Chapter 5

101 40 1
                                    

Ghoster

yen yen's pov

buhay pa pala yung lalaki na 'yun? akala ko patay na dahil sa pang goghost n'ya sa akin. at miss? anong miss? namiss n'ya ba ako igaslight at pang goghost sa akin? miss n'ya ba ako pag tripan?

balak kong 'wag munang pansinin si Lalu dahil bumalik nanaman ang pag kakaoverthink ko. kasalukuyang nasa classroom na kami, habang nag didiscuss ang teacher sa harap panay sipa ng kung sino sa upuan ko. na alam ko naman si Keiler yun.

"ano ba hindi ka ba titigil!?" sagot ko sa baliw na walang iba kundi si Keiler.

"ms. hermandez! kung wala kang idudulot sa klase ko you may go!" sigaw na sabi ng teacher na kinagulat ko.

napayuko nalang ako nang ulo dahil sa hiya. rinig ko rin ang mahihinang tawa ng mga kaklase ko sa likod na mas lalo kong kinahiya.

BWISET NA LALAKING 'TO TALAGANG PINAPAINIT N'YA DUGO KO!

tinignan ko s'ya ng masama at nagawa n'ya pang nag smirk sa akin habang naka cross arm.

NANG GIGIGIL AKO! PIGILAN N'YO 'KO BAKA HINDI KO NA MATIIS BIGLA KO NALANG S'YANG SIKMURAAN!

natapos na ang klase at nasa isip ko pa rin kung paano ako sigawan ni Mrs. Araja dahil sa kakagawan ng siraulong lalaking 'to.

"ang lalim naman ng iniisip mo" sabi ni Amy sa akin.

"h'wag mo na s'yang intindihin bully talaga 'yang lalaking 'yun" sabi ni Briyanna habang nag aayos ng gamit n'ya.

"obvious naman" sabi ko at napairap sa hangin.

"nahihiya ka kanina?" tanong ni Amy dahilan para mapayuko ako. "h'wag kang mag alala nangyari din sa amin 'yan" sabi n'ya at mahina s'yang napatawa.

onti-onting umaalis ang mga iba naming kaklase sa room dahilan para ipag- patuloy namin ang usapan.

"ayaw ni Keiler na may babaeng kaklase" sabi ni Briyanna dahilan para mapatingin ako sakan'ya. "pansin mo bang tayong tatlo lang ang babae dito sa section na 'to?" pag papatuloy n'ya.

kaya pala wala akong nakikitang ibang babae dito dahil konti lang kami.

"actually ang section na 'to ay dapat puro mga lalaki lang. sa section na 'to, dito nila nililipat ang maraming violations at detentions. 'yang mga kaklase natin, saksi sa violations at detentions 'yang mga 'yan" pag papatuloy n'ya.

"h-hindi ko maintindihan.. bakit kailangan silang ilipat ng section pag nakakagawa sila ng mali?"

"hindi basta mali lang yun Yen. may mga issues sila sa past na hindi na nasolve ng discipline committee. siguro dahil sa dami nilang issues ayaw din ng guidance office na madumihan ang pangalan ng paaralan na 'to dahil sa mga issues nila. kaya nilipat sa iisang section nalang. pati hindi rin sila kayang i expelled dito sa school na to kasi lahat sila mayayaman"

"issues lang! nadumihan na agad ang pangalan ng school?" sabi ko na punong pag-tataka sa mga sinasabi n'ya

"ang mga issues ng kaklase natin galing sa labas ng school at nadadamay ang pangalan ng school natin dahil sakanila."

"ano bang klaseng issues ba yun?"

"pakikipag away nila sa mga estujante sa kabilang school. partida naka uniform pa sila nun kaya damay talaga ang pangalan ng school natin."

"paano kayo napunta sa section na 'to?, gumawa din ba kayo ng kasalan?"

ang dami kong tanong 'di ba? sorry naman curious na curious talaga ako.

Hate to Love you  [ Part 1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon