Chapter 34

46 8 0
                                    

Cleaners

yen yen's pov

"hoy bumalik kayo rito! cleaners kayo!"

"tapon na natin 'to!"

"sama mo na rin sarili mo!"

"kingina asan na yung walis!"

"hoy Adam tanginamo cleaners ka! bayo ka nang bayo jan!"

"paliguan n'yo na si Argie mukha ng dugyot"

"inamo!"

"sino kumain ng adobo ko!"

"Lanz cleaners ka mag linis ka rito puro ka lollipop!"

"salaksak ko sa 'yo 'tong lollipop"

sunod-sunod nilang sabi.

second subject na kasi namin after breaktime. absent si Ms. Allones kaya pinili nalang naming ayusin yung room at mag ligpit. buti na nga lang sumunod sila kay Gabby na ligpitin ang mga kinalat ng mga siraulo kong kaklase sa loob ng room namin.

habang nag aayos ng upuan may nag bato sa ulo ko ng scratch ng papel na naka bilog. tinignan ko 'yun kung sino ang nag bato pero wala namang nakatingin sa 'kin at busy lahat sila sa pag liligpit. hindi ko nalang 'yun pinansin at bumalik sa ginagawa.

"yen-yen..." sabi ni Gabby sa 'kin dahilan para lingunin ko s'ya. "pabigay kay Mrs. Araja sa faculty. need na n'ya raw quiz natin." sabi ni Gabby.

kinuha ko naman 'yun sa kamay n'ya at dali-daling lumabas sa pisteng classroom na 'yun. nang makapunta na 'ko ng faculty kumatok muna ako bago ako pumasok. bungad sa akin ang lamig ng aircon.

shuta may snow ba rito? grabe naman ang lamig!

pumunta ako sa desk ni Mrs. Araja at hinintay s'ya ron. sabi ng isang teacher na nag cr lang daw si ma'am babalik naman daw agad s'ya kaya hinintay ko muna bago ibigay sakan'ya yung quiz namin.

hindi rin nag tagal ay dumating na si Mrs. Araja. "good evening po ma'am... quiz po namin sa Section G pinapabigay po ni Gabby..."

kinuha n'ya naman 'yun sa kamay ko at dali-dali na 'kong lumabas sa faculty room.

habang nag lalakad ako sa hallway naisipan kong dumaan sa fountain kung saan ako lagi tumatambay kapag maaga ako pumapasok.

habang nag lalakad ako pabalik sa hallway nakita ko nanaman si diablo na kasama ang kapwa n'yang diablo rin.

tinignan n'ya ako habang nakapamulsa at nakasandal sa pader.
nag smirk s'ya sa akin na mas kinainis  ko lalo.

hindi naman ganito apekto ko sakan'ya nakaraan. GALIT NA 'KO SAKAN'YA DAHIL SA PAG TALISOD N'YA SA 'KIN KANINA!

hindi ko nalang sila pinansin at nag simula nang mag lakad. nang malagpasan ko na sila may sumigaw ng pangalan ko dahilan para lingunin ko 'yun.

"pupunta ka na ng room?" tanong sa 'kin ni Fred.

"oo..." bored kong sagot sakan'ya.

"good," mabilis na sabi ni Mhiro at kinuha ang makakapal na bond paper na nakapatong sa upuan.

lumapit s'ya sa akin at agad naman n'ya 'yun ibinigay sa 'kin.

ANG BIGAT!

"dalhin mo 'yan kay Gabby. make sure na walang mawawala jan kahit isang pirasong papel. do you understand?"

tinignan ko s'ya ng masama bago mag salita. "kung ikaw nalang kaya mag abot nito kay Gabby! uutusan mo pa 'ko!" inis na sigaw ko sakan'ya.

pinag taasan n'ya ako ng kilay at dahan-dahang lumapit sa 'kin dahilan para mapaatras ako ng lakad. "don't you dare command me you little piece of shit."

Hate to Love you  [ Part 1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon