Chapter 21

49 6 1
                                    

Manghuhula

yen yen's pov

"mag kano po yung gamot na pain reliever?"

"6 pesos po each pills." sabi sa akin ng tindera at ngumiti.

binigay ko sakan'ya ang 1k ni Kylde. nandito ako ngayon sa Watsons kakatapos lang namin bumili ng mga damit. konti lang ang mga pinamili ko na damit kanina, paano ba naman ineexpect ko na kapag sa iba kaming store bibili masyadong mura na.

hindi pala.

kinuha ko ang pills na binigay sa akin. inilibot ko muna ang Watsons dahil bibili rin ako ng napkins dahil ramdam ko nang mag kakaron na 'ko sa buwan na 'to.

habang nag hahanap ng napkins. "Yen," sabi ng nasa likod ko dahilan para lingunin ko s'ya.

"Lanz... a-anong ginagawa mo rito?" tanong ko sakan'ya.

"bibili lang ng gamot" sabi n'ya sa 'kin at pinakita ang hawak n'yang gamot.

"mag kakasama ba kayo ni Keiler?" tanong ko sakan'ya at tinignan ang nasa likod nag babakasalaking makita si Keiler.

"no, bakit nandito ba s'ya?"

ay hindi pala.

"o-oo nag kita rin kami kanina."

"hm baka may bibilin lang 'yun... kita nalang tayo bukas bye..." sabi n'ya sa 'kin at nag lakad paalis.

bilis naman? kala ko mag chichikahan pa tayo rito sa Watsons.

tinuloy ko ang balak ko na mamili ng napkins. kumuha ako ng isang pack at dumaretso sa counter, 'di rin nag tagal ay natapos na rin. agad naman akong pumunta sa bandang park daw dito sa mall na 'to.

hindi naman s'ya literal na park sa loob ng mall, nag mumukha lang dahil sa mga fake grass nito na naka display sa sahig at mga pekeng bulaklak na rin.

hindi naman kalayuan yun dahil nadaanan na rin namin 'yun ni Lalu kanina nung kumain kami sa restaurant.

nang makapunta na ako ron bungad sa akin ang mga na bobored mukha nila. "tara na, ang tagal mo" naiinip na sabi ni Kuya at tumayo sa kinakaupuan n'ya.

"ano ba binili mo dun, ang tagal mo naman" naiinip din na sabi ni Lalu.

ang o-oa! mga 10mins lang naman akong nawala!

"let's go, may pupuntahan pa 'ko mamaya" sabi ni kuya at simulang lumakad.

dumaretso na kami sa parking at sumakay sa kotse.

5:34pm na mamayang 6 kasi si Kuya umaalis, ewan ko jan kung saan pumupunta. nitrabaho nga n'ya 'di ko alam.

hindi rin nag tagal ay nakapunta na kami sa bahay. dali-dali kaming pumunta ni Lalu sa kwarto ko dala ang mga pinamili naming damit na nag hahalagang 500 at ang iba ay 1k.

kinuha ko ang pills na pinapabili ni Kylde sa paper bag. lumabas ako ng kwarto at pinuntahan ang kwarto n'ya.

kumatok muna ako ron. "nandito na yung gamot!" sigaw ko sakan'ya.

agad naman n'yang binuksan ang pintuan para harapin ako. "ang ingay mo!" inis na sabi n'ya pero pabulong.

hinablot n'ya sa akin ang hawak kong gamot at padabog na sinarhan ako ng pinto.

aba matinde!

umirap ako sa hangin at umalis. nakakabwiset wala man lang thankyou ang matanggap ko galing sakan'ya sarap pektusan.

Hate to Love you  [ Part 1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon