Clinic
yen yen's pov
"nanjan na si ma'am sungit!" sigaw ni Argie na kakapasok palang sa room, dali-dali silang bumalik sa pwesto nila.
ano nangyayari?
"good morning class." bati ni ma'am sa amin na kasabay pala ni Gabby na pumasok sa room.
"good moring Mrs. Araja." walang buhay na bati sakan'ya ng mga kaklase ko.
"take your seats"
eto yung nagalit sa 'kin nakaraan na balak pa akong palabasin sa room.
hindi rin nag tagal ay nag simula na s'yang mag sulat sa board. math pala ang subject ni Mrs. Araja, habang tinitignan ang mga sinusulat n'ya sa board.
Exponents and Factoring.
pangalan pa lang ang sakit na sa ulo. anong alam ko rito? hanggang ngayon nga hindi ko pa rin alam kung paano isolve 'yung quadratic equations ta's eto naman sa mga exponents at factoring.
ipinaliwanag ni ma'am kung ano ba ang exponents and factoring kahit wala naman akong naintindihan kahit isa sa mga sinabi n'ya.
nag sulat s'ya sa board ng mga isosolve raw namin sa notebook, mukhang activity.
"bago n'yo 'to sagutan may maikli muna tayong recitation."
please tawagin n'yo na 'ko sa lahat ng recitation 'wag lang tungkol sa math!
pinapamemorize n'ya 'yung mga nakasulat sa board which is lalo kong kinahilo.
bobo na nga sa pag-solve bobo pa sa pag-memorize, opx em na 'yan!
nang matapos ang 10mins sa pag-mememorize namin. "ready?" tanong ni Mrs. Araja sa amin bago ayusin ang salamin n'ya.
"yes po..." bored naming sagot laht.
tumayo si ma'am at binura ang nakasulat sa bored. "if i call your lastname please standup at irecite ang question na sasabihin ko." sabi n'ya habang binubuklat ang class record n'ya.
para bang gusto ko nalang tumalon sa building na 'to dahil sa kaba.
"Ms. Rivera," sabi ni ma'am at tumayo naman sa pag-kakaupo si Briyanna. "what happens to exponents when factoring?"
"look for the variable or exponent that is common to each term of the expression and pull out that variable or exponent raised to the lowest power." mabilis n'yang sagot.
hindi ko kinaya katalinuhan mo Briyanna!
"next.." eto nanaman si ma'am hilig ako pakabahin. "Mr. Tzumo" sabi ni ma'am na nag paluwag naman sa pag-hinga ko.
"why are exponents important in algebra?" tanong ni ma'am kay Mhiro.
"they allow us to abbreviate something that would otherwise be really tedious to write."
puta ang talino!
napanganga nalang ako sa mga sinasagot nila. paano nila nasasagot ang mga yun? oh baka madali lang sakanila ang pag-mememorize.
"next..."
ma'am please! kapag ako talaga tinawag mo hinding-hindi kita mapapatawa—
"Ms. Hermandez"
sinasabi ko na nga ba.
dabog akong tumayo at rinig ko ang mga mahihinang tawa ng mga kaklase kong nasa likod.
BINABASA MO ANG
Hate to Love you [ Part 1 ]
Romansa[ UNDER EDITING ] Naging masaya si Jackie sa kanyang bagong paaralan at nag karoon ng tunay na kaibigan. Ngunit hindi niya alam na sa pag tungtong niya sa paaralan na ito malaking problema ang makakaharap niya. Sa pag daan ng araw, Unti-unti rin si...