Chapter 37

59 8 0
                                    

USB

yen yen's pov

mag kano ba mag pakulam? may ipapakulam lang ako rito.

talagang tinotoo n'ya yung pag-tawag kay Marcus kagabi pag-kauwi ni Mhiro. buti nalang hindi sinasagot ni Marcus tawag n'ya.

haha buti nga!

"kapag tumawag s'ya sa akin isusumbong kit—"

nilagyan ko ng pandesal ang bibig ng bata para naman tumigil ang bunganga n'yang nakakairita.

"isubo mo lahat 'yan! aga-aga ingay ng bunganga mo!" inis na sigaw ko bago sumubo ng kanin.

tinanggal n'ya ang pandesal sa bunganga n'ya at masama akong tinignan. "may something pala sain'yo ni Mhiro 'di mo sinasabi sa akin!"

"wala kaming something! tigilan mo na nga 'yan!"

kanina pa 'ko naiirita dito kay Lalu, pa'no ba naman ang topic si Marcus syaka yung Mhiro na 'yon! ayoko nga naririnig pangalan nila lalo na si
Marc—don't say bad words.

kinuha na namin yung bag namin at lumabas na ng kwarto. nakasalubong pa namin si Kylde kakalabas lang ng kwarto n'ya.

lumapit ako sakan'ya at hinawakan ang kamay para mag mano. nagulat pa s'ya ginawa ko, binatukan n'ya 'ko ng malakas.

mukhang namatay na ibang braincells ko dahil sa ginawa n'ya.

"aray!" reklamo ko at hinimas himas ulo ko.

"puro ka kalokohan!"

nag walk-out na si inutil habang ako nakanguso, himas-himas ang ulo ko.

"mag bebless na sana rin ako. buti nalang binatukan ka agad" natatawang sabi ni Lalu.

bumaba na kami at nag pahatid sa driver nila Tita. wala si Tito Vic nasa trabaho kaya wala kaming baong tinapay ngayon. hindi rin s'ya nag bake kahapon.

pinili ko nalang mag laro ng games sa phone ko dahil traffic. mukhang malalate pa kami rito dahil 7:20am na.

may lumabas na notification agad ko naman pinindot messages sa 'kin ni Praew.

Praew: hi ate! i miss you sabay us mag eat later?

Praew: mall din po us! my treat!

mall? tapos treat? nakakahiya naman!

Jackie: okie kita tayo later sa canteen...

Jackie: huwag na!! nakakahiya

Praew: hihi ok po... sama rin si Lalu if he wants po?

mukhang si Lalu lang ata gusto makita nito at hindi ako.

Jackie: tanong ko siya weyt

tinignan ko ang bata na busy napangungulangot. "sama ka raw mamaya? mall"

"ayoko, masakit paa ko—"

"kasama si Praew—"

"ay joke, tignan mo nga oh nagagalaw ko pa" sabi n'ya at nag sipa-sipa sa ere.

"hindi na 'yan magagalaw kapag binali ko 'yan"

nakapasok na kami sa classroom pag-baba namin sa kotse. ngayon bored na bored ako kasi wala sila Bri syaka Amy. next week pa raw sila makakapasok.

"tapos si Damulag medyo pumayat na. hindi naman sa sobrang payat parang nag diet lang. biruin mo 'yun nakaya n'ya pa mag diet hahaha! tapos si Liit naman chikboy na! habulin na ng mga babae, akala ko nga pag-laki nun habulin lang ng mga aso." kuwento ni Lalu habang nag susulat sa notebook.

Hate to Love you  [ Part 1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon