Chapter 24

52 3 0
                                    

Ynjelle's POV

Nagising ako dahil sa ingay. Sobrang sakit at bigat ng ulo ko, hindi ko kayang imulat ang mga mata ko.

"Sorry, I didn't mean to wake you up. Go back to sleep." Jack said gently.

I forced my self to open my eyes only to notice that I'm not in my room.

"Bakit tayo andito?" I asked weakly

"Don't worry, I already called your Mom to tell her you're here. Don't worry about a thing. You should be resting and focus on getting better. Ako na bahala sa iba. I'll make sure you have everything you need." He said softly.

I nodded and went back to sleep. Hindi talaga kaya ng sarili ko. Alam naman din ni Mom na andito ako kaya hindi ko na kailangan pang mag alala.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog basta nagising ako nang may lumapat na malamig na bagay sa kili-kili ko.

"38.1" he said quietly. Thermometer pala yung malamig na bagay na yun. Naramdaman nyang nagising ako. "Anong gusto mong kainin?"

"Hindi ko alam. Wala akong panlasa." Totoong wala akong panlasa at nararamdaman kong nanghihina ang katawan ko.

Lumabas saglit si Jack para may kunin at pagbalik nya ay may dala na itong arroz caldo. Natakam ako bigla sa amoy nito.

"Kumain ka na para makainom ka ng gamot." Sabi nya sabay lapag ng arroz caldo sa bed table. Tinitignan ko lang sya habang tinitimplahan nya ang arroz caldo.

"Salamat." Sabi ko na may maliit na ngiti sa labi.

"Your well-being means everything to me." Sabi nya at lumabas ulit ng kwarto. Iniwan nya ako sa loob na kumakain. He knows na arroz caldo ang magpapakalma sa akin tuwing nilalagnat ako.

Bumalik sya na may dala dalang orange juice at gamot. Nilapag nya ito sa bedside table nya. Hinayaan nya lang akong kumain.

"Pinagpapawisan ka na." His mouth curved into a smile. I nodded at inubos ang arroz caldo. Parang bata naman syang pumalakpak sabay sigaw ng "Yehey". Natawa naman sya sa reaksyon ko at kumuha ng face towel sa gilid para punasan ang pawis ko.

"Uminom ka na ng gamot para mamaya maiuwi na kita sa inyo." Sabi nya habang nilalapag ang gamot at orange juice sa table.

Naramdaman ko naman na nag vibrate ang cellphone ko kaya tinignan ko ito. Si Zaus, tumatawag. Hindi ko ito sinagot. Tadtad ng messages ang cellphone ko galing sa kanya. Huling message nya ay pupunta daw sya sa bahay. Ayaw ko syang makita.

"Jack, pwede bang dito muna ako?" Nakayukong sabi ko.

"Are you sure? Ayaw mo pang umuwi?" Nag-aalalang tanong nya. Agad naman akong umiling sa kanya.

"Sige, Ipagpapaalam kita kay Tita." Agad namang lumiwanag ang mukha ko sa sinabi nya. Lumabas sya para tawagan si Mommy. Ininom ko na ang gamot na hinanda nya para sa akin.

Pagbalik nya ay sinabi nyang pumayag na raw si Mommy.

"Magpahinga ka na para gumaling ka kaagad." Sabi nya at niligpit ang pinagkaininan ko.

"Jack, salamat." I said sincerely. Jack smiled and ruffled my hair.

Jack's POV

Nang makatulog na si Crystal ay naghanda ako ng basang bimpo para bumaba ang lagnat nya. Maingat kong pinunasan ang maamo nyang mukha. I don't why the world is cruel to her. When you see Crystal, you can't help but feel a sense of peace. It's like they have a calming, angelic presence. She have a heart of pure gold.

Pinunasan ko ang braso nya at napansin kong may mga pasa iyon. Wala siyang pasa noong nasa hospital palang sya. Naalala ko ang huli naming pagkikita. Pakiramdam ko ay may kinalaman dito si Zaus. Maling mali na nagtagpo nanaman silang dalawa. Walang magandang maidudulot yung lalakeng yun sa kanya.

Hinintay kong magising si Crystal para maitanong kung anong nangyari. Hindi ko sya bibiglain dahil kakagaling nya lang sa sakit.

Lumabas ako saglit para kumuha ng maiinom ko at pagbalik ko ay gising na si Crystal.

"Can I get you anything?"

"No, I'm good." She gave me a half smile

"Do you mind telling me what happened?" Sadness clouded her features.

"I came so far. Only to end up here." Her voice cracks

"I know it's been a challenging journey, but look at how much you've grown and learned along the way. You're stronger and wiser now." I tried calming her.

"Jack, kasalanan ko ba? Bakit parang hindi ako tinatantanan?" Her cry turned to whimpers

"Wala kang kasalanan. Wag mong sisihin ang sarili mo." Pang aalo ko sa kanya.

Iyak lang sya nang iyak. Paulit ulit na sinisisi ang sarili nya.

Napagdesisyunan na naming ihatid sya sa bahay nila dahil alam kong nag-aalala na si tita sa kanya. Tahimik lang kaming dalawa buong byahe. Tulala lamang sya.

"Andito na tayo." Sabi ko nang makarating kami sa tapat ng bahay nila.

"Salamat." She gave me a small smile. "Pero hindi parin kita napapatawad."

I nodded. "Don't worry, I understand." I smiled.

Pumasok na sya sa loob ng bahay nila at naiwan na akong mag-isa dito sa labas.

Mahirap ang pinagdaanan nya kaya naiintindihan ko kung ano man ang nararamdaman nya. At least ngayon, nalapitan ko na sya. May progress parin.

I hope she'll have the peace she deserves.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 30, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Seducing that JERKWhere stories live. Discover now