Chapter 41

39 6 0
                                    

Coffee Shop

yen yen's pov

"Ma, ano oras tayo uuwi?"

6:00pm na kasi at hindi pa rin natatapos ang event. masyado na akong nabobored dahil panay ang pakikipag usap ni Mama sa mga kaibigan n'ya.

"mamaya na tayo umuwi" bulong n'ya sa akin na may halong pag kakairita sa boses nito. halatang ayaw mag paistorbo.

napanguso nalang ako bago kunin ang sling bag ko at nag lakad papuntang fountain kung saan sariwa ang hangin. nakita ko si Anthony na nag hahagis ng maliliit na bato sa malaking fountain ng venue. ang misteryosong kaklase ko.

napapansin ko rin na iba s'ya sa mga kaklase namin dahil sa sobrang tahimik n'ya. may itsura rin si Anthony kahit masyadong bata ang mukha. para s'yang 15 yearsold, hindi ko pa masyadong kilala ang mga kaklase ko kahit matagal na kaming mag kakasama at nag kikita sa school.

hindi naman kasi ako friendly kahit sanay akong may bagong kaibigan na lalaki. nasanay na dahil puro tropa ko dati nung bata ako ay puro mga lalaki.

wala nga kasing mga batang babae sa probinsya namin, ako lang.

"Anthony," tawag ko rito habang papalakad palapit sakan'ya.

nilingon nya ako at nag tataka kung bakit ko s'ya tinawag. "m-may kailangan ka?"

umiling ako. "wala naman, mukha ka kasing lonely habang nag hahagis ng mga bato jan sa fountain" tinuro ko ang fountain gamit ang nguso ko.

"ah, medyo naiinip lang ako. ang tagal kasi ni Adam sa loob sabay kasi kami uuwi" pilit s'yang ngumiti sa akin bago bumalik sa ginagawa.

"nakita ko nga kausap nila Lanz." umupo ako sa bench tapat ng fountain. habang s'ya ay nakatayo panay ang hagis ng maliliit na bato.

"napapansin ko sa 'yo na ang tahimik mo lagi sa classroom... si silent boy ka ba?" taas kilay kong tanong sakan'ya.

nag salubong ang dalawa n'yang kilay bago ako lungunin. "silent boy?"

"oo, 'yung hindi nag sasalita. hindi ka sumasabay lagi sa ingay ng mga kaklase natin" natatawa kong sabi sakan'ya.

inayos n'ya ang glasses n'ya nang hindi inaalis ang tingin sa akin. "hindi naman kasi ako malapit sakanila. si Adam at Argie nga lang ang nakakausap ko" umupo s'ya sa tabi ko nang maubos na ang maliliit na bato sa palad n'ya.

mabagal akong tumango. "mukhang hindi ka friendly, 'no?"

"hindi naman sa hindi ako friendly. wala lang akong time para makipag interact sa mga taong nakapaligid sa akin. kusa lang sila lumalapit sa akin kaya nagiging kaibigan ko sila. katulad ni Lalu" mahina s'yang napatawa. "medyo nag kakasundo kami pagdating sa mga schoolworks at activities"

lagi silang may groupings dalawa kapag may mga activity kami. nag tatanungan silang dalawa tungkol sa lesson. parehas lang din ata sila ng age. mas matanggkad nga lang ng kaonti si Anthony.

"dumating na ang minamahal mong kaibigan!" sigaw ni Adam papalapit sa amin na may dalang souvenirs at plastic na may lamang pagkain.

"oh, akala ko ba bawal ang take out?" naningkit ang dalawa kong mata na tumingin sa plastic na hawak ni Adam.

"binayaran ko 'to,"

nag paalam na silang dalawa sa akin bago umalis. nanatili ako sa bench habang nakatingala sa langit. madilim na at malamig na rin ang hangin.

hinawakan ko ang mag kabilang braso ko dahil sa panginginaw. nakaramdam nalang ako ng coat na bumalot sa likuran ko. nilingon ko iyon at bungad sa akin si Keiler na walang emosyong nakatitig sa akin.

Hate to Love you  [ Part 1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon