang yung earphone ko sa magkabilang tenga at nakinig ng musika. Ang dami kong inisip na mga bagay bagay na di ko alam kung bakit.
After 10 minutes pumunta na kami sa com Lab."Good morning students" bati ni Sir
"Good morning Sir Reyes" casual na sagot namin
"Take your sit and open your computer" sabi nya na agad naman naming ginawa.
"Icons lang gagamitin natin sa computer" sabi ni Sir na ikinagulat naming lahat
"Paano yun Sir?" Nagtatakang tanong ni Keith
In-explain ni Sir kung paano at sinimulan na ang klase pero di ako nakinig. Wala ako sa mood makinig sa lessons. Nag-isip ako ng gagawin para di ako antukin, nakaka-antok kasi itong subject na to.
Nag-isip nalang din ako ng mga bagay bagay na di ko alam kung saang lupalop ng mundo ko nakuha. Gaya ng:
Anong oras ginawa ang Orasan?
Anong date ginawa ang kalendaryo?
Anong araw naimbento ang mga ARAW?
Sino ang unang tao'ng uminom ng tubig?
Hayst! Para na akong tanga dito, gusto ko nang umuwi. Pagkatapos ng klase namin sa ICT bumalik na kami sa room. Tinatamad talaga ako kainis! Gusto Kong matulog!
Dumating yung teacher namin sa History. Di ko napapansin na nakatulog na pala ako.
"Ms. Arkansas? Ms. Arkansas wake up. Ms. Arkansas? Ms. Arkansas!"
Nagising ako sa sigaw ng isang babae. Agad kong tinignan yung sumigaw and shocks! Si ma'am Andres pala Yun!"Ms. Arkansas? Are you not feeling well?" Tanong nya sa akin
"Ah, no ma'am, sorry" sagot ko sa kanya habang nakayuko
"You can go to the clinic now" sinserong sabi niya
"Wag na po, I'm just tired po but makikinig na po ako" sabi ko sa kanya
"Okay." Sagot nya at sinimulan nanaman yung klase.
Habang nagk-klase may ilan paring nakatingin sa akin, yung iba nagtataka, yung iba di mo maintindihan yung mga reaksyon, yung iba, basta halo-halong reaksyon yung nakikita ko.
Nilibot ko yung paningin ko hanggang sa nagtama yung mata namin. Di sa naga-assume ah? Pero yung mga mata nya, parang nag-aalala. Agad kong iniwas yung paningin ko at nakinig na Kay Ma'am Andres.
Zaus's POV
Nakatitig lang ako sa kanya ngayon. To be honest nag-aalala talaga ako, parang may sakit sya na Ewan. Gustong gusto ka siyang lapitan at tanungin kung ok lang ba sya pero natatakot ako.
Pagdating namin sa room galing sa ComLab di ko parin maialis yung paningin ko sa kanya hanggang sa makatulog sya. Di na talaga ako mapakali hanggang sa nilapitan na sya ni Ma'am Andres.
"Ms. Arkansas?" Sabi ni ma'am habang papalapit sa kanya "Ms. Arkansas?" Tawag niya ulit dito "Ms. Arkansas wake up" sabi niya habang tinatapik sya "Ms. Arkansas?" Pagtawag nya ulit "Ms. Arkansas!" Sigaw ni ma'am at boom! Nagising na sya.
"Ms. Arkansas? Are you not feeling well?" Dinig kong sabi ni Ma'am. Lahat na kami nakatingin sa kanila.
"Ah, no ma'am, sorry" sagot niya. Fvck! Ang galing niya talagang mag pretend!
"You can go to the clinic now" sabi ni ma'am sa kanya. Nagpapasalamat ako sa sinabi niya pero...
"Wag na po, I'm just tired po but makikinig na po ako" sagot nya. Fvck! Tigas ng ulo! Dapat pumunta na sya ng clinic para makapagpahinga sya!
"Okay." Sagot ni ma'am. Bakit pumayag sya?! Dapat pinilit niya! Siya nalang pag-asa ko!
Gusto ko syang lapitan para ako na mismo magdadala sa kanya sa clinic pero di ko talaga magawa. Di ako mapakali kainis!
Eh ba't ka ba nag-aalala?! Ano bang pakialam mo dun?! Oo nakakatakot sya at naaastigan ako sa kanya pero di naman Yun sapat na dahilan para mag-alala ako diba? Tss.
Siguro nag-aalala ako sa kanya bilang kaklase niya. Tama, bilang kaklase niya. Baka ano pang mangyari sa kanya Kaya ako nag-aalala.
Inalis ko na yung mga paningin ko sa kanya at tinignan na si ma'am at nakinig sa lessons and heck?! Ngayon ko lang na realize na nakikinig na ako. Fvck! Si Zaus Lux Veneris nakikinig sa lessons?! Uy! Bago Yun sa History ah?
Pinagpatuloy ko nalang pakikinig ko hanggang sa matapos ang klase. Kahit sa ibang subjects nakikinig na rin ako.
Nung uwian na nag-alala ako sa kanya baka anong mangyari sa kanya. Lalapitan ko na sana Siya kaso biglang dumating si Eena Kaya napahinto ako.
Bakas ang pag-aalala sa mukha niya. Nag stay pa sila sandali pagkatapos umuwi na. Hinintay ko lang talaga silang makauwi kasi baka kakailanganin nila ng tulong andito lang ako.
Dumiretso na ako sa kwarto ko pagkauwi ko at inisip parin kung Anong nangyari sa kanya. Sa kakaisip ko sumakit ulo ko Kaya pinili ko nalang na magpahinga.
'Sana bukas magiging okay na sya. Sana walang masamang nangyari sa kanya.' sabi ko at tuluyan nang umidlip.
YOU ARE READING
Seducing that JERK
Teen FictionIsang babaeng may tinatagong lihim at sa lihim na ito'y maraming alaala ang nakabaon, at sa misyong binigay sa kanya ng kayang bestfriend na konektado sa nakaraan nga ba ito mabubunyag? Alamin natin.