Chapter 18

65 4 1
                                    

Sheena's POV

Nagising ako sa isang di pamilyar na kwarto. Amoy lalake. Di ko alam kung sino nag dala sakin dito. May nakalandian ba ako kagabi? Baka nakuha na pagkababae ko. No way.

Biglang bumukas Yung pintuang nasa gilid ko at ibinungad sa akin si Reyston.

"Oh gising ka na pala" sabi nya Ng walang emosyon

"R-reyston?" Mangiyak ngiyak na sabi ko

"Kumain ka na tapos uminom ka ng maraming tubig. Mag ayos ka na ren pagkatapos para mahatid na kita sa bahay nyo at makapagpahinga ka ulit" sabi nya sabay labas sa kwarto. Kakausapin ko pa sana sya pero umalis na sya. Nalungkot ako.

Napansin ko ren na ang sakit nga ng ulo ko. Naparami ata ako kagabi.

Habang kumakain chineck ko phone ko. Nakita kong tinawagan ko si Ynjelle. Baka may nasabi ako sa kanyang masama. Dapat lang sa kanya yon kasi mang aagaw sya.

Pagkatapos kong kumain nag hilamos at nag ayos na ng sarili. Grabe sobrang wasted ko.

Hinatid ako ni Reyston pauwi. Tahimik lang kami buong byahe. Gusto ko syang kausapin. Gusto kong magmakaawa kung pwede bang ako nalang.

Pagkauwi ko sa bahay pumasok agad ako sa kwarto ko di sila pinapansin. Iyak lang ako ng iyak. Tinatanong kung ano bang kulang saken. Bakit ba di ko makuha yung gusto ko? Bakit? Yun lang naman eh. Dun na nga lang ako sumasaya.

Sana ako nalang si Ynjelle haha. Ang saya siguro maging katulad nya no?

It's a new day. Panibagong araw pero pakiramdam ko ganun parin. Malungkot parin ako. Papunta ako ngayon sa school. Nag earphones nalang ako habang bumabyahe. Ang bigat sa pakiramdam.

Pagdating sa school nakita ko si Ynjelle sa may corridor. Di ko sya pinansin. Lilingon na sana ako paharap nang makita ko si Lux na nilapitan sya. Sa kabila naman si Reyston, nakatingin sa kanilang dalawa. Nasasaktan ako sa nakikita ko kaya dumiretso na ako papasok sa classroom.

Buong araw di ko pinansin si Ynjelle. Di nya rin ako ginulo. Ganun naman sya eh. Nirerespeto ka kuno pero I guess pakitang tao nya lang yun tss such a bitch!

Pumunta muna ako sa isang coffee shop para naman makapag pahinga muna ako. Baka din marelax ako diba? Nakakapagod na talaga. Ang bigat sa dibdib. Kung di Dahil kay Ynjelle di mangyayari to eh. Kung wala sya, wala lahat ng ito.

Kinuha nya lahat ng nasa akin pwes sisirain ko buong pagkatao nya. Humanda ka Ynjelle. Mapupunta sakin lahat ng inagaw mo.

Ynjelle's POV

Pagpasok palang kaninang umaga nakita ko si Sheena. Ano kayang nangyari sa kanya kahapon? Nag aalala ako pero alam ko namang ayos lang sya kasi si Jack naman yung nag alaga dun. Habang tinitignan ko sya bigla akong napalingon sa harap nang may biglang tumawag sakin, si Zaus. Ang ingay talaga neto. Papalapit sya sa akin.

Buong araw ako di pinansin ni Sheena. Alam ko naman yung dahilan eh kaya ayos lang. bibigyan ko muna sya ng oras mapag isa para makapag isip isip. Sana marealize nya na wala akong kasalanan. Sana marealize nya na di ko inaagaw sa kanya lahat. Kung pwede lang iwasan ko yung dalawa iiwasan ko. Ayaw kong maungkat nanaman yung nakaraan. Pagod na akong magtago at itago to.

Pumunta muna ako sa tabing dagat. May boulevard dito samin kaya pwede akong makapag relax. ayoko munang isipin lahat. Gusto ko munang takasan lahat ng ito.

Pauwi na ako sa amin ng may nadaanan akong pet shop. May nakita akong puppy dun. May naalala nanaman ako haha.

'Lex ang cute oh' sabi ko

'Hala oo nga!' sagot ng kasama ko

'Bilhin natin tapos sabay nating aalagaan!' sabi ko

'Tara!' pag payag nya

Binili ko yung tuta kahit na may maaalala ako para naman kahit dahil dito lang ma feel ko na kasama ko parin sya diba? Parehong pareho sya sa tuta na binili namin dati.

Pagkauwi ko nagulat pa sila Mommy nung makita nilang may dala akong tuta. Kasi after that incident ayoko ng mag alaga ng tuta.

Siguro unti unti ko nang natanggap sa sarili ko yung mga nangyari at kung ganun man, masaya ako para sa sarili ko. Sana tuloy tuloy na pero mahirap yun lalo na't nakakasama ko silang dalawa.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hi bbs! Sorry kung ngayon lang ulit naka UD. Sana may nagbabasa parin HAHA. See you next chap, muah!

Seducing that JERKWhere stories live. Discover now