Chapter 29

43 8 0
                                    

Mhiro vs Lucas

yen yen's pov

dali-dali akong tumakbo papuntang classroom namin. buti nalang na break time na hindi napansin ng guard na hindi ako pumasok kanina.

nang mabuksan ko na ang pintuan ng room namin. unang nakita ko na umiiyak ang bata sa upuan n'ya habang tinatapik naman ni Amy ang likod n'ya.

wala na yung mga lalaking kaklase namin nasa cafeteria na siguro.

"YEN! SAAN KA NG GALING BAKIT NGAYON KA LANG!" sigaw ni Lalu habang umiiyak.

tumakbo s'ya papalapit sa akin at niyakap ako.

oa naman ng bata na 'to kala n'ya naman 1 year kaming hindi nag kita.

"Yen... sabi daw ni Lalu sabay daw kayong pumasok kanina? bakit ngayon ka lang?" nag aalalang tanong sa 'kin ni Amy.

"oo nga, nag alala kami sa 'yo... grabe iyak ni Lalu akala n'ya na nawawala kana" sabi ni Briyanna na nasa gilid ko pala.

saktong break time na kasi. ngayon lang ako nakapunta rito dahil hinatid ako ng mga kidnapers ko kanina.

oh 'di ba! hinatid ng mga kidnapers sa'n ka pa?

inutos kasi ni Alaska boy sa mga nangkidnap sa 'kin kanina na ihatid na ako rito sa school. mukhang wala naman silang mapapala sa 'kin kaya hinatid nalang ako rito.

"m-may emergency kasi..." pag dadahilan ko.

humiwalay ng yakap si Lalu sa 'kin at daretso akong tinignan. "tinext ko si Kuya Vince na nawawala ka"

PUTANG—!

"ANO!?"

"nag alala kasi ak—"

"ANONG SABI NI KUYA!?"

nagulat pa sila sa pag kakasigaw ko. hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Kuya. ayoko naman na sabihin sakan'ya na kinidnap ako dahil sigurado akong mag aalala sila at ipapahanap ang kumidnap sa 'kin. baka 'yun pa ang dahilan para bumalik nanaman ako sa probinsya.

"h-hindi pa s'ya nag s-seen..." nauutal na sagot sa 'kin ni Lalu.

"akin na cellphone mo" inis na utos ko sakan'ya na ginawa n'ya naman agad.

bunuksan ko ang convo nila Lalu at Kuya buti nalang hindi n'ya pa na seseen. dali-dali kong inunsent ang message ni Lalu sakan'ya bago n'ya pa makita.

lumuwag ang pag-higa ko at nasandal sa pader.

"ano bang emergency 'yun?" tanong ni Gabby sa 'kin.

ano ba ang isasagot ko sakan'ya? ayoko naman mabuking ako! wala rin akong maisip na idadahilan sakanila.

author help mo naman me!

[ author: bahala ka jan. ]

wow laki ng naitulong mo!

"ah... y-yung kaibigan ko na... kapit bahay... namin..." hindi ko pa natutuloy ang sasabihin ko nang may biglang nag salita sa likod ko.

"where have you been?" tanong ng nasa likod ko dahilan para lingunin ko s'ya.

Keiler.

"pake mo." bored na sagot ko sakan'ya at nilagpasan s'ya.

alam kong nakasunod sila Lalu sa 'kin kahit hindi ko sila lingunin. pumantay sila sa lakad ko, habang nag lalakad kami papuntang cafeteria bigla nalang nag sigawan ang mga babae na nasa hallway. hindi ko alam ang nangyayari, tinignan ko pa sila Amy na makahuligan na tingin kung ano ba nangyayari.

Hate to Love you  [ Part 1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon