Chapter 45

28 6 0
                                    

Hospital

yen-yen's pov

"tangina naman oh! pakawalan n'yo na nga ako!"

"lady, shut up!" naiiritang sagot ni Leo dahilan para magulat ako.

kelan ba nila ako pakakawalan ha? muntik ko na nga masuka ang mga kinain ko nung umagahan dahil sa sapak ng walang hiyang mokong na 'yon. buti nalang ay sanay na ang katawan ko sa mga bakbakan.

"parang awa n'yo na pakawalan n'yo na ako!" kanina ko pa sila kinukulit na pakawalan ako at kulang nalang mamaos na ako rito kakasigaw.

"Leo! where the hell are you?!" kahit nasa taas kami ay rinig ko ang boses na iyon. kung hindi ako nag kakamali ay boses iyon ni Keiler.

"Keiler..." bulong ko sa sarili ko.

oo nga pala nandito sila! nawala sa isip ko na kaya pala ako nandito dahil sakanila rin! kung hindi lang talaga ako sumunod sakanila hindi sana ito mangyayari sa akin. edi sana mahimbing akong natutulog sa kwarto ko ngayon.

"show yourself asshole!" sigaw ni Mhiro.

mahinang tumawa si Leo at tumayo sa sofa. "sabihin ninyo kila Flick sigurin na sila Connor." naka ngising utos ni Leo sa mga tauhan nya at agad naman nila ito sinunod.

lumipat ang tingin nya sa akin at nag lakad papunta sa akin. hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan dahil parang may masama syang gagawin sa akin. "huwag kang mag alala. wala akong gagawin sayo,"

mahina siyang napatawa at inalis ang pag kakatali bandang hita ko para makatayo ako. hindi nya nga lang inalis ang tali sa kamay ko para wala akong takas sakanya.

"ano ba ang kailangan mo sa akin ha?! pakawalan mo na nga ako!" galit kong sabi sakanya at pilit kumawala sa hawak nya.

"ano ba! hindi ka ba titigil? konti nalang ang pasensya ko sayong babae ka baka hindi ako makatimpi!" naiinis na sabi nya sa akin at mahigpit na hinawakan ang braso ko.

nasasaktan ako ah!

ayoko ng pumalag sakanya dahil alam kong pikon na pikon na sya saakin. baka kung ano pa mangyaring masama saakin pag kumulit pa ako.

lumabas kami sa kwarto at hinatak nya ako pa baba. muntik pa ako matisod dahil hindi ko naman masyado nakikita ang dinaraanan ko. walang ilaw at tanging liwanag lang sa labas ang nag sisilbing liwanag sa hagdanan na ito.

may naririnig akong sapakan sa hindi kalayuan. panigurado akong sinugod na sila Keiler.

habang nag lalakad kami ni Leo ay naramdaman kong lumuluwag ang tali sa kamay ko. agad kong inalis ang tali na iyon sa kamay ko at malakas na sinuntok si Leo sa mukha. dahilan para mahilo sya sa ginawa ko sakanya.

"argh!" inda nya.

tumakbo ako papalayo sakanya at hinanap ang labasan sa punyetang Abandonang Factory na 'to.

"hanapin n'yo si Gavin sa taas!" rinig kong sigaw ni Mhiro.

sinundan ko ang naririnig kong sapakan. hindi nga ako nag kakamali dahil malapit lang sila sa akin. ang sumugod ay sila Keiler, Mhiro, Lanz, at Reyven. at walo ang kalaban nila.

asaan ang iba?

"Ayen?" tanong ng nasa likuran ko dahilan para lingunin ko s'ya. "anong ginagawa mo rito?! delikado rito!" nag aalalang sabi ni Aidan.

"ano ba ang nangyayari Aidan?! na kidnap pa ako nila Leo—" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang bigla nyang putulin ang iyon.

"ano?! kinidnap ka nila Leo?!" hindi sya makapaniwala sa sinabi ko. "nasaan sya?!"

Hate to Love you  [ Part 1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon