Chapter 27

50 7 0
                                    

Jokes

yen yen's pov

"good evening po ma'am..." bati sa akin ni Ate Jess nang makapasok ako sa loob ng bahay.

binati ko rin s'ya at agad na tumaas sa kwarto ko. habang nag lalakad may bigla nalang humarang sa akin dahilan para mapahinto ako sa paglalakad.

"where have you been?" seryosong tanong sa 'kin ni Kuya.

parang tumambling yung puso ko dahil sa kaba.

"s-sa kaibigan ko g-gumawa ng project..." naiilang sagot ko sakan'ya.

"and who's that friend?"

puta pa ano ko ba maiiwasan 'to. hindi ko naman p'wedeng sabihin sakan'ya na kila Keiler ako nanggaling dahil ayaw nga nila na napapalapit ako sa mga kaklase kong lalaki.

"Kuya! tignan mo si Kylde lumilipad!" palusot ko sakan'ya.

eto naman si uto-uto lumingon din.

nag karon ako ng pag-kakataon na tumakbo papuntang kwarto ko. narinig ko pa si Kuya na tinawag pangalan ko pero 'di ko na pinansin 'yun. agad-agad naman ako pumasok sa kwarto ko at nilock ang pinto.

"kamusta project n'yo ni baliw?" tanong sa 'kin ni Lalu habang nilalantakan ang ice cream na binili ko sakan'ya kanina.

"patapos na, yung script nalang namin sa reporting yung kulang" sagot ko sakan'ya at pumunta sa cabinet ko para kumuha ng damit.

"anong grade na pala ni Praew?" tanong sa 'kin ng bata dahilan para lingunin ko s'ya.

"bakit mo naman na tanong?"

"ano nga grade n'ya?"

"9"

"ano name sa facebook?"

binato ko sakan'ya ang damit ko pero nakailag naman s'ya. "hoy ikaw'ng bata ka! 'wag mong popormahan si Praew!"

"hindi ko gawain 'yun! ichachat ko lang naman!"

"oh ano naman sasabihin mo?" sabi ko habang pinandidilatan s'ya ng mata.

"makikipag close..." mabagal na sabi n'ya at binato sa akin ang damit ko.

inirapan ko nalang s'ya at pumunta na ng banyo. nang matapos na ako mag ritwal sa banyo dumaretso agad ako sa study table ko para gawin yung assignment sa mapeh. research din naman 'yun buti nalang nasa mood akong gumawa ng assignment.

nakatulog na ang bata sa kama ko. pag katapos kong gumawa ng assignment humiga na rin ako at nag isip-isip.

ang ganda ng kapatid ni Keiler! parang Keiler the second pero girl version. pero ang mas iniisip ko yung huli n'yang sinabi kanina nung nasa bahay pa 'ko ni gago

"pinag palit mo na ba si Ate Fair?"

sino si Fair? napag kamalan n'ya kasi na girlfriend ako ng kuya n'ya. pero sino yung Fair? hindi dapat ako nakikisali sa usapan na 'yan dahil hindi ko naman buhay yon. pero kating kati ako malaman kung sino yung Fair.

hindi ako makatulog sinubukan kong mag iba-iba ng pwesto pero walang effect. nakatulog kasi ako kanina sa bahay nila Keiler baka dahil dun hindi na ako makatulog.

kinuha ko ang cellphone ko sa maliit na lamesa sa gilid ng kama ko. wala man lang nag chat sa akin. pero ang online lang sa messenger ko si Keiler lang.

ako ang nag add sakan'ya kanina lang dahil nga itetext n'ya raw address nila. tinignan ko ang profile n'ya sa Facebook maistalk nga.

hindi s'ya nakangiti at naka side view. mukhang nasa coffee shop s'ya dito.

wala s'yang masyadong post. tinignan ko nalang ang photos n'ya at bungad sa akin ang family picture nila. sila-sila lang ding tatlo. pero asaan yung tatay n'ya?

wala rin ako nakitang picture ng tatay nila kanina. kahit sa mga picture frames sa bahay nila, wala.

inilipat ko ang picture at bungad naman sa akin ang picture nilang mag kapatid. nakangiti si Riley habang si Keiler naman ay naka poker face.

hindi ba 'to marunong ngumiti? pero ang hilig n'ya naman ngumisi sa 'kin na nakakainis kapag inaasar ako.

nag swipe uli ako ng picture at may iba s'yang kasama rito. isang babae na sobrang tamis ang ngiti ang ganda rin n'ya at mala dyosa ang mukha. nakahawak ang isang kamay n'ya pisngi ni Keiler.

tinignan ko ang comments.

meron nag sabi na "stay strong" meron naman "you look good together" at meron naman... "sweet! bagay talaga kayo ni Fair!"

s'ya ba yung Fair? eto ba yung ex ni Keiler?

nag swipe uli ako ng picture. ito naman mag kasama uli sila pero nakaupo sa bench. nakapikit yung Fair habang nakasandal sa Balikat ni Keiler. mukhang natutulog s'ya rito. si Keiler naman ay nag cecellphone habang nakapoker face.

mukhang hindi nila alam na piniksuran sila rito.

hindi ko alam kung bakit ko iniistalk 'tong gago na 'to. wala naman talaga akong pakeelam sa buhay n'ya.

nag swipe uli ako at eto naman wala na s'yang kasama. naka solo picture na si gago.

selfie naman n'ya 'to. naka hoodie s'ya ng black at nakapoker face nanaman. pero in fairness ang gwapo n'ya din dito.

oo, inaamin ko na hinahangaan ko s'ya dahil sa napaka gwapo n'yang pagmumukha. pag kakaalam ko nag umpisa 'to nung pinuri ko s'ya sa isip ko yung unang kita namin sa 7/11.

pero hindi ko gusto ugali n'ya. kung pogi naman sa labas. sa panloob naman hindi, nakakabwiset. ikaw ba naman tarayan lagi kahit walang ginagawa sino ba naman hindi maiinis dun?

ganun n'ya na ba ako kinasusuklaman?

bigla nalang nag labas ng notification sa messenger. bungad sa akin ang message ni gago.

Keiler: 👍

ha? ano 'yan?

Keiler: wrong send.

ay wrong send naman na pala. nag expect pa 'ko na gusto n'ya akong kausapin.

Keiler: the hell why are you still awake?

pakeelam n'ya ba kung gising pa ako?

Jackie: indi ako makatulog. hindi pa ako inaantok.

Keiler: well, it's your fault.

eto nanaman po s'ya sa fault fault n'ya.

amboring, mag joke kaya ako rito para makatulog ako sa kakornihan ko.

Jackie: may joke ako hehe knock knock!

Keiler: what?

Jackie: sabihin mo who's there!!

Keiler: who's there.

Jackie: tae ka ba?

Keiler: no

Jackie: SABIHIN MO BAKET!

Keiler: why

Jackie: kasi taenamoka

Keiler: corny.

luh angas-angas ng joke ko eh!

Jackie: sige ikaw nga mag joke ka sa akin yabang mo ah!

Keiler: fine, i bet i can get you to say red.

Jackie: oh?

Keiler: what color is the sky?

Jackie: edi blue bobo ka ba?

Keiler: i told you i could get you to say blue.

bobo ba talaga 'to? sabi n'ya red ngayon naman blue ang korni mag joke.

Jackie: sabi mo red

Keiler: BANG!

ay anak ka ng puta ka..

Hate to Love you  [ Part 1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon