Ynjelle's POV
2 weeks na pagkatapos kong mangako sa sarili ko na hindi na ako magpapakulong sa nakaraan at nakikita ko na ang pagbabago ko. Nagiging masayahin na ulit ako. Kung itatanong niyo sa akin kung kumusta naman yung dalawang asungot ayun masakit sa ulo! Lagi silang nagtatalo kahit sa maliit lang na bagay.
Naalala ko noong isang araw ay naisipan kong pumunta ng mall para mag ayos Ng sarili. Bumili ng mga damit, mag salon at iba pa. Basta aayusin ko na sarili ko.
Noong bumaba na ako galing kwarto ay nasa baba na yung dalawa.
"What are you two doing here?" I asked them habang nakataas ang isang kilay ko. Isa isa ko silang tinignan.
"Just visiting you." Sagot ni Zaus
"May lakad ka?" Tanong ni Jack
Tumango ako at nilagpasan sila pero bago yun ay hinawakan nila yung magkabilang braso ko. Si Zaus sa kanan, si Jack naman sa kaliwa.
"I'll come with you." -Zaus
"Sama ako." -Jack
Sabay nilang sabi. Agad silang nagkatinginan sa isa't isa at may namumuong tensyon sa pagitan nila. Taka naman akong napatingin sa kanilang dalawa at binawi ang mga kamay ko.
"Tumigil nga kayo! Para kayong mga bata!" Singhal ko sa kanila at nagsimula nang lumabas. Hinabol naman ako ng dalawa.
"Come with me." -Zaus
"Sumabay ka na sa'kin." -Jack
Sabay nilang sabi at nagkatinginan ulit. Napailing nalang ako sa inaakto nilang dalawa.
Lord, ang ganda po ng gising ko. Tulungan nyo po akin hindi masira ito dahil sa dalawang to.
"May kotse ako." Sabi ko sabay lakad papalapit sa kotse ko. Agad namab akong hinabol ng dalawa. "Kung gusto niyong sumama, doon kayo sa backseat." Aangal pa sana sila ngunit wala silang magawa.
Habang nasa byahe ay ramdam na ramdam ko ang tensyon sa kanilang dalawa. Hindi ko nalang sila pinansin dahil nakakainis masisira lang yung araw ko.
Noong makarating na kami sa mall ay inuna kong pumunta sa salon nagpagupit ako ng buhok. Layered medium hair with curtain bangs ang aking ipinagupit at pinalagyan ko ng gray highlights. Habang nagh-highlight sa buhok ko ay nagpamanicure at pedicure naman ako. Tinignan ko yung dalawa at nakita kong nagtatalo sila. Nang sitahin ko ay parehas silang natahimik at nagmukhang tuta amp papanget!
Nang matapos na ako ay bumalik sila sa pagbabayangan. Hays! Walang katapusang bangayan!
"Hoy! Tumigil nga kayo!" Sabay silang napatingin sa akin. "Nakakahiya kayo! Sa susunod ay hindi ko na kayo isasama!" Mahabang litanya ko sa kanila. Tulala lang sila sa akin. "Huy! Ano ba?!" Inis na sigaw ko. Agad silang nag react pero this time magkasundo na sila. Kinikilig sila.
"Shawty bro." -Zaus
"Shoti pareh" -Jack
Sabay nilang sabi hababg nagniningning ang mga matang nakatingin sa akin. Bigla akong nakaramdam ng ilang sa kanilang dalawa. Naconscious tuloy ako sa itsura ko.
"Tigilan niyo nga iyan! Gutom lang yan. Tara na kumain muna tayo." Aya ko sa kanila pero ang totoo niyan ako talaga yung gutom. Hindi naman ako informed na ganun pala katagal magpasalon kaloka!
Akala ko ay magkakasundo na sila pero nagbangayan ulit sila at nagpapalamangan kahit sa pagkain.
