24

25 6 5
                                    

I spread my arms and feel the warm breeze of air. Ang sarap sa pakiramdam. Sa loob ng apat na buwan dito ako sa Nueva Vicencio naglagi.

Rolling na ang kaso sa pagpatay kay dad at natapos na ang unang hearing. Nakikibalita lang ako kay Mommy pero maging siya ay hindi alam kung nasaan ako.

Wala talaga akong kahit na sinong pinagsabihan. Nagbago ako ng phone at sim, si mommy lang ang may contact sa akin.

At sa loob ng apat na buwan masasabi kong ayos na ang pakiramdam ko. Unti-unti natanggap ko ang pagkawala ng baby namin.

Unti-unti natutunan kong yakapin ang realidad ng buhay namin. The Fischers were also arrested successfully that day at kahapon ay ibinaba na ang hatol.

Thirty years imprisonment with a fine of one hundred million dollars. Celine on the other hand was convicted of embezzlement as part of the Fischer's unlawful deeds. Her dad is also imprisoned for murder.

May additional case pa dapat kay Celine pero sabi ko kay mommy at iurong na dahil sa US naman sila lilitisin. There might be a conflict if we still push what she did to me dahil dito niya iyon sa Pinas ginawa.

Kinapa ko sa gitara ang chords ng kantang palagi kong naririnig sa radyo. Surprisingly the song screams for what I am currently feeling.

"Mahusay ka pala sa pagkanta at pagtugtog, ineng." Bati ni Manang Milagrosa. Siya ang kapitbahay ko. Mabait ang matanda at sila rin ang may-ari ng malawak na palayan sa harapan ko.

Harvest season na ngayon. Kaya maraming tao sa palayan. Lumapit din sa amin ang iba pa at pawang nakiki-usyoso sa amin.

"Ikaw pala ay tumutugtog. Hindi na nakabibiglang nabighani sa iyo si Juancho."

Si Juancho ay isang engineer at ang nag-iisang anak ni Aling Felicidad. Matangkad ito, moreno, at matalino.

But no matter how intelligent he is, he wasn't able to reach my standard. Ah yeah, my husband just raised my standards too much.

I smiled remembering my man. He's probably inside his office now, reading a proposal or signing one. Or perhaps he is inside an operation room.

"Naku! Ang taas ng pangarap ng anak mo Felina, tignan mo nga't may gintong singsing si ineng!" Ani Manang Milagrosa.

Lalong dumami ang mga marites sa paligid ko kaya tumango na lang ako at ngumiti nang tanungin nila kung tunay daw bang gold iyon.

This is 24 Carat gold wedding band. Nagpunta ako noon sa Vegas at pina-check ang design pero ang sabi nila ay wala pa raw silang nakitang ganoong disenyo kaya posibleng pasadya ito.

But is that even possible? How is he so prepared when I proposed to him impromptu, on the first meet? Wait, is the ring supposed to be for someone else?

"Bakit nakakunot ang iyong noo, ineng? Naaalala mo na ang nagbigay sa iyo ng singsing mo?" Hindi ako kumibo.

Sa loob ng apat na buwan hindi niya nilubayan ang utak ko. Maging sa pagtulog at pagligo ko ay naaalala ko ang mga ginawa namin.

"Nag-iisip ka ba na baka nagbago na ang isip niya? Matagal na rin dito pero hindi ko pa siya nakitang dumalaw." Umiling ako.

"Nagkaroon ba kayo ng alitan?" Ang daming tanong, sabi ko pupunta ako rito ara magkaroon ng kapayapaan but jokes on me!

"Kalasin mo nga ang singsing mo mayroon lang akong kukumpirmahin." Tinignan ko si Mang Canor ng sabihin niya iyon. Bakit naman kaya?

Natawa siya, siguro naiisip niya na bago iniisip ko na itatakbo niya ang singsing ko kaya ko siya tinignan. Pero tumingin ako sa kaniya para lang magtanong kung bakit.

Embracing the Scars | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon