Tapos na kaming kumain ng tanghalian at abala na si Mommy sa pakikipag-tsismisan kay Kristoff ay hindi ko pa rin maaalis sa isip ko ang sinabi niya kanina noong naliligo kami.
Nakangiti ko silang pinagmamasdan, kaya mabilis silang nagkasundo e. Parehas silang mahilig sa tsismis.
Nalukot ang ilong ko nang dumaan sa likod ko si Nurse Calderon, ang baho naman ng dala niya.
Inilipag niya iyon sa tabi ko pero umiling ako. Ayaw ko ng manggang hinog, kadiri. "Favorite mo ito ah." Saad niya pero ayaw ko noon, pinya ang gusto ko.
Gusto ko ng pinya tapos isasawsaw ko sa alamang. Buong maghapon iyon lang ang iniisip ko mabuti na lang dahil kinagabihan ay may dala si Kristoff. Umuwi kasi siya sa bahay nila kaninang alas tres.
Lumawak ang ngiti ko bago siya nilundag, akala ko maglalaway na lang talaga ako rito.
"Careful," he chuckled. Pinanood ko siyang ihanda ang pagkain at mabilis ko iyong nilalantakan nang matapos siya. Tuwang tuwa pa ako at marahang kumakanta dahil masarap palang kombinasyon ang pinya at alamang.
Sasabihin ko ito kay Maurice kapag nakauwi ako ng Pilipinas. Mahilig kasi iyon mag-combine ng mga weird na pagkain tulad ng moon cake cheese flavor at strawberry fruit tea. Nag-away ang lasa pero sabi niya masarap. Napangiti ako sa isipin.
Thursday came, I was wearing an all black office attire and a smile crept into my lips when I read what's now carved on my glass desk name plate.
Lavienne G. Herrera - Scott
Chief Executive OfficerBinalingan ko si Christine na may hawak na iPad, iyon ang schedule ko for today. Although maluwag iyon unlike dati, kailangan pa ring naka-organize para hindi kami malito.
Nag-away pa kami ni Kristoff kagabi dahil dito pero wala rin naman siyang nagawa. Nakaalis na rin siya ng bansa, hinatid ko siya sa airport kanina. He needs to investigate.
Ang sabi rin niya ay pag-uwi ko na sa Pilipinas niya sasabihin ang ibig niyang sabihin dahil baka raw ma-stress lang ako.
Hay nako, hindi yata siya aware na mas lalo lang ako magiging stress dahil iisiipin ko kung ano ba talaga ang ibig niyang sabihin.
What if, mag-overthink na lang ako?
Naupo ako sa silya ko at sinimulan ng basahin ang ibinigay na plan ni Miss Ford. Maganda naman, maayos, mahusay talaga siya kaya nga dalawang buwan pa lang siya sa company na ito ay binigyan na kaagad siya ni Daddy ng promotion.
Nakarinig ako ng tatlong katok mula sa pinto bago ko nakita ko si Christine, nandito na sila? Ang bilis naman.
Tumango lang ako sa kaniya para papasukin niya ang mga bisita samantalang hindi ko tinanggal ang paningin ko sa screen ng laptop ko.
Hindi pa nila ako masyadong nakikita kaya naman hinanda ko rin muna ang sarili ko. Nang makita ko silang malapit na ay saka ako tumayo at taas noong bumati sa kanila habang suot ang matamis na ngiti.
"Good afternoon, Mister and Miss Fischer, I'm the CEO of DZ Group of Companies, Lavienne Herrera." Nakangiti kong bati nang makarating ako sa kanilang harapan.
I also extended my hands but they looked at me shocked like they have seen a ghost. Napalitan ng smirk ang kaninang matamis na ngiti ko.
Hindi niyo ba expected? Ngayon natin tignan kung sino ba talaga ang gold digger sa atin.
"Please have a seat." I motioned them to the visitor's chair. Hinintay ko silang magdesisyon kung tutuloy pa sila o hindi pero dahil tumuloy sila ay pinigil ko ang sarili ko na huwag tumawa ng malakas.
BINABASA MO ANG
Embracing the Scars | ✓
RomancePHOENIX SERIES 1 Vien is running away from her ex-boyfriend, who made her life miserable, and for the past five years she has been able to, but then one day he showed up once more, leaving her with no choice but to get married right away. But who wi...