Chapter 14

49 9 0
                                    

Damulag

yen yen's pov

*/ flashback /*

"Yen!!" sigaw ni Lalu na nasa loob na pala ng bahay namin. "may inaaway dun malapit sa ilog!"

"sino nanaman?"

"inaaway nila Damulag!"

Damulag talaga kahit kailan walang ginawang tama!

"bawal ako lumabas." mabilis kong sagot kay Lalu habang nanonood ng Eat Bulaga sa tv.

"mamaya na 'yan! may nanganganib ang buhay ta's uunahin mo pa ang AlDub!" sigaw ni Lalu sa 'kin dahilan para mag salubong ang kilay ko.

binato ko sakan'ya ang Jaryo ni Lola na kanina ko pa'ng pinag-lalaruan at nag dabog palabas ng bahay.

pang-gulo 'to nanonood yung tao eh!

pinauna ko s'yang mag lakad dahil nga s'ya ang nakakaalam ng daan papuntang ilog.

"bilisan mo naman Yen!"

"eto na!" lakad takbo ang ginawa ko dahil nag mamadali 'tong bata na 'to sa ewan.

nang makarating na kami bandang ilog rinig namin ang sigawan nila Damulag at Liit. dali-dali kaming lumapit ni Lalu sakanila para tignan ang nangyayari.

"hineheram lang bisikleta mo damot mo!" sigaw ni Damulag sa lalaking naka upo na may sugat sa siko.

mukhang tinulak s'ya ni Damulag dahil hindi nakaparada ang bike n'ya nang maayos.

"damot mong lalake ka! porket kakatira mo lang dito yabang-yabang mo na!" inis na sabi ni Liit.

"ano nanaman 'to!" sigaw ko sakanila dahilan para mapunta ang atensyon nila sa akin.

tumingala ang lalaki para tignan ako. pati din ang pisngi n'ya may sugat, buti nalang may helmet s'ya sa ulo.

"etong babae talaga neto napaka pakeelamera!" inis na sabi ni Liit dahilan para mag salubong ang kilay ko at tignan s'ya nang masama.

"kung ibalibag kaya kita? tapang-tapang mo isang sipa ko lang naman sa 'yo talsik kana sa kabilang barangay!"

mahinang napatawa ang mga kaibigan nila Damulag, nakakuha naman sila ng masamang tingin galing dito.

"ang yabang mo ah! ano ka super hero para tulungan 'tong lalake na 'to!" sabi ni Damulag at diniro ang lalaki.

tinulungan s'ya ni Lalu na maka tayo. balak sanang s'yang pigilan ni Liit pero hinarang ko s'ya.

"wag ka ngang makeelam dito tomboy! umalis na kayo rito ni panget!" sigaw Liit sa 'kin.

"mahiya ka nga sa sarili mo! mas kalait-lait pa nga pag-mumukha mo kumpara kay Lalu! at tsaka ang baho ng hininga mo mag sipilyo ka nga!" sigaw ko rito dahilan para mamuo ang mga luha sa mga mata n'ya.

malakas na nag tawanan ang mga barkada nila Damulag dahil sa sinabi ko. masama pa rin ang tingin sa 'kin ni Damulag.

lalapit na sana s'ya sa 'kin nang harangan s'ya ng lalaking pinag-tatanggol ko.

"k-kung gusto mong h-hiramin ang b-bike ko.. k-kunin mo na.. papahiramin na k-kita.."

ramdam ko ang takot at nginig nito. hindi ko hahayaan na pahiramin n'ya 'tong baliw na 'to dahil lang sa takot.

"hindi pup'wede! 'wag kang maduwag ja—-"

"manahimik ka nga tomboy! uwi kana sain'yo!" sabi ni Damulag sa 'kin.

Hate to Love you  [ Part 1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon