I spread my arms when I finally went out of the Bureau of Corrections. Finally, I am free.
"Happiness really suit you best." I smiled and nodded. Sa lahat ng compliment iyon ang pinakanagustuhan ko sa lahat.
Matapos namin sa jail ay dumiretso kami sa Montecolon, gusto raw kasi kaming makausap ni Lolo. I wonder what that is.
Tahimik kaming naglalakad habang hawak ang kamay ng isa't isa. "Welcome home!" Nagulat pa ako sa party popper pero kalaunan ay napangiti na lang din.
May mga lobo kung saan saan at maging ang mga pinsan kong bata ay himalang narito at nakikipagsaya sa mga matatanda.
On normal days kasi ay nasa kanikanilang kwarto lang sila or nasa library ng villa para mag-aral.
"Lunch!" Masayang anunsiyo ni Luz, pamangkin ko. Natawa ang lahat dahil sa pagiging bibo ng bata saka kami nagsipagsunod papunta sa dining area.
Ang dining area dito sa main mansion ay kakasya ang singkwentang tao. Dito kasi madalas na ganapin ang nga family events namin kaya malaki talaga ang hapag.
Kumunot ang noo ko nang makita ko ang pamilya ni Kristoff na naka-upo na, kausap pa ni Mommy Antoinette si lola at si mommy. Nagtatawanan pa sila.
"What's going on?" Tanong ko sa asawa ko na kapwa ko ay wala ring alam sa nangyayari.
"No idea, Love." Bulong niyang sagot bago ako pinaghugot ng upuan sa tabi ni Mommy.
"How are you feeling, hija?" Bungad sa akin ni Lolo. Tumango muna ako bago nagsalita.
"I'm good Lolo." Tumango ang matanda bago siya tumunghay sa lahat. That's the cue for us to bow our heads.
Himalang tahimik kami sa hapag, pero ito iyong uri ng tahimik pero payapa. Matapos kumain ay sinabihan kami ni Lolo na pumunta sa opisina niya.
Kahit gulong gulo ang utak ay sumunod kami sa kaniya. Sa second floor ang opisina niya. Napahinga ako nang malalim nang pihitin ni Kristoff ang siradura ng pinto.
His parents are there, as well as mom and Lola. What's going on? Lolo motioned us to sit on the vacant seats, talagang magkahiwalay pa kami ng upuan.
"I know you're already married but. . ." Ayan na nga ba ang sinasabi ko. Nag-uumpisa na naman siya.
Tumungo ako dahil naalala ko ang sinabi sa 'kin noon ni mommy. Did I triggered his trauma?
Ngumiti ang matandang lalaki bago umiling. "Huwag kang kabahan apo."
Hindi ako sumagot at tumitig lang sa kaniya. Ang kaninang ngiti niya ay napalitan ng mahinang pagtawa.
"You are so tensed, I am not asking you to leave him. I know you love each other. Walang duda, anak mo talaga ito, Monique." Napangiwi si mommy dahil doon.
"Dad." Mahinang saway ni Mommy pero hindi naman siya nito pinansin.
"Matanda na kasi ako, gusto kong makitang lumakad papunta sa altar ang panganay na apo ko. Kahit iyon lang bago ako mamayapa." Ani niya bago umubo. Mabilis akong napatayo para lapitan siya pero ikinumpas lang niya ang kaniyang kamay sinasabing manatili kami sa aming mga pwesto.
"Kung ayos lang naman." Dagdag pa niya.
"That is the plan, sir. I am very sorry for not taking it slow." Ani Kristoff na nakatingin ng diretso kay Lolo.
Nakita ko ang kislap sa mga mata ng matanda bago tumango. "Well, you are both in the right age for this matter. That is your decision but I just want to see my granddaughter wearing her wedding dress. I failed seeing Monique wearing one."
BINABASA MO ANG
Embracing the Scars | ✓
RomancePHOENIX SERIES 1 Vien is running away from her ex-boyfriend, who made her life miserable, and for the past five years she has been able to, but then one day he showed up once more, leaving her with no choice but to get married right away. But who wi...