8

37 6 2
                                    

CHAPTER 8

It took us several minutes before I finally collected myself. I stood properly but his hands remained on my waist.

"Bababa na ako, baka hinahanap na rin ako nila Nurse Kaori." He stood up before nodding. Hindi na ako naghintay pa ng sagot niya dahil muli na naman akong kinakain ng hiya, bakit naman kasi siya nanghahalik?

At bakit rin ako gumanti ng halik?

I walked to the door feeling his eyes watching me and when I moved out of the door, I saw him still standing there, watching me with a smile on his face.

I closed the door and leaned on it as I listened to the beats of my heart. I heaved a heavy sigh before walking to the elevator.

"Nurse Vien may party daw mamaya sa Lotus." Bungad sa akin ni Nurse Kaori nang makabalik ako sa station namin.

Napakunot ang noo ko, bakit mayroong ganoon? Wala namang may birthday.

"Para saan daw?"

"Para daw sa successful operation kay patient eleven, ewan ko rin sa kanila." Sagot niya bago napatingin sa kamay ko na hawak pa rin ang first aid kit, napangiti naman ng malapad ang nurse bago ako siniko nang bahagya.

Napangiwi ako, "Ang dami naman nilang time para mag bar, huh? Anyway, lunch na. Sasabay ako." Pag-iiba ko sa usapan bago inilapag ang first aid kit at hinila siya palabas, sakto namang nakasabay namin ang iba pang mga doktor.

"Sasabay ka sa 'min Nurse Lavienne?" Masayang tanong ni Doctor Balenciaga na tinanguan ko. Gulat pa siya sa reaksiyon ko, kung sabagay, matagal na rin kasi ang huling beses na nagkasabay kami sa pagkain.

"Na-miss ko kayo, let's go, my treat." Saad ko bago naglakad palabas. Dahil pupunta si Kristoff sa kompanya ay hindi ako makakasabay sa kaniya na mag-lunch kaya naman sasabay na muna ako sa mga kaibigan.

Masaya naman sila sa desisyon ko, hindi dahil libre kung hindi dahil magkakaroon na ulit kami ng bonding matapos ang halos dalawang buwan.

"Doctor Co, Doctor Valle join us at may interrogation tayo." Pabirong sambit ni Doktor San Diego nang makarating kami sa cafeteria ng hospital. Hindi kami makalabas ngayon dahil naka code red ang ICU dahil sa mga pasyente mula sa nag-collapse na building.

Nakangiti akong nagmasid sa dalawang residente, sandaling nagkatinginan ang dalawang doktor bago sumulyap sa akin. Bahagya akong ngumiti sa kanila bago ko kinuha ang cellphone, nag-reply na kasi ang sekretarya ko. Sinabi ko kasing dapat na siyang magpatawag ng board meeting.

Naramdaman ko ang pag-upo nilang dalawa sa bakanteng bangko dala dala ang tray ng pagkain pero hindi ko na sila muling tinignan.

Christine
The board agreed to have a meeting, the first day of the following month, 7 in the morning.

I replied ok and asked for more details which she sent me right away.

"Kumusta ang experience makasama si Director sa OR?" Nakikiusyosong tanong ni Doktora Balenciaga sa dalawang doktor sa gitna ng pagkain namin.

"Kabado ako kanina, napakaseryoso ni Director at ang bilis niya kumilos." Saad ni Doktora Valle. Hindi ko ugaling makinig sa usapan ng iba pero dahil asawa ko naman ang involve ay hinayaan ko iyong pumasok sa aking tenga habang patuloy ang pakikipag-usap ko kay Christine.

"Mas kabado ako kanina nung biglang tumama sa likod ng ambulansiya si Director." Napaangat ang ulo ko at tinignan si doktor Co na noo'y nakatingin din pala sa akin, pansin ko na kanina pa nila ako pinariringgan. May alam kaya ang dalawang ito tungkol sa akin?

Embracing the Scars | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon