Chapter 50

37 4 0
                                    

Thief

Yen-Yen's Pov

"Ayan! Yang batang yan ang kumuha ng wallet ko!" Nakaturo ang babae kay Lalu.

"Sabing hindi nga kinuha ni Lalu 'yang pera mong bente pesos ang laman! Ang kulit mo rin e 'no?" Inis na sigaw ni Fred.

Nasa canteen kami ngayon at lahat ng estudyante ay nakatingin sa amin. Si Lalu ay nasa likod ko. Takot na takot sa nangyayari. Tinatakpan ko sya para alam nyang may kakampi sya.

"Mag nanakaw 'yang batang 'yan!" Inis na sigaw ng lalaki na mukhang boyfriend nung babae.

"Hoy! Maka bintang ka dyan! Bakit? May proweba ka ba na si Lalu talaga ang kumuha ng pitaka mo?" Taas kilay kong sabi sakanya.

Kanina pa kasi gumagawa ng eskandalo e. Sabi nila Anthony ay hindi naman talaga kinuha ni Lalu. Nakita nalang nila na nasa bulsa na agad ni Lalu iyon.
Ang sabi nila kanina raw ay sinamahan ni Lalu sila Rule na bumili ng pagkain sa canteen. Dun nalang nalaman ni Lalu na may pitaka sa wallet nya.

"A-Ayen... hindi ko magagawa yun" umiiyak na si Lalu sa likod ko. "K-Kahit na mahirap lang kami, h-hindi ko magagawa 'yun Ayen"

"Ano ha? Nag papaawa ka? Para ano? Para palagpasin 'tong ginawa mo?" Pinakita sa amin ng babae ang pitaka nya.

Susugurin ko na sana sya nang pigilan ako ni Keiler dahilan para lingunin ko s'ya.

"How much money did you lose? I'll just pay for it. If you want, I can even double it to keep your mouth shut," sabi ni Keiler bago kunin ang wallet nya.

"Ano kami? Mukhang pera! Ang hinihingi namin yung perang ninakaw ng batang yan" galit na sabi ng lalaki kay Lalu at dinuro sya.

"Wala kang karapatan para duruin si Lalu! Bakit? May proweba ka bang ninakaw nga ni Lalu ang wallet mo?" takang tanong ko sakanya. Kanina pa ako nag titimpi rito. Kung hindi lang nila ako pinipigilan ay kanina ko na silang nasuntok.

"There's CCTV in the cafeteria. If you want proof, let's go check the CCTV footage in the guidance office," Singit ni Mhiro habang naka upo sa lamesa at nakapamulsa.

"A-Asaan? Wala akong nakikita?!" Nauutal na sabi ng lalaki. Mukhang kinakabahan sya.

"Find it, idiot." Maikling sabi ni Lanz bago umupo.

Lahat kami ay nag aalala kay Lalu. Bakit ba nangyayari 'to sakanya? Kilala ko si Lalu. Kahit gipit na sya sa buhay ay hindi nya magagawa iyon.

"A-Ayen..." patuloy pa rin sa pag iyak si Lalu.

Hinarap ko sya at hinawakan ang mag kabilang braso n'ya. "Lalu, huwag kang umiyak. Alam nating hindi mo ginawa yon. Hindi ba?"

Mabagal syang tumango bago punasan ang luha nya.

"What are we waiting for? Let's go to the guidance counselor to find out if Lalu stole your stupid wallet or not," bored na sabi ni Keiler at nag pa una nang umalis sa canteen. Sumunod lang sakanya si Mhiro at ang iba pa naming kaklase.

Nang makapunta kami sa guidance office ay pinakita sa amin ang CCTV footage kanina.

nakasama nga ni Lalu sila Rule na pumila. Maya-maya pa at tinitigan kong mabuti ang footage. Nakita ko ang isang babae na medyo kulot ang buhok at inilagay ang wallet sa bulsa ni Lalu.

"See? Lalu didn't really do anything!" Galit na sigaw ni Anthony at masamang tinignan ang mag jowa na nasa harapan namin.

Nakayuko lang silang dalawa at wala sakanila ang nanonood ng CCTV footage.

Hate to Love you  [ Part 1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon