Amy and Jared
yen yen's pov
"kain na tayo" aya sa amin ni Amy.
"kelan mo ba babayaran 'yang utang mo hayop ka!" sigaw ni Gabby kay.. alam n'yo naman kung kanino 'di ba?
"babayaran ko nga sa katapusan!" inis na sabi ni Rule kay Gabby habang kumakain ng burger.
"babayaran mo 'yun o laman loob mo ang ibebenta ko!?"
"hindi ko na mababayaran utang ko sa 'yo Gabby" tumayo s'ya at hinarap si Gabby. "pasensya na dami ko na problem" sabi n'ya at tumakbo paalis ng room habang ang iba naming kaklase ay mahinang tumatawa at sumunod nalang kay Batas.
alam naman naming lahat na iniiwasan n'ya si Gabby dahil sa utang n'yang 11k.
"bigo ang mukha." pang-aasar ni Briyanna kay Gabby na kinatawa nila.
tinarayan sila ni Gabby at umalis sa room. hindi na kami hinintay mukhang na badtrip.
pag katapos naming hintayin si Briyanna sa pag-susulat n'ya ng notes agad naman kaming lumabas ng room para mag lunch. hindi nag tagal ay nakarating na kami sa cafeteria, naupo kami sa napili naming pwesto. dahil nga sila Amy ang taga bili ko ng pagkain sakanila ko ipinabili ang pagkain na gusto ko. binigay ko na rin ang pera ko sakanila.
habang nag hihintay sa dalawa kong bff napansin ko sa isang table si Praew na mag isa lang na kumakain. pumunta ako ako dun at naupo sa harap n'ya.
"hello, kamusta kana?" tanong ko sakanya at nginitian s'ya
mukhang nabigla rin s'ya sa pag-dating ko. nag pilit s'ya ng ngiti at hinarap ako.
"o-ok lang naman po" sabi n'ya sa akin at sumubo ng pagkain n'ya.
"hindi ka mukhang ok..." sabi ko dahilan para tignan n'ya ulit ako. "inaway ka nanaman ba?" pag-aalalang tanong ko sakanya.
naalam ko ang sagot dahil sa pag-yuko ng ulo n'ya. lumipat ako ng pwesto para tabihan s'ya.
"sabi ko sa 'yo 'di ba hayaan mo nalang sila... 'wag mong pansinin ang mga attention seeker na kulang sa agura ng mga magulang nila." sabi ko dahilan para tignan n'ya 'ko na para bang na curious sa sinabi ko.
"a-agura? ano po iyon?"
ay ang inosente naman ng batang 'to.
mahinang tawa nalang ang nasagot ko sakanya. hinintay ko muna s'yang matapos kumain, balak ko sana s'yang ihatid kung saan s'ya pupunta para masigurado kong safe s'ya. sabi n'ya sa music club daw ang punta n'ya mukhang mag papractice sila para sa contest, na kwento n'ya pala sa akin na ipapanlaban s'ya at ang mga kagrupo n'ya sa ibang school.
proud na proud ako sakanya sana marinig ko rin s'ya kumanta.
"pupunta ako sa laban mo" sabi ko habang naka akbang sakanya.
mahina s'yang tumawa at inayos ang glasses n'ya. "thankyou po..."
hindi naman kalayuan ang music club nakarating agad kami roon. nag paalam s'ya sa akin, gaya din kanina hinintay ko muna s'yang pumasok bago ako umalis. safe naman s'ya dahil may teachers din sa loob ng club.
lakad takbo nanaman ang ginawa ko hindi rin nag tagal nakarating na ako sa upuan namin na nandun na pala sila Amy.
"saan ka galing? muntik na maagaw table natin buang ka" sabi ni Amy sa akin.
"may hinatid lang" sabi ko at agad-agad naman akong naupo sa tabi ni Briyanna.
natapos na kami sa pagkain namin agad naman kami nag lakad sa hallway pabalik sa room.
BINABASA MO ANG
Hate to Love you [ Part 1 ]
Romance[ UNDER EDITING ] Naging masaya si Jackie sa kanyang bagong paaralan at nag karoon ng tunay na kaibigan. Ngunit hindi niya alam na sa pag tungtong niya sa paaralan na ito malaking problema ang makakaharap niya. Sa pag daan ng araw, Unti-unti rin si...