Chapter 6

91 22 1
                                    

Moby

yen yen's pov

buti nalang wala kaming pasok ngayon, ewan ko rin kung bakit 'di naman ako nakikinig sa mga sinasabi ng mga guro dun.

miss ko na pagkain sa canteen haha.

parang nanghihina ako kapag nakakatungtong sa paaralan na yun. paano ba naman lagi kong naaalala mga kahihiyan ko na nangyari sa akin nung first day of class.

deputa!

kanina pa ako nag hihintay at nakatayo sa tapat ng Watsons. kasalukuyang nasa mall kami, nag papasama si Kylde— hindi pala nag papasama. si mama ang nag sabi sa akin na sumama raw ako rito sa baliw kong pinsan para daw ma-gala ko ang buong maynila..

ang oa n'ya sa buong maynila.

nandito kami sa mall para daw mamili ng gamit n'ya sa kwarto n'ya. super bored na bored na 'ko rito at nangagalay na ang paa ko sa kakatayo.

ok lang sana kung may upuan dito kaso wala.

habang nag hihintay sa baliw kong pinsan may naramdaman akong may kumakalabit sa akin, tumalikod ako para harapin yun pero wala namang tao sa likod ko.

PATI BA NAMAN SA MALL MAY MULTO DIN!?

grabe yung puso ko!!!! mamamatay na ata ako sa bilis ng pag-tibok nito.

nang umayos ako ng tingin. PUTANGINA!

MAS LALO ATA AKONG MAMAMATAY SA GULAT NETO!!!

"PUTANG—"

"ok ka lang?" sabi ni Aidan sa harap ko.

puta s'ya pala ang nag kalabit sa akin. ang bilis n'ya kumilos nang hindi ko nahahalata na nasa harap ko na pala s'ya.

angas din neto papatayin n'ya ata ako sa gulat.

"papatayin mo ba ako sa gulat hayop ka!?" sabi ko sakanya na ikinatawa naman n'ya.

"anong ginagawa mo rito? mag-isa ka lang?" tanong n'ya sa akin.

"hindi, kasama ko si Ky—" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang may biglang sumingit sa usapan namin.

"Aidan." sabi ni Kylde na nasa likod ko pala.

"kanina ka pa ba jan?" tanong ko sakanya pero hindi n'ya ako pinansin.

"Kylde, long time no see..." sabi ni Aidan habang nakapamulsa.

"Yen, let's go." malamig na sabi ni Kylde at hinatak ako papaalis sa pwesto namin.

"kinakamusta kita. why are you ignoring me? don't you miss your EX best friend?" sabi ni Aidan na diniinan ang "EX" habang nakasmirk na nakatingin kay Kylde.

hindi ko alam ang nangyayari pero pakiramdam ko hindi maganda kung mag uusap sila nang matagal dito. alam kong may galit si Kylde sa mga kaibigan n'ya dati.

na kaklase ko pala ngayon.

alam kong galit si Kylde sakanila dahil na rin pinapaiwas nila ako sa mga kaklase ko ngayon. ang hindi ko lang alam ay kung bakit, bakit kailangan ko silang iwasan.

bago pa lumala ang away nila at umabot sa saksakan ang gawin nila.

"a-aalis na kami Aidan... kita nalang tayo bukas" sabi ko at hinila si Kylde palayo kay Aidan.

habang hinihila ko si Kylde palayo bigla n'ya na lang ako pinitik sa teinga.

"ARAY! ANO BA!" na sana pala hindi ko nalang sinabi. puta nag echo pa ata ang sigaw ko sa buong mall.

Hate to Love you  [ Part 1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon