Siraulong bata
yen yen's pov
miss ko pagkain sa canteen.
parang nanghihina ako kapag nakakatungtong sa paaralan na yun. paano ba naman lagi kong naaalala mga kahihiyan ko na nangyari sa akin nung first day of class.
hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa mukha ni keiler.
ang... pogi... n'ya..
ang ganda ng buhok n'ya. gusto kong pag laruan 'yun gamit ang mga palad ko.
ang mga mata n'ya. chinito, na mas lalo n'yang kinagwapo.
ang labi n'ya. ang attractive. parang gusto ko—
"stop that." sabi n'ya dahilan para mabalik ako sa reyalidad.
"a-ano?"
"stop starring at me! freak." sabi n'ya dahilan para mag salubong ang mga kilay ko.
ikaw na nga pinupuri sa isip ko ta's lalaitin mo lang ako.
"nugagawen" sagot ko sakanya bago isubo ang siopao ko.
dahil tapos na ako kumain tumayo ako at nag lakad paalis. kahit iika-ika titiisin ang sakit. ayokong mag paalam sakanya na aalis na ako.
bakit sino ba s'ya?
kinuha ko ang bike ni Kylde at inilagay 'yun sa daan. mag pepedal na sana ako nang may biglang humawak ng brake dahilan para muntik na akong masubsob.
"HOY— NO BA!"
"alis."
"ano nanamang trip mo?"
hindi s'ya sumagot at tinignan ako ng masama. sinunod ko naman ang utos n'ya kahit puno ng pag-tataka.
umalis ako sa bike at ibinigay yun sakanya. sinakyan n'ya yun at—
"sakay." mahinanong sabi n'ya.
"b-bakit?" tanong ko sakanya.
"i just noticed that hirap kang mag lakad kanina, sakay."
wow WOW WOWOWWOOWOWOW
sinapian ba s'ya ng anghel kaya ganito kilos n'ya? mapapasabi ka na lang talaga na hulog 'to ng langit.
sumakay ako sa harapan n'ya at naupo ron. walang angkasan sa likod ng bike katulad ng bike ko sa probinsya...
pangit 'tong bike ni Kylde.
habang nag mamaneho si Keiler pansin kong alam n'ya ang daan papunta sa amin.
"a-alam mo kung saan ako nakatira?
hindi s'ya nag salita at patuloy pa rin sa pag-mamaneho.
isa rin 'to bastos kausap.
malapit na kami sa bahay nang matanaw na namin ang bahay nila tita.
"hanggang dito lang ako. ikaw na mag mag maneho papunta sainyo." sabi n'ya sa akin at nag lakad paalis.
"anong sasakyan mo?" tanong ko sakanya na nag pahinto sakanya.
humarap s'ya sa akin at napahawak ng batok. "mag lalakad? nasa 7/11 kotse ko."
gusto ko s'yang batukan. medjo malayo ang 7/11 dito sa amin kaya ang layo rin ng lalakarin n'ya.
"eh baliw ka pala! bakit mo pa ako hinatid dito ang haba ng lalakarin mo."
"ikaw na nga ang hinatid sain'yo and yet you still call me crazy? how rude."
BINABASA MO ANG
Hate to Love you [ Part 1 ]
Romance[ UNDER EDITING ] Naging masaya si Jackie sa kanyang bagong paaralan at nag karoon ng tunay na kaibigan. Ngunit hindi niya alam na sa pag tungtong niya sa paaralan na ito malaking problema ang makakaharap niya. Sa pag daan ng araw, Unti-unti rin si...