Chapter 30

46 7 0
                                    

7/11

yen yen's pov

"Ma... ayoko nga kasi"

"mas bagay sa 'yo yung kulay na 'to"

"Ma... ayoko nga.m."

Mama kasi pinakulayan yung buhok ko ng color green kasi favorite color n'ya raw 'yun.

bakit hindi buhok n'ya ipang kulay n'ya ng berde?

"sige na... ganda-ganda ng light green oh" sabi ni Mama habang winawagayway ang pangkulay sa buhok.

"Ma... pinag bigyan na nga kita dati na kulayan buhok ko ng berde kahit ayaw ko naman"

"mas bagay nga sa 'yo 'tong light green" pag-mamatigas n'ya.

buti nga p'wede sa school namin yung may kulay ang buhok. ewan ko ba rito kay Mama nung nalaman n'ya 'yun panay pangungulit n'ya sa 'kin na ibahin ko na raw kulay ng buhok ko.

gusto ko nga ng black nalang.

"bakit light green" natatawang sabi ni Lalu na nakikinig pala sa amin ni Mama. "magiging kamukha mo si Billie Eilish"

"Billie Eilish?" koryusong tanong ko sakan'ya.

"yung i'm a blood guy... duh?"

"baka i'm a bad guy" pag tatama ni Ate Ali kay Lalu na kinatawa naman namin.

napanguso nalang si Lalu bago lantakan yung ice cream na hawak n'ya.

"ano ayaw mo ba?" tanong ni Mama sa 'kin.

"ayaw..." nakangusong sabi ko sakan'ya.

iniligpit n'ya na yung mga pang kulay sa buhok bago s'ya mag ayos ng gamit n'ya. nag salon-salon pa kasi sila nila Tita Gina syaka Mama rito sa sala. ewan ko ba rito sa dalawa mas nag mumukha pa silang mag kapatid kesa kila Tito Vic at Mama.

niyaya nalang ako ni Lalu mag chess sa kwarto ko.

tumango nalang ako sakan'ya at dali-dali kaming pumunta sa kwarto ko.

"saan ka nga pala nakabili ng chess?" tanong ko sa bata.

"binilhan ako ni Ate Ganda." sabi n'ya habang nilalabas ang chess sa paper bag.

"umalis kayo?"

"oo"

"saan naman? 'di kita napansin umalis"

"hindi mo talaga ako mapapansin kasi tulog ka kanina" sabi n'ya bago ako irapan.

habang tumatagal dito 'tong bata na 'to kumakapal ang mukha. natututo na s'yang bastusin ako mawawantaym talaga 'to sa 'kin.

inirapan ko nalang din s'ya at naupo sa kama. habang inaayos n'ya yung chess tinignan ko naman yung mga laman ng paper bag. maraming board games may uno cards, dos, dama, dominoes, snakes and ladders, scrabble at ticket to ride at iba pa.

"anong gagawin mo rito sa mga 'to?" naka ngiwi'ng tanong ko sakanya.

"edi lalaruin lahat." mabilis na sabi n'ya. "oh bilis!"

umupo na 'ko ng maayos bago kami mag laro. ilang oras na rin kami nag lalaro ng mga pinamili n'ya na boboryo na rin ako nakakaumay.

"wala bang pagkain jan?" tanong ko sa bata bago humiga sa kama.

"hindi ka naman nag pabili ng pagkain" sabi n'ya habang inaayos ang mga board games na nilaro namin.

bumangon ako sa pagkahiga at kinuha ang phone ko. tinignan ko muna ang oras.

Hate to Love you  [ Part 1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon