CHAPTER 3
Dahil nakakahanap ako ng comfort sa pagkain ay dumiretso ako sa fridge nang makauwi ako pero kaunti na lang ang laman noon kaya naman muli akong lumabas para mamili nang makasalubong ko si Kristoff.
"Where are you going?"
"Grocery, ubos na ang stock." Saad ko na parang walang nangyari. Tumango siya bago tinanggal ang coat na suot, ipinatong niya iyon sa sofa bago muling lumapit sa akin.
Naguguluhan naman ako sa kaniya pero isinantabi na lang iyon. Mas kailangan ko ngayon ng pagkain para maging kalmado ang sistema ko.
"I'll go with you,"
Siya ang nag-drive para sa amin. When we entered the mall, nostalgia surged through me. I saw a family nearby, they're taking photos of their cute little son, the dad was holding the little boy and the mom was the one holding the camera. A faint smile flashed in my face before I followed Kristoff inside the grocery.
"I miss my squad." Times like these are our favorite. Tatambay sa grocery matapos ang mahabang araw sa school or tatambay lang dahil bored kami sa mga bahay namin.
Minsan pa nga ay nandito kami dahil wala na kaming creative juices para sa tambak na mga gawain. When I reached for the vegetable section a mischievous smile crept in my lips. Nasa harap ko kasi ang mga talong, may naalala tuloy ako.
Kumusta naman kaya si Kai at ang singer niyang girlfriend? Ang tagal na rin kasi noong huling beses na nakita ko silang magkasama.
Nagkakausap man kaming dalawa ay hindi namin naisisingit ang usapang love life. Iginagalang niya raw ang pagiging single ko.
Who you sa akin ang isang yon pag nagkita-kita ulit kami.
"Hoy Vien! Who's that? Boyfriend mo?" Napalingon ako sa malakas na boses na iyon ni Zia. Isa rin sa mga kaibigan ko, malaki kasi ang circle namin. Highschool friends kami dahil part kami ng Phoenix Band noon.
Hinila ko ang daliri niya para bumaba dahil nakaturo iyon kay Kristoff na abala sa mga cabbage sa may 'di kalayuan.
"No," mahinang saad ko. Umiling lang siya at hinampas ako. Hindi ko naman talaga boyfriend iyan dahil asawa ko iyan. Umirap ako at balak na rin sana siyang hampasin pero naglakad na papunta kay Kristoff si Zia.
Nagmadali rin tuloy akong sumunod sa kaniya. Mahirap na baka kung ano-ano naman ang sabihin ng bungangerang ito.
"Wait, you look familiar," nag-isip pa talaga siya, tinignan din naman siya sandali ni Kristoff bago bumaling sa akin ang lalaki. Nagtatanong kung sino ang kaharap niya. Inangat ko ang kilay ko bago ikinibit ang balikat.
"Ikaw iyon 'di ba?" Tanong pang muli ng kaibigan ko kaya naman kinabig ko na ito dahil halatang nawiwirduhan na ang kasama ko sa inaasta niya. Natawa lang naman ang kaibigan ko.
"Kapatid ka ni Prosecutor Logan Kaius Scott, tama?" Tumango si Kristoff, oh, I didn't know that. Actually, wala akong kahit na anong alam sa kaniya maliban sa siya ang director ng hospital na pinagtatrabahuhan ko.
"Oh sorry! I'm Lavienne's best friend, I know you're not asking but I just wanted to inform you, Zia." Pagpapakilala niya, she also extended her hand making me raise an eyebrow. Lumapad ang ngiti ni Zia bago bawiin ang kamay nang akmang aabutin na ni iyon ni Kristoff.
"Ay I'm not ready to die pa pala." Tawa ni Zia bago sinundot ang tagiliran ko. "Nakalimutan kong selosa nga pala ang kaibigan ko." Nanlaki ang mga mata ko at balak na sana siyang saksakin no'ng kutsilyong nakapatong sa tabi ng mga mangoes for free tasting kung hindi lang nahawakan ni Kristoff ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
Embracing the Scars | ✓
RomancePHOENIX SERIES 1 Vien is running away from her ex-boyfriend, who made her life miserable, and for the past five years she has been able to, but then one day he showed up once more, leaving her with no choice but to get married right away. But who wi...