Epilogue

61 7 3
                                    

Featured Song
Kumpas by MOIRA DELA TORRE

“Ang ganda mo!” Naiiyak na bati sa akin ni Maurice. Kanina pa ako nakaharap sa full length mirror at pinagmamasdan ang sarili. 

Ang ganda ko nga ngayon, ibang iba ang aura ko sa nakasanayan ko.

“Kinakabahan ako.” Pag-amin ko. 

Lumukot ang mukha niya bago lumapit sa akin, niyakap niya ako ng mahigpit bago ako hinarap sa salamin.

“I don’t know how that feels but I just want to tell you that the nerves you are feeling right now is a sign that you are more than ready to face him. Nandoon na siya, ikaw, tayo na lang ang hinihintay.”

Right, Maurice is my maid of honor, bunutan kasi ang ginawa ko para walang samaan ng loob. Siya rin ang kakanta mamaya habang papasok ako ng simbahan.

“What if—” Lumayo siya sa akin pero nanatiling nakatingin sa repleksiyon namin sa salamin. Tumalim ang kaniyang mga mata bago umarko ang kilay.

“Ano? Sa four months na wala ka nakita ko kung paano ka niya iyakan, ngayon mo sa ’kin itanong ang mga what if’s mo.” 

“Sungit mo. Bakit hindi mo na lang ako sabayan. Iyong iba nga nag-iiyakan kapag may ikakasal na sa barkada tapos ikaw ganiyan? Bakit ba kasi ikaw ang maid of honor ko?” Sumpong ko sa kaibigan.

But of course, as bratty as she is, she just rolled her eyes.

“Edi dapat sila ang ginawa mong barkada, daming drama nag-iyakan na tayo kahapon ah? Gusto pa araw-araw? Give me a break please, and oh, pasensiya ka na dahil mabaho talaga kamay mo kapag bunutan ang usapan.”

Hindi na nawala ang pagiging sarkastika niya. Yumakap siyang muli sa akin bago bumulong. 

“See you sa church, I am happy for you, Vien.” Nauna na siyang lumabas matapos sabihin iyon.

Abot-abot ang kaba ko habang pasakay ako sa kalesa. Malapit lang naman ang simbahan but for a more dramatic effect, kailangan kong gumamit ng kalesa.

“Binabati kita Ineng.” Si Mang Canor ang kutsero ko ngayon. Ngumiti ako bago tumango. 

“Marami pong salamat sa lahat, Tatang.” Natawa siya bago nagsimulang magpaalala  na huwag daw akong masyadong kabahan pero kahit anong gawin ko ay hindi matanggal ang kaba ko.

Paghinto ng kalesa sa tapat ng simbahan ay inalalayan niya akong bumaba. Si Lolo ang kasama kong maglalakad papunta kay Kristoff sa altar mamaya.

“Handa ka na ba, apo?” Tumango lang ako kay Lolo dahil wala na akong boses na mailabas. Parang gusto ko na lang umiyak.

Nakasarado ang pinto ng simbahan pero rinig ko na rito ang pagguhit ni Zyan sa violin at ang marahang pagtunog ng keyboard na si Wes ang may kontrol.

Saglit pa ay narinig ko na ang mala-anghel na tinig ni Maurice habang humihiging bago simulan ang unang berso ng kanta.

Pa’no bang mababawi lahat ng mga nasabi. . .

The double doors of the church opened and they stood to watch me walk down the aisle with lolo. I smiled widely, my eyes were fixed on him as he watch me taking my steps to him.

Embracing the Scars | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon