Chapter 17

79 4 0
                                    

Sheena's POV

It's Saturday morning. Medyo late akong nagising kakaisip ng Plano. Sa ngayon, tatawagan ko muna si Reyston para makipagkita.

~

~Ringing~~

"Hello?" Halatang bagong gising yung nasa kabilang linya

"Reyston..."

"Oh Sheena" Humihikab pa na sagot niya

"Good morning. Sorry Kung nagising kita. Kita tayo maya"

"Bakit?"

"May pag-uusapan tayo"

"Di ba pwedeng dito nalang? Pupuntahan ko kasi si  Crystal eh" Sagot niya na ikina-inis ko. Si Sheena nanaman. Lahat nalang ba?!

"Please. Kahit sandali lang. Importante to eh"

"Sige. Anong oras at saan?"

"Sa Lucas Coffee shop at 2 pm"

"Sige" sagot niya at pinatay na

Pumunta na ako sa CR at nag hilamos saka bumaba. It's 11:26 am pa naman. Pagkababa ko wala akong nakitang tao. Baka day off nila.

Kumain na ako ng Breakfast ko na gagawin kong lunch tapos naligo. Kung ano-ano pa ginawa ko para di ako ma-bored kakahintay. Hanggang sa 1:30 pm na.

Nag bihis na ako then inayos sarili ko. I already texted Reyston para ipaalala and nagr-ready na rin pala siya. Masyadong traffic dito kaya kelangan kong agahan.

Pagdating ko dun eh sakto 2:00 pm and andun na siya. Nag order muna kami ng inumin tsaka binati ang isa't isa.

So ano yung pag-uusapan natin?" Tanong niya agad

"May lakad ka ba? Masyado lang nagmamadali HAHAHA" natatawang sagot ko

"I already told you diba?" natigil ako sa pagtawa nung sinabi niya yan. Oo nga pala.

"Sorry.  I just want to clear things out with you"

"Clear things?"

"Yah. Ano ba talaga tayo?"

"Magkaibigan" sagot niya. Ouch! Sakit. Ganun lang yun? Pero di ako papatalo.

"Bakit? Reyston?"

"Anong bakit? Magkaibigan tayo una palang. Don't tell me binigyan mo ng meaning?"

"Dahil ba to kay Sheena?" galit na tanong ko. Ang sakit eh. Lahat nalang inagaw niya sa akin.

"Walang kinalaman si Crystal dito--"

"HINDE REYSTON EH! ALAM KONG MAHAL MO SIYA! REYSTON DI MO BA NAKIKITA NA DI KA NIYA MAHAL?! ANO BANG NAKITA NIYO SA BABAENG YUN?! LAHAT NALANG INAGAW NIYA SA AKIN... PATI IKAW" umiiyak na saad ko

"Di niya ako inagaw sayo"

"Inagaw ka niya"

"No Sheena, kasi in the first place hindi naman ako naging sayo." aray! "At wag na wag mong pagsalitaan ng ganyan si Crystal kundi matutulak mo ako palayo" sabi niya sa akin.  Natakot ako kahit kalmado lang pagkakasabi niya. Walang emosyon mga mata niya.

Andito ako ngayon sa mall. Iniwan ako ni Reyston pagkatapos nun.  Naiwan ako dun na nasasaktan. Bakit ganun?!

Lumabas ako ng Mall at dumiretso sa Bar.  Nagpakalasing ako. Wala na akong pakialam Kung anong mangyari sa akin dito. Gusto kong makalimutan lahat.

Ynjelle's POV

Nagbabasa ako ng wattpad nang biglang tumawag si Sheena.

"Hello bess?"

"Wag mo akong ma-bess Bess Ynjelle hik lahat nalang kinuha mo s-sa hik a-akin hik. Hindi ka tunay na kaibigan! Mang aagaw ka! Hikgalit na galit na sabi ng nasa kabilang linya. Alam kong lasing siya.

"Saan ka at pupuntahan kita?" nag aalalang tanong ko

"Ayokong makita ka hik. R-reyston" sabi niya bago naputol yung tawag

Lasing siya pero alam kong lahat ng sinabi niya totoo. Matagal na kaming magkaibigan kaya alam ko.

Tinawagan ko si Reyston para siya sumundo. Ayaw pa sana nung una pero buti napapayag ko.

Makikibalita ako sa kanya. Sa ngayon, magtitiwala ako kay Reyston.

'Binaba ko pride ko para sayo Sheena. Sana ayos ka Lang'

Alam kong malaki ang galit sa akin ni Sheena kasi palagay niya lahat inaagaw ko sa kanya pero mali siya. Hindi ko alam kelan yun nagsimula pero matagal tagal ko na ring alam.

Gusto ko siyang kausapin pero alam kong hindi pa ngayon ang tamang oras.

Bibigyan ko muna siya ng oras para sa sarili niya. Para makapag-isip isip.

Sana worth it. Sana nasa tama parin siya.

Seducing that JERKWhere stories live. Discover now