Chapter 46

21 5 0
                                    

KeiYen

"Ayen, bakit ngayon ka lang?" tanong ni Mama nang makauwi ako sa bahay.

"M-may binili lang po Ma" palusot ko. nag mano ako sakanya at ganun din ang ginawa ko kay Tita Gina na katabi n'ya sa sofa. nag uusap sila.

agad naman ako umakyat, hindi ko inaakala na nandito pala ang pinsan kong kupal.

"hoy panget," rinig kong sabi n'ya nang makatapat ko s'ya. palabas kasi sya ng kwarto nya.

"kelangan mong kupal ka?" barumbadong sabi ko, nag pamewang ako at tinaasan sya ng kilay.

nag salubong ang mata n'yang timitig sa braso ko. lumapit sya sa akin at hinawakan iyon na pinag taka ko.

"ano nangyari jan?" kuryosong tanong n'ya.

lumipat naman ang tingin ko sa braso ko. shit, may sugat! hindi ko napansin kung napano ito kanina.

tinakpan ko ang sugat ko gamit ang palad at inalis ang kamay ni Kylde sa pag kakahawak sa akin. "w-wala 'yan! nabangga lang ako sa matulim banda sa pintuan ng room namin" pag dadahilan ko.

tumaas ang isang kilay n'ya. "hoy babae, "dinuro n'ya ang mukha ko. "hindi mo ako madadaan sa ganyan mo, alam ko kung nag sisinungaling ka o hindi"

lalo akong kinabahan sa sinabi n'ya. hindi talaga kaya dumaan mga palusot ko kay Kylde.

"t-totoo nga!"

"oh? bakit nauutal ka?"

hindi ko na alam ang sasabihin ko!
tinulak ko nalang patagilid para makadaan ako. hindi naman gaano kalakas yun. pag kapasok ko sa kwarto ko ay agad ko naman nilock ang pintuan, kinakabahan sa nangyari. muntik pa ako mabuking ng kupal na 'yon! paano nalang kung nag sabi ako ng totoo? edi magagalit 'yun dahil nakikielam ako sa away nila Keiler kahit hindi naman dapat. at panigurado ako ay isusumbong n'ya ito kay Kuya Vince.

napansin ko wala si Lalu sa kwarto. siguro ay sinama nanaman yun ni Ate Ali sa mall. lagi kasi silang mag kasama e daig pa mag kapatid.

nag vibrate ang phone sa bulsa ng palda ko at agad ko naman iyon kinuha.

Lucas
[ hey Jackie, are you free tomorrow? ]

napakagad ko ang ibabang labi ko. oo nga pala inaaya nya ako lumabas. hindi ko sya matanggihan dahil gusto ko rin sya makasama.

crush ko si Lucas e!

oo hanggang crush lang! dahil hindi pa ako ready mag boyfriend uli.

Jackie
[ sure! what time ba? ]

agad nya naman sinabi ang oras para sa lakad namin bukas. hindi ba medyo awkward? kasi ako 'yung napili nya sa lahat ng babaeng nag kakagusto sakanya? nakaraan lang ay ang dami nyang fans na naka aligid sakanya. pero, bahala na! gusto ko rin naman sya makasama at makilala pa.

mag gagabi na at eto ako ngayon. iniisip ang mga nangyari kanina. kamusta na kaya sila Archade sa ospital? sana okay lang sila at maka recover agad sila nang mabilis. sobrang lala ang nangyari kanina. sino ba talaga si Leo? ano naman ang atraso ni Gavin sakanya. ganon na ba kalala 'yon para kidnapin s'ya at bugbugin? hindi ko alam ang dahilan pero dapat ay hindi ako nakikialam dito. pero kating kati akong malaman dahil nadamay na ako sa away nila. kinidnap ako ng mga tauhan ni Leo. baka balikan nila ako.

andaming nangyari simula nung pumunta ako rito sa maynila. andami ng problemang kinakaharap ko. napapaisip ako, deserve ko ba 'to? deserve ko ba 'to para matuto ako sa buhay? karma ba 'to sa 'kin dahil sa tigas ng ulo ko nung nasa probinsya pa ako? karma ba 'to dahil pala away ako dati?

Hate to Love you  [ Part 1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon