1

87 7 3
                                    

CHAPTER 1

Kanina pa ako nakatitig sa hawak kong cellphone naghihintay ng sagot mula sa mga kaibigan ko. I don't usually use my phone while on work except for emergency calls pero iba na ang ihip ng hangin ngayon. Mga ilang minuto na rin ang lumipas nang biglang tumawag sa akin si Zia.

"Hello. Seryoso ako sa sinabi ko, sure bang wala talaga?" Bungad ko na sinagot ng malakas na halakhak ni Zyan.

"Are you a hundred percent sure?" Umikot ang mata ko dahil sa sinabi ni Maurice. Naka-surgical gown pa siya.

"Napa-video call si gaga, are you for real?" Zyan asked too. Bakit, mukha bang hindi kapani-paniwala kapag sa akin nanggaling?

"Baka naman kabag lang 'yan girl?" Hindi pa rin siya matigil sa pagtawa.

Minsan napapaisip ako kung paano ko naging kaibigan ang babaeng ito. Ah, oo nga pala, miyembro kami ng Phoenix band noon.

"Duh? Kailan naman ako nagbiro tungkol dito?" Hindi ko mapigilang magtaray. Kilalang kilala nila ako at simula nang araw na iyon ay hindi na ako muling nagkaroon ng interes sa salitang pag-ibig.

"I have heard the news, is that the reason why?" Kira asked, her voice was low and she seemed too exhausted. Napatango ako.

Mabuti pa si Kira, matinong kausap.

"Seryoso ba? When did that bullshit came back?" Zyan exclaimed. Sa aming lima siya ang pinakawalang preno ang bibig.

"I don't know but I've seen him earlier." They all nodded, knowing what happened between us, they are aware that being in the same establishment with that man meant suicide for me.

"How about Tita Monique? Is she aware?" Zia asked.

"Anyway don't mind what I have said earlier, it's already time I'll hang up first." Pinatay ko ang tawag kahit alam kong magdadaldalan pa sila ukol sa sinabi ko.

Ipinasok ko sa bulsa ng aking uniform ang dalawa kong kamay at taas noong naglakad papunta sa ward ng mga batang makukulit.

Kitang kita ko ang pagkukulitan nila ngunit nang marinig ang pinto ay mabilis silang nagsipag ayos sa kanilang mga kama. Napangiti tuloy ako.

"Hi po Nurse Vien!" Marina, the cute little girl greeted me. I nodded at her.

"How are you guys doing?" Marahang tanong ko at tulad ng dati ay mabilis pa sila sa alas quatro'ng sumagot ng sabay sabay. Napailing na lang ako habang nangingiti.

"He's kinda weird," Dylan whispered looking at the door. Napakunot ang noo ko bago lihim na sumilip sa tinitignan niya.

Bakit naman kaya ako pinapanood nito?

Isinantabi ko ang lalaki at nagpatuloy sa aking trabaho, matapos ng sandaling pakikipag-usap sa mga bata ay nagpasya na akong lumabas. Mayroon kasi akong kailangang puntahan.

"Let us talk." Casual na sambit sa akin ni Nathaniel, walang emosyon ko siyang tinignan kahit pa gusto kong masuka sa lagkit ng pagsuyod niya sa aking kabuuan.

"I know you miss me, too. Let's talk." Ang kapal ng mukha!

"I have an important appointment Doc." Hindi ko alam kung dapat ko bang ipagpasalamat na mahaba ang pasensiya ko at hindi ko pa siya nasusuntok.

Magpapatuloy na sana ako sa aking paglakad pero pinigilan niya ako nang hawakan niya ang balikat ko.

Napapiksi ako at niyugyog ang balikat para ipaalam na hindi ko gustong maramdaman ang pagdikit ng balat niya sa akin.

"Remove your hands off my shoulders Doc, while I am still patient."

"You can never pretend to me, I know you're just mad by now. So when you're no longer angry just call me, I'm just here." His tone made me want to vomit. Kahit gaano iyon kalambing ay kinikilabutan ako. Inikot ko ang aking paningin bago siya nilagpasan.

Embracing the Scars | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon