Chapter 7

134 9 0
                                    

Sheena's POV

Maaga akong nagising sa di ko malaman na dahilan. Tinignan ko yung sarili ko sa salamin, namamaga ang aking mga mata, namumutla ako at para akong nalugi. Andito parin yung sakit sa puso ko.

Kagabi pumunta ako sa bahay ng kaibigan ko na di kilala ni Ynjelle. Tatlo kaming lahat. Niyaya ko silang uminom pero ang ginamit kong rason ay "KAKABALIK MO LANG NAMAN GALING BAKASYON BRO BA'T DI TAYO UMINOM?" pumayag naman sya at uminom kami. Halos naka-isang case na kami pero ayaw ko parin tumigil kaya dun na ako kinompronta ng mga kasama ko kaya ang nangyari kwinento ko sa kanila lahat lahat.

Pagdating ko sa bahay kagabi lasing ako pero pilit kong tinatago. Nung nasa kwarto na ako nakakita ako ng blade kaya naglaslas ako.

"Ano ba naman yan! Letche to! Bakit kasi sayo pa ako nahulog?! Letche ka talaga Lux!" Sabi ko at nagsimula nanamang humagulgol ng iyak.

Sa ganitong situwasyon, isang tao lang ang kailangan ko at alam kong matutulungan ako. Pero bago ko pa sya matawagan may biglang kumatok sa pintuan ng aking kwarto.

"Pasok po kayo" sabi ko at bigla namang bumukas ang pintuan at inulawa nito si Lux.

"Eena" pagtawag nya sa pangalan ko

"Lux, ba't ka nanaman ba nandito?" Tanong ko sa kanya

"Eena, gusto kong mag-usap tayo" malumanay na sabi nya

"Lux, pakiusap. Wag muna ngayon. Hayaan mo muna ako. Hayaan mo muna ako hanggang sa makaya ko nang makausap ka, kasi ngayon? Di ko pa kaya masyado pa akong mahina. Kaya please lang wag muna ngayon." Sabi ko at pumasok sa banyo ng aking kwarto para nag-ayos.

Pupuntahan ko nalang sya sa bahay nila.

Ynjelle's POV

Papunta ako ngayon sa bahay nila Sheena, bigla nalang kasing tumawag at tama nga ang hinala ko may problema talaga ang isang yun.

Nang makarating na ako sa bahay nila, dumeretso na ako sa kwarto nya. Hinayaan lang ako ng mga taong andito kasi kilala na nila ako. Wala rin dito sila tita at Tito.

Pagdating ko sa kwarto nya naabutan ko syang umiiyak.

"Bes? Anyare sayo?" Tanong ko sa kanya pagkalapit ko.

Tumigil sya sa pag-iyak at tinignan ako. Bigla nya naman akong niyakap at nagsimulang umiyak ulit.


"Mag-ayos kana lang Bes, may pupuntahan tayo" sabi ko sa kanya

"Saan?" Tanong nya

"Basta" sagot ko sa kanya at hinila na sya papunta sa closet nya,Agad nya namang binuksan at namili ng damit.

Seducing that JERKWhere stories live. Discover now