"Paborito ito ni Ynjelle" -Zaus
"Ito rin, paborito ni Crystal." -Jack
Sa pagpili naman ng damit ay sumama din sila sa'kin at ganun parin.
"Bagay to sayo." -Zaus
"Mas bagay to sayo." -Jack
Ang ending ay ibinili ko lahat ng binibigay nila sa'kin para hindi sila mag away. Bumili na din ako ng make ups at mga heels shoes.
Kaya noong bumalik ako sa school ay gulat na gulat sila pero noong makita ako ni Sheena ay galit na galit siya at ipinagkalat niya pa na nagpapaganda ako para landiin sila Zaus at Jack. Hinayaan ko nalang siya pero sinumbong siya ni Zaus sa kataas-taasan kaya nasuspend siya ng 2 weeks pero mas lalo lang nagalit sa akin si Sheena.
Gusto kong makausap si Sheena ngunit nabubulag siya sa galit niya sa akin.
Andito ako ngayon sa library dahil may hinahanap akong libro para sa assignment namin nang may napansin akong sumusunod sa akin. Lumingon ako ngunit wala namang tao sa likuran ko. Hinanap ko kung saan iyon galing pero wala paring tao.
"Siguro guni-guni ko lang." Bulong ko sa sarili ko habang umiiling.
Nang makita ko na ang libro ay pumunta ako sa isang table at tahimik na nagbabasa. Konti lamang ang estudyante ngayon dito dahil class hours pero free time namin ngayon kaya andito ako. Habang nagbabasa ako ay may humablot sa aking lalake. Tinakpan ang bibig ko at may nakatutok na kutsilyo sa leeg ko.
"Wag kang pumalag kung ayaw mong umagos yung dugo mo dito." Bulong niya sa akin.
Dinala niya ako sa likod ng isang building at initsa sa dalawang kasama niya na naghihintay sa kanya doon. Hinawakan nila yung magkabilang kamay ko. Sinuntok naman ng isa yung tiyan ko at napasuka ako ng dugo.
"Pasensya na, maganda ka sana kaso napag-utusan kami eh." Sabi ng sumuntok sa'kin. Hilong-hilo na ako at nahihirapan akong huminga.
Putangina nag-aral ako ng martial arts ng ilang taon pero hindi ko maipagtanggol yung sarili ko.
Sinampal naman ako ng lalaki. Gusto kong manlaban ngunit hinang-hina na yung katawan ko. Nakita kong susuntukin pa sana ako ulit ngunit may biglang sumipa sa kanya. Nabitawan ako ng dalawang may hawak sa'kin at tinulungan yung kasama nila. Hindi ko na nakita ang mga sumunod na nangyari at sinalubong na ng dilim.
Nagising ako sa isang puting paligid. Alam kong hospital ito dahil napansin kong may dextrose ako.
Agad na tumawag ng nurse si Mommy noong nakita niyang nagising na ako.
"Asan si Daddy?" Tanong ko kay mommy.
"May kinakausap sa labas, galit na galit." Sabi ni mommy na ipinagtaka ako. "Pinapahanap niya na yung mga gumawa sayo nito." Sabi niya nang makitang naguguluhan ako.
Maya-maya lang ay pumasok na si papa kasabay nung nurse at nicheck na ako. Pansin Kong sobrang sakit ng katawan ko at hinang-hina na ako.
"Walang sinong pwedeng gumawa sayo nito nang hindi nagbabayad." Galit na sabi ni Daddy. Pilit na pinapakalma ni Mommy si Daddy.
Sino Ang pwedeng gumawa sa'kin nito?
YOU ARE READING
Seducing that JERK
Teen FictionIsang babaeng may tinatagong lihim at sa lihim na ito'y maraming alaala ang nakabaon, at sa misyong binigay sa kanya ng kayang bestfriend na konektado sa nakaraan nga ba ito mabubunyag? Alamin natin.