Chapter 43

28 6 0
                                    

Necklace

yen yen's

*/ fashback /*

"pandesal po! habang mainit init pa!"

kanina pa ako nag lalako rito ng pandesal ni Lola. mukhang lima pa lang ata ang bumibili sa akin. napapagod na ako mag pedal ah!

"Ayen!"

nagulat nalang ako nang biglang sumulpot sa harap ko si Lalu.

"oh anyare sa 'yo?" nag tatakang tanong ko sakan'ya.

mukha na s'yang basang sisiw dahil sa pawis n'ya. at mukhang kanina pang tumatakbo.

"samahan mo 'ko bilis!" sabi n'ya at hinatak ako papalayo.

"h-hoy! saan tayo pupunta!? yung bisikleta ko"

"samahan mo lang ako!" pag pipilit n'ya sa akin.

"teka nga! hindi ko pa nauubos paninda ko! at syaka importante ba ‘yan?" tanong ko sakan'ya habang hinihila n'ya na 'ko papalayo. naiwan pa nga ang bike ko sa tabi.

"mas importante pa sa buhay mo"

"pagagalitan ako ni Lola ‘pag hindi ko naubos paninda n'ya ngayon ano ba!" naiinis na sigaw ko sakan'ya.

hindi ako makawala sa hawak n'ya dahil ang higpit! parang mababali na ang kamay ko. kaya wala na akong nagawa para sumunod nalang sakan'ya.

"siguraduhin mong mas importante pa ‘tong binabalak mo kesa sa buhay ko ah" pinandilatan ko ng mata si Lalu.

huminto kami sa tapat ng clubhouse. ang may ari nito ay ang magulang ni Marcus. minsan nalang nila ito bigyan nang pansin dahil sa sobrang busy ng mga magulang ni Marcus sa business nila sa manila. kaya nga kada summer na nga lang namin nakikita si Marcus. dahil kada summer din s'ya pumupunta rito para lang sa amin ni Lalu.

naging matalik na mag kakaibigan kami simula nung araw na binully sila nila higante. parang ang bilis ng araw. dati sobrang bata pa kami ngayon tumatanda na kami.

except kay Lalu.

"tara, pasok dali!"

pilit akong tinutulak ni Lalu sa likod para makapasok sa clubhouse.

"a-aray! nasasaktan ako!"

napansin ko nalang ang pagbukas ng pintuan ng clubhouse. bungad sa akin ang mga magagandang ilaw at mga bulaklak na nakapaligid. may isang table sa gitna na may lamang mamahalin na pagkain. may musicians din sa maliit na stage na may hawak na instruments. mabagal ang pagkakatugtog nila gamit ang violin. ang isa naman ay nag papatugtog ng piano.

kumunot ang noo ko dahil dito. tama ba ‘yung pinuntahan namin ni Lalu?

"a-ano ‘to Lalu?" nag tataka kong tanong sakan'ya bago s'ya lingunin sa likod.

"Ayen,"

tila bang nanlamig ang katawan ko dahil sa narinig ko. nanginginig ang kamay kong dahan-dahan nilingon kung sino ang nag sabi non.

Marcus.

nandito s'ya!

"M-marcus?"

ngiti s'yang nakatitig sa akin bago ako lapitan may dala s'yang bouquet ng rosas. napaka ganda!

"for you," maikling sabi n'ya bago iabot sa akin ang bouquet.

"p-para saan ‘to?" kinuha ko naman ang bouquet bago tignan s'ya sa mata.

Hate to Love you  [ Part 1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon