Chapter 10

58 17 0
                                    

Kenetic Sand

yen yen's pov

"hindi mo kailangan 'yan Lalu."

nasa National Bookstore kami nila ate Ate Ali ngayon. sinundo nila ako sa school at dumaretso sa national. bibilhan na daw namin ng school supplies si Lalu dahil na rin kailangan n'ya talaga yun pag-pumasok na s'ya.

"ih gusto ko 'to!" sabi n'ya na nag pupuppy eyes pa.

"hindi uubra sa 'kin paawa effect mo! ibalik mo 'yan"

anong gagawin n'ya sa Kenetic Sand na 'yan? para s'yang bata nag lalaro pa s'ya nang mga gan'yan.

sabagay isip bata naman 'to.

"sige na! si Ate Ganda naman ang mag babayad!" sabi n'ya at pilit na nilalagay sa shopping cart namin ang Kenetic Sand.

"aanhin mo ba 'yan!"

"pag-lalaruan sa school."

"kung pakain ko kaya sa 'yo 'yan?"

"tigilan mo na si Lalu minsan lang 'yan mag karoon ng laruan" sabi ni ate na nasa tabi ko na pala.

abot tenga naman ang ngiti ng siraulong bata at ibinato yun sa shopping cart namin.

ang kulit talaga.

hinayaan ko nalang yun at sinundan sila habang tinutulak ang shopping cart.

sinabihan din ako ni ate na kumuha ng ballpen o kaya notebooks na kakailangin ko sa school. sinunod ko s'ya at agad naman ako pumunta sa section ng mga ballpen. habang nag hahanap ng ballpen may nahagip akong mamahalin at magandang ipansulat.

g-tech.

kumuha ako ng isa dahil nga ang mahal ng presyo. ok lang naman kay ate kung bumili ako ng ganitong mamahalin na signpen mayaman naman s'ya.

isang hakbang lang nagagawa ko bago umalis nang may nakabunggo nanaman ako.

puta kelan ba ko titigil kakabunggo!

"s-sorr–" pag-hihingi ko nang tawad sa nakabangga ko at tumingala para tignan s'ya. "anong ginagawa mo rito" inis kong sabi kay Mhiro

"ang hilig mo talaga bumangga ng tao 'no?" pinag taasan n'ya ako ng isang kilay at tinabi ako para makadaan s'ya.

muntik pa ako masubsob sa kakagawan mo!

napansin ko rin ang bitbit na mga libro ni Mhiro sa kamay n'ya. "para saan 'yang hawak mo?" pag-tataka kong tanong sakanya.

"kakainin." bored na sagot n'ya sa 'kin habang namimili ng ballpen.

"wag ka ngang tanga! tinatanong kita nang maayos ta's gan'yan isasagot mo sa akin." galit kong sabi dahilan para lingunin n'ya ako at mag salubong ang mga kilay n'ya.

"sinasabi mo ba na that i'm stupid!? look at yourself. tinatanong kung anong gagawin ko dito sa libro SYEMPRE BABASAHIN!" sigaw n'ya na sa akin at napaatras pa ako dahil sa gulat.

narealize ko na ako pala ang tanga sa aming dalawa.

inalis n'ya ang tingin sa akin at nag simula nang hanap ng ballpen n'ya. aalis na sana ako para iwan s'ya nang may bumangga sa aking bata na tumatakbo. muntik na ako mahulog buti nalang nasalo... n'ya ako?

"are you ok?" pag-aalalang sabi ni Mhiro at tinignan ang batang tumatakbo sa ibang dereksiyon.

"o-ok lang" at tinulungan n'ya akong makatayo nang maayos.

Hate to Love you  [ Part 1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon