Chapter 38

49 6 0
                                    

Third wheel

yen yen's pov

"tagal mo!" sigaw ni Lalu sa labas ng cr.

"teka lang ah! madaling madali?"

lumabas na 'ko sa cr. pag-katapos nito aalis na kami papuntang mall ililibre raw kami ni Praew. tumanggi nga ako na h'wag na pero ayaw n'ya talaga. ayoko naman na s'ya pilitin kaya pumayag nalang ako kahit labag sa loob ko.

nag suot lang ako ng black t-shirt at maong pants. pinusod ko na rin ang buhok ko dahil nakakairita ang init!

"naks ganda ng magiging third wheel namin ni Praew, ah!" sabi ni Lalu, at nagawa pang pumalakpak.

"matatadjakan kita! lumayas ka sa harapan ko." pag-babanta ko na ginawa n'ya naman agad, tumatawa pa rin.

kinuha ko na ang sling bag ko at nilagay dun ang kailangan ko mamaya. power bank at tali sa buhok lang naman laman no'n.

"palagay ako sa bag mo!" sigaw ni Lalu, binato n'ya sa akin ang panyo n'ya na nasalo ko naman.

bumaba na kami at pumunta sa sala para mag paalam kila Tita.

"ayos ah... saan punta n'yo?" tanong sa amin ni Ate Ali habang nag cocroquet sa sala.

"sm po ate!" sagot ni Lalu.

"makikipag date s'ya, ta's ginawa akong THIRD WHEEL!" pinandilatan ko si Lalu, habang s'ya tinawanan lang ang reaksiyon ko.

ayos 'di ba?

"oh... sino naman kadate mo?" takang tanong ni Tita kay Lalu.

"secret... baka sumbong n'yo po ako kay papa baka malintikan pa"

nag tawanan muna sila habang ako napasandal na sa pader sa tagal nilang nag tatawanan. pinapamadali pa ako ni Lalu na kumilos tapos s'ya pala ang mag papalate sa amin.

Praew: otw na us Ate, see you later!

us? may kasama pa pala s'ya? oh baka naman bodyguard n'ya?

"Lalu, nasa mall na sila." pag-sisinungaling ko para naman bilisan n'ya ang kilos n'ya. "Tita alis na po kami"

nag paalam muna kami kila Tita at sumakay na sa kotse. mga 20mins nakarating na kami sa mall dahil din sa traffic. buti nga malapit lang sa amin yung mall na sinabi ni Praew.

"kain na tayo..." sabi ni Lalu, himas himas ang tyan n'ya.

"ito nanaman tayo... kakarating mo pa lang dito pagkain na agad nasa isip mo?"

"kasalanan ko ba na nagugutom ako!?"

"Lalu!" sigaw nang nasa likuran namin.

lumingon kami sa likuran namin at laking gulat ko nalang na kasama ni Praew si... Arthit.

"hi Ate!" bati sa akin ni Praew.

"h-hello..."

"oh, bakit kasama mo kuya mo?" turo ni Lalu kay Arthit. "makikithird wheel din ba s'ya sa atin?"

pinag taasan lang s'ya ng kilay ni Arthit at napamulsa sa hoodie n'ya.

"s-sabi kasi ni Mae kasama raw dapat si Pi chai kung aalis daw ako ngayon..." paliwanag ni Praew.

"pe chay? huh? ano 'yun?" tanong ni Lalu.

mahinang napatawa si Praew. "Pi chai, kuya ibig sabihin nun sa Thai"

"ahh... may lahi kayong thai?"

"yes,"

"kaya pala ang ganda mo"

Hate to Love you  [ Part 1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon